Chapter 30 (Where do broken hearts go?)

2.3K 81 1
                                    

Monique POV

Huminga ako ng malalim bago lumabas ng sasakyan ko. Napangiti ako ng makita ko si Nerd na nakaupo sa damo dito kasi sa park niya nais kami magkita.

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa likod niya atska siya hinalikan sa pisngi.

'Ayyy sabi na eh.' Hinawakan niya ang kamay ko at naupo ako sa tabi niya.

'Kamusta bakasyon mo?' nakangiti kong tanong.

'Masaya naman....Ikaw? Kamusta bakasyon?' Ngumiti ako ng pilit sa kanya...Paano ko ba sasabihin sa kanya na nagbakasyon lang may pakakasalan na ako?

'Hey.....' kinurot ko ang pisngi niya atska ako ngumiti.

'Ayos lang...Kumain ka na?' Hinawakan niya ang pisngi ko atska niya ako hinalikan sa labi.

'May aaminin ako sayo...' Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

'Anong aaminin mo?' Taka kong tanong.

'Ang totoo niyan...' Kumabog ng malakas ang dibdib ko ng alisin niya ang kanyang salamin atska inayos niya ang kanyang buhok.

Tinanggal niya ang ipin sa kanyang bibig at pati rin ang mga tigyawat niya. Teka tigyawat?

Nanlaki ang mata ko ng makita ko si,Hambog.

'T-teka...' Napatayo ako sa kinauupuan ko atska niya hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.

'Monique.....Si Nerd at Hambog ay iisa lang.' Hinatak ko ang aking kamay mula sa kanya atska naglakad paatras. Kalokohan...Kalokohan lang ang lahat ng ito.

'P-paano?' Nagtataka kong tanong. Nangingilid na ang luha sa mata ko at ganun din kay Ne---- Fvk.

'Let me explain.' Hahawakan niya sana ang balikat ko ng tumakbo na ako papunta sa sasakyan ko. Nilock ko kagad ang pintuan ng kotse ko.

'Please Monique....Let me explain!!!!' Kinakatok niya ang bintana ko. Hinanap ko sa loob ng aking bag ang susi ng kotse pero hindi ko mahanap.

'FVK YOU!!!! JUST FVKNG LEAVE ME ALONE!!!' umiiyak kong sigaw atska ko binuksan ang bulsa ng bag ko. Nagmamadali kong binuksan ang makina ng kotse ko atska ko yun pinaharurot.

Geoff Ohrik POV

'FVK!!!' sigaw ko ng makita ko kung gaano kabilis minaneho ni Monique ang sasakyan niya. Paano kung maaksidente siya? Bakit kasi hindi ko ginandahan ang timing sa pag-amin ko.

Dali-dali akong sumakay sa bike ko para makauwi kay Lola.

-Mansion-

'Lola....' umiiyak kong tawag kay Lola na nakaupo sa sofa, agad siyang napatayo at niyakap ako ng mahigpit.

'Shhhh......Hayaan mo muna si Monique, bigyan mo siya ng araw para makapag-isip.' Lalo akong naiyak dahil hindi ko kayang hindi makita at makausap si Monique.

'Lola.....Mahal na mahal ko siya..' Umiiyak kong sabi.

'I know....I know.' Bulong sa akin ni Lola.

******

Matapos kong umiyak kay Lola ay umakyat ako sa kwarto ko. Humiga ako sa kama at inaalala ang naging reaksyon ni Monique...Alam ko na sobra-sobra ang galit na nararamdaman niya sa akin.

Alam ko na sinira ko ang tiwala niya. Alam ko din na niloko ko siya at ginawang tanga. I hate myself.

Monique POV

She's Falling Inlove to a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon