Chapter 41

2.2K 71 1
                                    

Geoff Ohrik POV

Napatayo ako ng bumalik sa sala si Karen na umiiyak pa rin. Nilapitan siya ni Cheska at niyakap ng mahigpit.

'Hindi na maibabalik ang pagkakaibigan naming dalawa Ches.' Umiiyak na sabi ni Karen.

'Apo, puntahan mo si Monique.' Bulong sa akin ni Lola. Naglakad ako papuntang garden at sakto naman ang paglabas ni Monique.

'Pwede ba tayong mag-usap?' mahinahon kong sabi.

'Tsaka na muna, naiistress pa kasi ako eh baka hindi ko na kayanin.' Naluluha niyang sabi. Nilapitan ko siya at niyakap ng mahigpit.

'Wag mong iisipin na pati ako ay tinalikuran ka. Hinding-hindi ko yun magagawa sayo. Mahal na mahal kita Monique.' Hinalikan ko ang kanyang noo atska siya binitawan. Hindi na siya nagsalita dahil patuloy siya naglakad paakyat sa hagdanan.

'Mahirap ngayon ang pinagdadaanan ni Niks, I think it's better kung hahayaan na muna naten siya mapag-isa. Nang sa ganun ay makapag-isip siya ng mabuti.' Inakbayan ako ni Kuya Rain atska niya ako inakay pabalik sa sala.

'Huwag ho kayong mag-alala dahil matutuloy ang kasal ni Ohrik at ni Chene.' nakangiting sabi ng Daddy ni Monique.

'Alam ko naman iyon, pero gusto ko sana hayaang makapag-relax si Monique, lalo na at maraming nagdaan na pagsubok sa kanya.' seryosong sabi ni Lola. Naupo ako sa tabi ni Lola atska siya inakbayan.

'Ohrik, salamat dahil naging mabuti kang boyfriend sa anak ko. Sana ay wag kang mag-sawa at sumuko agad sa kanya.' Nakangiting sabi ng Mommy ni Monique.

'Mahal na mahal ko po ang anak niyo.' nakangiti kong sabi.

After 2 weeks.....

Monique POV

Napatayo ako sa kama atska lumabas ng veranda. Napapikit ako ng maamoy ko ang mahamog na hangin.

Alas singko ng madaling-araw pa lang kaya naman malamig ang simoy ng hangin. Hindi ko nabilang ang araw na lumipas.

Ang araw na hindi ako pumasok.

Ang araw na hindi ako lumabas ng kwarto.

Ang araw na parang wala ako sa sarili ko.

Kada umaga, tanghali at gabi ay iniiwanan ako ni Kuya Rain ng pagkain sa labas ng kwarto ko. Minsan kinakain ko at minsan ay hindi.

Naramdaman ko ang luha na pumatak sa aking pisngi. Ang daming nangyari sa buhay ko na hindi ko alam kung paano ko nasolusyunan.

Naupo ako sa sahig atska tumingala sa langit.

-KNOCK KNOCK KNOCK-

Tumayo ako sa pagkakaupo ko atska naglakad papunta sa pintuan ko.

'Monique?' napalayo ako sa pintuan ng aking marinig ang boses ni Ohrik,

'Alam ko na gising ka. At ramdam ko na andyan ka lang sa pintuan. Miss na miss kita.' Napaupo ako sa tapat ng pintuan at dinadama ang boses ni Ohrik.

'Hmmm....Bago ang lahat gusto kitang kantahan.' Napangiti ako sa sinabi niya. Narinig ko ang pag-strum niya ng gitara.

Namiss ko tuloy kumanta at tumugtog ng gitara.

'Hawakan mo ang kamay ko ng pagka-higpit, pakinggan mo ang tinig ko oh di mo ba napapansin...Ikaw at ako oh wooh oh, Tayo'y pinagtagpo. Ikaw at ako oh wooh oh di na muling magkakalayo.' Naipikit ko ang aking mata dahil sa ganda ng boses ni Ohrik.

She's Falling Inlove to a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon