Monique POV
Nauna akong lumabas ng room….O____O Nagulat ako pero sympre hindi ako OA katulad ng ibang babae na napapanganga pa at nanlalaki ang mata.
‘Ohh….How sweet naman oh! Akalain mo ang isang Monique Chene Vega nakatiis makulong sa isang room kasama ang pangit?’ sabay tawa ni Karen yung ibang estudyante nakikitawa din.
‘Eh ano naman sayo? Atleast ako paglabas ko sa kwarto buo pa rin ako. Nilapitan ko siya at binigyan ng isang matamis na ngiti Di tulad mo….Wasak na wasak.’ Tinaasan naman niya ako ng kilay.
‘Atleast mga GWAPO ang kasama ko…. Eh ikaw? Siya naman ang lumapit pero hindi ako humakbang paatras sino ba siya para katakutan ko? Eh isang pektus ko sa ulo nito bagsak na to eh. PANGIT? Bwahahahahahaha.’ Sabay tawa niya. Tatawa pa lang yung ibang estudyante ng magsalita ako.
‘Ang makitawa sa babaeng baliw na to, ibig sabihin baliw din.’ Pagkasabi ko nun si Karen lang ang tumatawa. Napansin ata ng gaga kaya tumigil siya sa pagtatawa at tinignan ako ng masama.
‘Tandaan mo Monique…Hindi pa tayo dito nagtatapos….Humanda ka sa nalalapit na beauty pageant next week.’ Sabay irap niya at tinalikuran ako. Tsss hindi ko na kailangan mag-handa dahil sure na sure na ako ang mananalo.
Tumalikod na ako at naglakad papunta sa hagdan pababa dito sa B.A Building napansin ko na nasa pintuan pa rin ng RM 201 si Nerd.
‘Di ka pa uuwi?’ taas kilay kong tanong.
‘Uuwi na.’ pagkasabi niya nun nauna siyang naglakad…Hindi tumakbo siya mukhang tanga.. Tsssss.
Ohrik POV
Nakatingin pa rin ako sa mga estudyante na dumadaan bago lumabas ng kotse ko. Bumuntong-hininga ako ng malalim….Kailangan ko ng gawin ang pakay ko….Ang maging girlfriend ulit si Karen at saktan…Habang naglalakad ako sa loob ng Campus maraming mga babaeng napapatingin sa akin at humagikhik ng tawa. Tsss pero kapag naka-disguise ako ni isang sulyap wala akong nakukuha pwera lang kay Monique.
Speaking of Monique….Naglalakad siya kasama si Cheska papunta ata sa Cafeteria. Napagdesisyunan kong pumunta na rin sa Cafeteria baka andun si Karen…Pagkapasok ko nakita ko agad si Karen kasama ang mga kaibigan niyang babae mukhang hindi niya kasama si Dustin pagkakataon ko na. Kaya naman agad akong lumapit kay Karen yung mga kausap niyang babae mga nakangangang nakatingin sa akin Psh.
BINABASA MO ANG
She's Falling Inlove to a Nerd
Ficção AdolescenteMonique Chene Vega. Ang babaeng nainlove sa taong kasalungat ng ideal guy niya.