Chapter 24 (First Date)

2.1K 86 2
                                    

Monique POV

Natapos na ang klase at hindi kami nag-imikan ni Nerd, siguro naiilang din siya sa akin.

'Ahmmm, Monique pwede ba tayong mag-usap?' Nilingon ko si Nerd at si Cheska na nakataas ang kilay.

'Mauna ka na umuwi. Antayin mo na lang ako sa kwarto.' Nginitian ako ng nakakaloko ni Cheska bago umalis

'Bakit? Anong gusto mong pag-usapan?' Takang tanong ko sa kanya.

'Pakapalan na ito ng mukha. Pwede ba tayo mag-date.?' Nanlaki ang mata ko at tinitigan maigi si Nerd na nakatingin sa akin ng seryoso.

'Kung ayaw mo, ayos lang naman sa akin iyon eh.' Napalunok ako ng isang beses.

'Kung mag-dadate tayo....Saan mo ako dadalhin?' pinilit kong huwag mautal.

'Sa park. Kung saan magiginhawaan ka.' Tumaas ang kilay ko sa kanya.

'Oh sige, kotse ko ang gagamitin naten.' Naglakad na ako papuntang parking lot pero hinawakan niya kagad yung braso ko.

'Ayoko sa kotse mo. Nalulunod ako sa lakas ng Aircon. Dito tayo sa bisikleta ko para makalanghap ka ng sariwang hangin. Tutal hapon naman na.' Napangisi ako sa kanya.

'Seryoso ka? Never akong sumakay sa bisikleta.' Inis kong sabi pero hinawakan niya ang kamay ko at ipinuwesto sa likuran niya.

'Kumapit ka maigi dito sa bewang ko.' Kumapit naman ako ng mahigpit at nag-umpisa na naman siyang pumedal.

Naipikit ko ang aking mata at humiga sa likuran ni Nerd.Impierness ang bango niya talaga. Ang sarap-sarap niyang amoyin.

'Nerd. bakit umuwi ka kagad kagabi?' mahina kong tanong.

'Nakaramdam kasi agad ako ng kahihiyan. Pero nung hinalikan kita hindi ako nahiya.' Napalunok ako sa sinabi niya.

'Hindi ako hihingi ng sorry sayo,dahil nagustuhan ko naman iyon.' natawa ako ng mahina sa kanya.

'Loko ka talaga.' Kinurot ko yung banda sa tyan niya at namula ako ng maramdaman ko ang matigas.

'May abs ka?' tanong ko at hinawakan ang tyan niya.

'Ano ka ba!!! Huwag mo hawakan tyan ko!!!' pasigaw niyang sabi at tinapik ng mabilis ang kamay ko.

'Ikaw ha, may abs ka pala. Nagawa mo pang tumambay sa gym samantalang ang pangit mo naman.' Natawa naman siya ng mahina at inihinto ang bisikleta. Tumayo ako at tinitigan siya na nilalagyan ng lock yung gulong ng bisikleta niya.

'Atleast nagustuhan mo ako kahit ganito ako kapangit.' Nagulat ako sa sinabi niya, nakangiti siyang lumapit sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

'A-ano na naman?' Nauutal kong tanong.

'Kahit demonyo yang ugali mo, maganda pa rin ang kalooban mo. Yan ang nagustuhan ko sayo, ang panloob mong katangian hindi ang sa labas mong kagandahan.' Hinalikan niya ang noo ko kaya napapikit ako habang nakangiti. Napayakap ako sa bewang niya at niyakap niya ako ng mahigpit.

'Hindi man ako kasing gwapo ng iba dyan. May mukha pa rin naman ako, Hindi man ako mapansin ng iba dahil sa kapangitan ko, Mapapansin nila ang pagiging effort ko at pagmamahal ko sayo. Hindi man ako ang ideal man mo. Magiging FOREVER MAN mo naman ako.' Natawa ako sa sinabi niya kaya pinalo ko yung likod niya. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang kamay ko.

'Ano gusto mong kainin?' Naglakad-lakad kami sa park at inalalayan niya ako makaupo sa damo.

'Juice at tinapay na lang.' nakangiti kong sagot.

'Sige, stay here.' Umalis na siya kaya naman napahawak ako sa magkabilang pisngi ko. Kinilig kasi ako sa sinabi niya eh. Yung pangit na yun nag-aya pa lang ng date nagpapakilig na.

Paano kaya kapag niligawan na niya ako? At naging kami? Edi namatay ako sa kilig?

Natawa ako sa iniisip ko hanggang sa maupo siya sa harapan ko na may dalang pagkain.

'Bakit ka tumatawa dyan mag-isa?' taka niyang tanong. Nilingon ko yung mga batang naglalaro, kaya napatingin din siya doon.

'Nakakatuwa kasi sila. Naalala ko tuloy noong bata pa kami ni Cheska madalas ko siyang awayin at asarin.' Nakangiti akong nilingon ni Nerd.

'Alam mo, kung palalagyan mo ng brace yang ipin mo papantay yan. Tas yang buhok mo dapat inaayos mo sa naayong uso, konting ayos lang sayo gagwapo ka.' seryoso kong sabi.

'Kailangan ko bang magbago para sayo?' Naramdaman ko ang pagkahiya sa boses niya.

'Hindi naman, nagustuhan kita kung ano ka. Na-suggest ko lang naman, pasensya na kung nasaktan ka.' Napayuko ako sa kanya. Naramdaman ko ang paghawak niya sa ibabang baba ko.

'Masyado ka naman seryoso. Di ako nasaktan, tinanong lang kita kung gusto mong magbago ako para sayo at sasabihin ko sayo kagad na hindi ko magagawa.' Niyakap niya ako ulit at hinaplos niya ang buhok ko.

'Atleast tanggap mo kung ano ako, nakakatuwang aminin na kinilig ako sa sinabi mong nagustuhan mo ako kung sino ako.' I smiled.

She's Falling Inlove to a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon