Chapter 34

1.9K 75 2
                                    

Monique POV

'OHRIK WAIT!!' sigaw ko atska ako tumakbo pero may humatak kaagad sa braso ko.

'Niks...Mag-usap tayo.' Malungkot na sabi ni Ohrik. Tinignan ko siya ng masama atska ko siya sinampal ng malakas sa mukha.

'Usap? Ha!! Ang kapal-kapal ng pagmumukha mo para sabihin pa yan sa akin! Nilingon ko si Karen na nakatingin sa akin at kay Dustin At ikaw...Alam kong kasama ka sa pagplano nito eh.' Agad kong hinatak ang buhok niya atska siya sinampal ng malakas.

'Tandaan mo Karen alam ko ang kabahuan mo...Sa oras na malaman kong hindi mo pa rin ako tinitigilan sa pamemeste mo. Ikaw ang pepestehin ko.' Gigil kong bulong sa kanya atska siya tinulak ng malakas kaya napaupo siya sa sahig.

'Matuto kang lumugar.' Dinuro ko pa siya atska binalingan si Dustin.

'Bakit kaya hindi ka pa namatay?' Inis kong sabi at nanlaki ang kanyang mata. Inirapan ko siya atska naglakad paalis sa pesteng building na ito.

Geoff Ohrik POV

Inihinto ko ang sasakyan atska lumabas sa kotse. Lumanghap ako ng hangin at tinignan ang kabuuan ng city.

'Ang sakit.....' Bulong ko sa aking sarili. Nanlalabo na ang paningin ko kaya naman tumingala ako sa langit.

Mahal na mahal ko si Monique at lahat ay gagawin ko maging masaya lang siya...Pero bakit ganun? Bat parang hindi pa rin sapat ang mga ginagawa ko?

Ako na ba talaga ang mahal niya? O si Dustin pa rin ang nag-iisa sa puso niya?

Kinuha ko sa aking bulsa ang cellphone ko na nag-vibrate.

Monique Calling....

Pinunasan ko ang aking mata atska sinagot ang tawag.

(Geoff....Please mag-usap tayo oh, Asan ka ba?) Kinagat ko ang ibaba kong labi.

(Geoff....Ikaw ang mahal ko at hindi si Dustin, maniwala ka o sa hindi. Nagulat ako ng may mga lalaki na nagtakip sa aking bibig at kinaladkad ako sa isang room atska ako nilock doon, laking gulat ko ng andoon din si Dustin atska niya ako hinalikan.) Napapikit ako.

(Geoff...Huwag mo ko pahirapan ng ganito ah! Ikaw hinayaan kitang mag-explain at pinatawad kita agad! Tas ako? Hindi mo ako patatawarin agad?....Shit wait bakit mo pala ako patatawarin eh wala naman akong kasalanan!! Si Dustin ang may kasalanan! Kaya sa kanya ka magalit! Bye!) Napangiti ako at umiling-iling....Kahit kailan talaga ang babaeng iyon.

Karen POV

'BWISIT!!!!' sigaw ko ng makaalis na ang impaktang si Monique.

'Hindi ba't sinabi ko sayo na iba ang pasasamahin mo kay Ohrik papunta dito?!' Nilingon ko si Dustin na ang sama-sama ng tingin sa akin.

'Hoy! Ako pa talaga ang sinisisi mo? Napag-away na nga natin silang dalawa diba?' Inis kong bulyaw sa kanya.

'Tandaan mo kapag hindi natin sila napaghiwalay...Itapon mo na ang pangarap mong maging buhay mayaman!' sabay tulak niya sa akin. Napasabunot ako sa aking buhok. Badtrip!!! Arghhhhh.

Monique POV

Napahiga ako sa kama atska ako humagulhol ng iyak.

'Shit.....Bakit ba lagi na lang ako umiiyak?' Inis kong sabi habang pinupunasan ko ng tissue paper ang mata ko.

'Ang ganda-ganda ko tas paiiyakin lang nila ako? I hate them..' Binato ko ang tissue paper at narinig ko ang pagbukas ng pinto ng aking kwarto.

'Please....Huhuhu kung sino ka mang bastos ka! Nag-eemote ako dito kaya pwede ba lumayas ka sa kwarto ko!!!' sigaw ko atska nilingon ang bastos na walang pasabing pumasok sa kwarto ko.

'Bakit ka umiiyak?' kunot noong sabi sa akin ni Geoff Ohrik A.K.A hambog-nerd.

'Bakit ka andito?' kunot noo kong sabi sa kanya. Naupo siya sa harap ko at pinunasan niya ang luha sa pisngi ko gamit ang kanyang daliri.

'Ayokong nakikita kang umiiyak.' Hinalikan niya ang noo ko kaya naiyak ako lalo.

'Huhuhu!! Nakakainis kang hambog ka! Ang hilig mo kong paiyakin eh ang pangit-pangit mo namang bwisit ka!' Pinagsusuntok ko ang balikat niya.

'Pssh....Halika nga dito.' Niyakap niya ako ng mahigpit.

'Mahal na mahal kita Monique...Please ayoko ng nakikita kang lumalapit kay Dustin....Namamatay ang puso ko.' Napatigil ako sa pag-iyak.

'Lapitan mo na lahat. Huwag lang ang lalaking minahal mo noon at nag-paiyak sayo noon.' Kumalas ako sa pagkakayakap kay Hambog atska siya tinitigan ng masama.

'Ano ba pinalalabas mo ha?!' Sigaw ko sa kanya.

'Na sa akin ka lang....At walang pwedeng umangkin sayo dahil akin ka na.' Nakangisi niyang sabi atska ako hinalikan sa aking labi.

Cheska POV

Nandiri ako sa narinig ko kaya naman bumaba na ako ng hagdanan.

'Ikaw....Kapag nahuli ka ni Niks na nakikinig sa usapan nila ni Ohrik, malilintikan ka na naman doon.' Kinurot ni Jay ang pisngi ko kaya napanguso ako.

'Tsk masama bang maging supportive ako sa bestfriend ko? Gusto ko lang naman na maging masaya na siya ulit.' Nginitian ako ni Jay atska niya ako niyakap ng mahigpit.

'Masaya na si Niks....Ramdam ko na masayang-masaya siya.' Napangiti ako sa sinabi ni Jay.

She's Falling Inlove to a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon