Chapter 9

2.4K 73 0
                                    

Geoff POV

 

 

Pagkauwi ko sa mansion napaupo na lang ako sa sofa. Tinanggal ko yung salamin ko at sinuklay ko yung buhok ko sa gitna gamit ang kamay ko.Tinanggal ko din yung mga pekeng tigyawat sa mukha ko at pati na rin yung pekeng ipin na nakalagay sa ngipin ko.

Nga pala. Naguguluhan na ba kayo? Okay ipapaliwanag ko na lahat-lahat.

Ako pala si Ohrik Geoff Sy. Ako yung NERD na madalas mapag-tripan sa University ako yung NERD na laging inuutusan ni Monique gumawa ng assignment niya sa Accounting. At ako rin yung MODEL na nakasama ni Monique sa photoshoot ng Bench. (A/N: Ginagamit ko yung GEOFF kapag nakapag-disguise siya at OHRIK kapag nasa totoong anyo siya. Okeeh?)

Hindi naman talaga ako NERD. Ang katunayan nga yan sikat akong model at isa pa hindi ako pangit at baduy pumorma. GWAPO ako at marunong pumorma.

Ngayon alam niyo na? Malinaw na ba?  Kaya ako nagpapanggap na NERD sa University ay para sundan ang EX-Girlfriend kong si Karen. Tama kayo si Karen ang sinabunutan at sinampal ni Monique ng walang dahilan.

Ang totoo niyan nung una talaga sinumpa ko ng sinumpa si Monique dahil sa ginawa niya sa akin. Tapos nung araw ng photoshoot nagulat ako ng siya ang magiging partner ko pansamantala kaya naman nilandi ko siya titignan ko kung kakagat siya pero nagkamali ako. Hindi siya malandi at hindi madaling makuha yung loob niya. Nang marinig ko yung pagkwekwento niya tungkol sa photoshoot sa bestfriend niyang si Cheska natutuwa ako kasi halatang galit na galit at gigil na gigil siya sa ginawa ko sa kanya.

Nang makita ko siya sa mall na parang balisa dahil hindi niya alam gagawin niya naisip ko na isama siya sa Orphanage ang lugar na pinaka-ayaw puntahan ni Karen. Maganda si Monique, mataray at suplada masama ang ugali kaya sigurado akong aayawan niya agad ang pagsama ko sa kanya dun pero nagulat ako na imbis na mabwisit siya natuwa pa siya at nag-enjoy siya kasama ang mga bata. Lalo na nung pinalapit ko si Cindy planado lahat yun. Akala ko sisigawan niya ng palihim si Cindy pero natuwa pa siya ng lapitan siya nito.

Pumasok ako sa University na hindi mukhang NERD para sana mag-pasalamat at kamustahin siya. Pero nagulat ako ng makita kong sinampal niya si Karen. Hangga’t maari ayokong nakikitang may nananakit o namamahiya sa babaeng mahal ko. Gusto ko siyang sampalin din pero dahil sa babae siya hinayaan ko na lang siya.Pero yung sagutan at nang sampalin siya ng Daddy niya halos mapalitan ng awa ang nararamdamang kong galit sa kanya nung araw na yun.

Tapos ngayon. Ngayon na nakita ko ang ginawa ni Karen na pag-sugod kay Cheska masasabi ko na parang totoo ang sinabi ni Monique na hindi niya sasaktan si Karen kung wala itong ginawa sa kanya. Nakokonsensya tuloy ako.Pero siyempre kailangan ko pa rin ng ebidensya kung totoo talaga na hindi niya sinaktan ng walang dahilan si Karen.

Napabuntong-hininga ako. Asan na kaya siya? Totoo kayang nawawala siya? Ano bang trip niya at kailangan niyang lumayo?

She's Falling Inlove to a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon