Chapter 45

2.2K 66 1
                                    

Monique POV

Tinakpan ni Ohrik yung bibig ko kaya napatigil ako sa pagtili at si Cheska.

Inis kong inalis ang kamay niya sa bibig ko at hinampas siya sa kanyang balikat.

'NAKAKAINIS KA!! NAKAKAINIS KA!!!!' Sigaw ko habang pinapalo ang balikat niya.

'A-ray! Ano ba-- Ano bang problema mo?!' Nahawakan ni Ohrik ang parehas kong kamay at hinihingal ko siyang tinitigan ng masama.

'Ano bang nangyayari sa inyong dalawa?!' Sigaw niya. Nagpumiglas ako sa hawak niya at napahawak ako sa aking tyan ng bigla itong sumakit.

'Niks.....Dinudugo ka.' Napalingon ako kay Cheska na nakatingin sa tuhod ko.

Napahawak ako sa legs ko at nanlaki ang aking mata ng mahawakan ko ang basang dugo.

'O-Ohrik...' Naiiyak kong tawag sa kanya.

'SH*T!' Agad akong binuhat ni Ohrik pang-kasal at tinakbo niya ako palabas ng mansyon.

'CHESKA SUMUNOD KA NA LANG SA HOSPITAL!' Sigaw ni Ohrik ng maisakay niya ako sa sasakyan.

Nag-umpisang tumulo ang luha sa aking mata at napahawak ako sa aking tyan.

Naramdaman ko ang mabilis na pag-andar ng sasakyan. Nilingon ko si Ohrik na panay ang palo sa manibela at puro mura ang lumalabas sa bibig niya.

'Ang anak natin Ohrik....' Umiiyak kong sabi.

'Shhhhhh.....Huwag kang mag-alala magiging okay ang baby natin. Pangako ko sayo yan.' Hinawakan ni Ohrik ang tyan ko at kahit papaano ay unti-unti nawala ang takot at kaba ko.

Cheska POV

Tumakbo papunta sa kusina. Tumakbo ako sa sala at tumakbo ako muli palabas ng mansyon nila Niks.

'KYAAAAAAAA!!!!!' tili ko at naupo ako sa sahig.

'Kumalma ka Cheska. Inhale......Exhale......Wwooooooh!' Inayos ko ang aking buhok atska bumalik sa loob ng mansyon. Pumunta ako sa sala atska kinuha ang cellphone ko sa loob ng bag.

Dinial ko agad ang number ni Jay.

(Hello Babe)

Napatalon ako at kasabay nun ang malakas kong tili.

(Babe! FVK ANO NANGYAYARI SAYO!? ASAN KA?!) Sigaw ni Jay sa kabilang linya.

'BABEEEEEE SI NIKS TINAKBO NI OHRIK SA HOSPITAL DAHIL DINUGO!!!!!' Sigaw ko at nagpapadyak ako sa takot. Lord please wag niyo po pabayaan ang bestfriend ko at magiging anak nila ni Ohrik!

(A-ano? B-buntis si Niks?) Nauutal na tanong ni Jay.

'OO! BABE.....PUNTAHAN MO KO DITO SA MANSYON NILA NIKS AT SUMUNOD TAYO SA HOSPITAL NOW NA!!!' Sigaw ko.

(Huminahon ka okay? Papunta na ako dyan at tatawagan ko lang si Kuya Rain.) Magsasalita pa lang ako ng ibaba na ni Jay yung tawag.

Naglakad ako pabalik-balik sa sala at panay ang panalangin ko na maging okay si Niks at yung baby.

'Niks?' Napalingon ako sa pintuan.

'KAREEEEENNNNN!!!!' Tili ko at patakbo siyang nilapitan.

'Anong nangyari? Nanakawan ba dito?' Taka niyang tanong sa akin.

'Hindi....Hindi....' Pailing-iling kong sagot.

'Eh bakit ka sumisigaw?!' taas kilay niyang tanong.

'Si Niks! OMG Tinakbo siya sa hospital ni Ohrik! Buntis ang kaibigan natin at dinugo siya kanina!!! Kailangan niya tayo Karen!!!' Naiiyak kong sabi. Nakita ko ang pag-buka ng bibig niya at kasabay nun ang panlalaki ng mata niya.

'B-buntis?' tanong niya.

'Oo.' sagot ko agad. Hinawakan ni Karen ang kamay ko at agad kaming tumakbo palabas ng mansyon.

Hinatak ko si Karen para tumigil kami sa pagtakbo.

'Bakit ka huminto? Kailangan tayo ni Niks! Tara na sa hospital!' Sigaw niya at hinatak ako ng hatakin ko siya ulit.

'Aantayin natin si Jay! Papunta na siya dito!' Sigaw ko at nahimasmasan siya.

'Okay.....Let's do inhale.........Exhale.....' Sabay kami nag breathe in and out ni Karen.

Geoff Ohrik POV

Naikagat ko ang ibaba kong labi at panay ang lakad ko sa labas ng emergency room.

Lord, please huwag niyo pong pabayaan ang mag-ina ko.

Gabayan niyo po sila at huwag hayaang mapahamak.

Napatingin ako sa doktor na lumabas.

'Ikaw ba ang asawa ng pasyente?' Tanong sa akin ng doktor.

'Opo ako ang asawa ni Monique Chene Vega. Kamusta na po ang mag-ina ko?' Nag-aalala kong tanong.

'Huwag ka ng mag-aalala dahil maayos na ang mag-ina mo. Mabuti dahil mahigpit ang kapit ng baby. At isa pa dapat iwasan ng asawa mo ang maistress at mapagod. Lalo na't dinugo na siya. Maaari mo na siyang dalawin sa kwarto.' Tinapik ng doktor ang balikat ko kaya nakahinga ako ng maluwag.

'Salamat Lord.....Maraming-maraming salamat!' Nakangiti kong sabi.

'OHRIKKKKKKK!!!!' Napalingon ako sa aking likuran. Si Karen, Cheska at Jay na tumatakbo palapit sa akin.

'KAMUSTA SI NIKS HA?!!!' Sigaw sa akin ni Jay.

'Maayos na siya. Huminahon kayo dahil ligtas ang mag-ina ko.' Nakangiti kong sabi. Nagtilian naman si Karen at Cheska.

'OMG! Magiging tita na ako!!!!' sigaw ni Cheska.

'Ohrik! Ninang ako ha!! Ninang ako!!!' Nakangiting sabi ni Karen.

Tumango lang ako sa dalawa at pumasok na sa kwarto ng mag-ina ko.

Nilapitan ko si Monique na mahimbing na natutulog. Hinawakan ko ang kamay ni Monique at hinalikan iyon.

'Mahal na mahal kita Niks.' Nakangiti kong sabi. Hinaplos ko ang tyan ni Niks.

'Baby, dapat lagi kang nakakapit kay Mommy ha? Aalagaan ka kita anak hanggang sa lumabas ka dyan sa sinapupunan ni Mommy.' Nakangiti kong sabi.

'Uhmmmm...' Nilingon ko si Monique na nagising at nanlaki bigla ang mata niya.

'Baby natin? Maayos naman siya diba? Hindi naman tayo iniwan ng anak natin diba?!' Naiiyak na sabi ni Niks. Hinaplos ko ang pisngi niya at hinalikan ang kanyang noo.

'Mahigpit ang kapit ng baby natin.' Nakangiti kong bulong.

'Diyos ko po. Salamat......Salamat lord.' Umiiyak na sabi ni Monique at hinawakan niya ang kanyang tyan.

'Bakit hindi mo sinabi sa akin na buntis ka?' Taka kong tanong.

'Hindi ko alam na buntis ako.' Nakanguso niyang sabi. Pinunasan ko ang luha sa pisngi niya at niyakap siya ng mahigpit.

'Mahal na mahal kita.' Bulong ko.

'Mas mahal na mahal kita.' sagot ni Monique.

She's Falling Inlove to a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon