Chapter 32

2.2K 76 3
                                    

Cheska POV

Nakangisi akong nahiga sa tabi ni Niks.

'Ikaw ha!!! Paiyak-iyak ka pang nalalaman, patatawarin mo naman agad.' Kinurot-kurot ko ang tagliran ni Niks na wala man lang reaksyon.

'Ewan ko ba, hindi ko kasi siya matiis eh. Naintindihan ko naman yung rason niya eh, Isa pa ganun talaga siguro kapag sobra kang nagmamahal eh papatawarin mo agad.' Napangiti ako atska niyakap si Niks.

'Nayss atleast babait ka na.' Kinurot niya yung braso ko kaya napalayo ako sa kanya.

'Sinong may sabi? Nagpahinga lang ako saglit dahil brokenhearted ako ng panahon na yun.' Mataray niyang sabi. Tsk sinasabi na eh.

'Isa pa....Si Karen landi.' Bumangon ako sa pagkakahiga atska tinignan si Niks na nakakunot ang noo.

'Anong meron doon?' taka kong tanong.

'Yung tatay niya pala nakakulong dahil sa pagbebenta ng bawal na droga...At yung nanay niya na nagbebenta din ng droga ay pinapadalhan lang siya ng pera.' Napanganga ako sa sinabi ni Niks.

'Seryoso ka Niks?' Nanlalaking mata na sabi ko.

'Oo....Maski ako ay nagulat eh, kaya nga naawa ako sa kanya kasi ganun klase ng buhay ang meron siya.' Bumangon si Niks sa pagkakahiga niya sa kama atska niyakap ang magkabilang tuhod niya.

'Kaya siguro madalas siyang lumandi ng gwapo at mayamang lalaki dahil gusto niyang maging maganda ang buhay niya.' Napanguso ako sa sinabi ni Niks.

Rain POV

Tinignan ko ang pintuan ng coffee shop na bumukas at niluwa ang isang Geoff Ohrik Sy.

'Kuya Rain.' Sinenyasan ko siya na maupo sa upuan na katapat ko.

'Mahal mo ba ang kapatid ko?' Diretso kong tanong sa kanya.

'Sobra....Sobra ko pong mahal si Monique.' seryoso niyang sagot kaya napangiti ako.

'Masaya ako dahil mahal mo ang kapatid ko, Pero gusto kitang i-condolence dahil kahit kailan hindi na magbabago ugali ng isang yun.' Natatawa kong sabi kaya napangiti siya.

'Alam ko po na bully si Niks at mataray. Nagsasalita siya agad ng masakit tungkol sa isang tao na hindi muna pinag-iisipan kung masasaktan o hindi ang taong yun. Pero mabait si Monique. Nakita ko yun sa katauhan ni Nerd.' Napahawak ako sa baba ko at tinitigan siya sa mata. Kitang-kita ko sa mata niya na kilalang-kilala na niya ang kapatid ko at tanggap niya kung anong klaseng ugali mayroon si Niks.

'Salamat dahil may mag-aalaga kay Niks kapag wala ako dito sa Pinas. Lagi mo siyang iingatan at subukan mong wag siyang sasaktan kahit anong mangyari.' Inabot ko sa kanya ang kamay ko na agad niyang tinanggap atska kami nagshake-hands.

Karen POV

Binilang ko ang pera na pinadala ni Nanay. Sobra-sobra ang mga ito dahil nakabayad na ako sa utang ko at sa apartment na tinutuluyan ko.

'Mabuti naman at nagbayad ka na.' Mataray na sabi ng pinagkautangan ko atska siya umalis. Nakahinga ako ng maluwag dahil makakalabas na ako muli sa apartment ko na nakataas ang noo.

Napatingin ako sa phone ko na nag-vibrate.

'Hello.' sagot ko.

(Karen...) Nanlaki ang mata ko ng marinig ko muli ang boses ni Dustin.

'Dustin? Omygod asan ka?' Napaupo ako sa sofa na may ngisi sa aking labi.

(Pauwi na ako sa Pinas at bukas na ang dating ko.) Halata sa boses niya ang pananabik na makauwi muli dito sa pinas.

'Gosh!! Namiss kita ng sobra.' Malandi kong pagsasabi.

(Kita na lang tayo sa University, Bye.) Napangiti ako dahil sa wakas babalik na si Dustin.

Monique POV

'CHESKA!!!!!!' sigaw ko sa may hagdanan banda. Ang babaeng yun masyadong pa-importante parati nakakainis.

'Eto na!!!' sigaw niya habang nagmamadaling bumaba ng hagdan.

'Ang bagal-bagal mong kumilos! Ang sarap mong sabunutan!' Inis kong sabi sa kanya atska siya tinalikuran. Paglabas ko ng pintuan nanlaki ang mata ko ng makita ko si Hambog na may hawak-hawak na bouquet flowers.

'Goodmorning Niks.' Nilapitan niya ako atska niya hinalikan ang noo ko.

'Ahhh ang sweet...' narinig kong sabi ni Cheska. Inabot sa akin ni Hambog ang flowers na agad kong tinanggap.

'Thank you.' Nakangiti kong sabi. Kinalabit ako ni Cheska na nakangiti sa akin ng nakakaloko.

'Ang lande mo na naman Niks.' Inapakan ko ang paa niya kaya nanlaki ang kanyang mata at napanganga siya.

'AHHHHH!!!! BAKIT MO INAPAKAN ANG PAA KO!!!' Late reaction niyang sabi.

'Cheska...Okay ka lang?' Tinaasan ko ng kilay si Hambog na inalalayan makasakay si Cheska sa backseat.

'So siya na pala ang girlfriend mo ganun?' sarkastik kong sabi at nilingon si Cheska na dumila sa akin.

'It's not like that. Nakakaawa yung tao eh.' Hinawakan niya ako sa bewang at inalalayan ako makasakay sa passenger seat.

Nilingon ko si Cheska na nginusuan ako.

'Isusumbong kita kay Jay.' Banta pa niya.

'Pag-untugin ko pa kayong dalawa eh.' Inirapan ko siya atska nilingon si Hambog na nagmamaneho.

Pagkarating namin sa University hinawakan ni Hambog ang kamay ko.

'Dito ka na ba mag-aaral?' taka kong tanong.

'Yup totoong pangalan ko ang naka-enroll dito. Isa pa kailangan kong paghigantihan ang mga tumarantado sa akin dati.' Kinurot niya ng mahina ang pisngi ko atska siya kumindat. Aaminin kong kinilig ako dahil ang gwapo niya sa ginawa niyang yun.

'OMYGOD NIKS.' Niyugyog ni Cheska ang braso ko kaya nilingon ko siya at napatigil kami ni Hambog sa paglalakad.

'What?' mataray kong tanong kay Cheska na nakanganga ang bibig.

'Si Dustin.' Tinignan ko ang tinitignan niya at nanlaki ang mata ko ng aking makita si Dustin na naglalakad palapit sa pwesto namin kasama si Karen na nakahawak sa kamay niya.

'Hi Niks...It's been a long time.' Nakangiti niyang sabi.
O.O Am i dreaming?

She's Falling Inlove to a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon