Chapter 31

2.2K 87 3
                                    

Karen POV

Habang naglalakad ako sa campus hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang kahihiyang nangyari sa akin. Kailangan kong makausap si Ohrik.

Napakunot ang noo ko ng makita ko si Ohrik na naglalakad sa kabilang campus. Kaya naman patakbo akong sinundan siya.

'OHRIK!!!!' sigaw ko at nilingon niya ako.

'Oh?' nakakunot noo sabi niya ng makalapit ako sa kanya.

'Kamusta ka na? Bat ang tagal mong hindi nag-paramdam sa akin?' Nakangiti kong tanong atska ako kumalang sa braso niya.

'Naging busy lang ako lately.' seryoso niyang sagot. Habang naglalakad kami panay ang tingin sa amin ng mga estudyante.

Taas noo akong dumikit pa kay Ohrik.

'Masyado kang madikit, di ka ba nakakaramdam ng init?' Parang inis na sabi ni Ohrik, kaya naman agad ko siyang hinalikan sa pisngi. Nanlalaki ang mata niyang nakatingin sa harap kaya naman nilingon ko ang tinitignan niya.

'Hanggang ngayon ba naman may basura pa din akong madadaanan?' sarkastik na sabi ni Monique sa akin.

'Ganun talaga Niks, ang basura kahit saan ka tumingin nandoon at nandoon pa rin.' Nakangiting sabi ni Cheska atska sila nag-apir ni Monique.

'Excuse us, dadaan ang anak ng may-ari ng nilalakaran niyo.' Dumaan sa gitna namin ni Ohrik si Monique kaya natanggal ang pagkakalang ko sa braso ni Ohrik.

'Hmmmm ang baho Niks dapat sabihin mo sa mga janitor ng University maglinis sila maigi.' Pagpaparinig pa ni Cheska nagtiim ang bagang ko sa kanilang dalawa ni Monique.

'Sige sasabihin ko, Now na.' Natatawang sabi ni Monique. Naikagat ko ang ibabang labi ko sa sobrang inis.

'Mauuna na ako.' Nilingon ko si Ohrik na nakatingin kay Monique na naglalakad palayo sa amin.

'Wait Ohrik, akala ko ba tayo na ulit?' Hinawakan ko ang braso niya at inihirap siya sa akin.

'Walang tayo Karen. Wala.' Tinanggal niya ang kamay ko sa braso niya atska siya naglakad palayo. No way!!! No way!!!

Monique POV

'Niks okay ka lang?' Nanginginig ang kamay ko sa sobrang galit. Ang hayop na lalaking yun? Akala ko ba mahal niya ako? Bakit magkasama sila ni Karen? Aissh!!!

'Niks..' Nilingon ko si Cheska at humawak ako sa magkabilang balikat niya.

'Nagseselos ako Cheska...Bakit kasama ng lalaking yun si Karen? Akala ko ba ako ang mahal niya? Ginagago na ata ako ng hayop na iyon eh!' Inis kong sabi kay Cheska.

'I think sa kanya mo dapat itanong Niks...' May tinuturo si Cheska sa likuran ko at lumakas ang tibok ng puso ko ng makilala ko ang pabango na iyon.

'Alis na tayo dito.' mahina kong bulong kay Cheska na ngumingiti ng pilit.

'Paano? Hindi na naman tayo papasok ganun?' Bulong niya rin sa akin. Huminga ako ng malalim atska ako humarap sa likuran ko.

'Monique....Please mag-usap naman tayo.' Tinignan ko si Ne- what should i call him? Damn it.

'Would you mind if i ask you?' Nagliwanag ang mukha niya.

'Ano itatanong mo?' kinakabahan niyang sabi.

'What should I call you? Nerd? or Hambog?' sarkastik kong sabi.

'Ikaw ang bahala kung gusto mo isama sa choices ang hayop at hinayupak, kung saan mas komportable ka.' Nainis ko sa sinagot niya kaya inirapan ko siya at naglakad papasok sa B.A building.

She's Falling Inlove to a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon