Chapter 11

2.4K 78 1
                                    

Monique POV

 

 

Pagkagising ko sa umaga agad ako nagbihis ng damit ko nung isang araw. Nagmadali akong bumaba at nakita ko si Lola na nagdidilig ng halaman sa hardin niya.

‘Magandang umaga po Lola.’ Nakangiting bati ko sabay mano.

‘Oh. Napaka-aga mo ata?’ tanong niya.

‘Eh. Opo eh..Kailangan ko na po kasing umalis.’ Sabi ko at biglang lumungkot ang mukha niya.

‘Agad-agad? Hindi ba pwedeng bukas ka na lang umalis iha?’ tanong niya.

Napakagat tuloy ako sa labi ko.

‘Lola. Gustong-gusto ko pa pong magi-stay dito pero po kasi si Kuya ko at si Dad sigurado po akong nag-aalala na sila sa akin. Pasensya na po.’ Sabi ko at bigla akong niyakap ni Lola.

‘Ayos lang. Basta ba eh kapag naging okay na kayo ng Daddy mo babalik ka dito.’ Bulong niya.

‘Oo naman po Lola. Babalik po ako dito. Promise po yan.’ Sabi ko. Kumalas si lola sa pagkakayakap sa akin at tinanggal niya yung kwintas sa leeg niya.

‘Lola….Ano po yan?’ tanong ko dahil bigla siyang pumunta sa likod ko at sinuot yung kwintas.

Pumunta siya sa harap ko at nakangiting nakatingin sa akin.

‘Bagay na bagay sayo yang kwintas na yan. Magiging gabay mo yan sa lahat ng pagsubok na kakaharapin mo.At yan ang simbolo na gustong-gusto kita para sa apo ko. Dahil naniniwala ako na kayong dalawa ang magkakatuluyan sa huli.’ Sabi niya sabay kiss sa pisngi ko.

‘Yung kotse mo iha nasa garahe. Mag-iingat ka ha?’ sabi niya at napatango na lang ako.

Habang naglalakad ako papuntang garahe nakahawak ako sa kwintas na binigay ni Lola. Tanggap ko yung unang sinabi ni Lola na magiging gabay ko ito. Pero ito rin ang simbolo na gusto niya ako para sa apo niya ay hindi ko matatanggap yun. Ayoko sa apo niya. Tssss napaka-hambog nun eh. Akala mo kung sinong gwapo. Letse.

‘Mam. Ito na po yung susi ng kotse niyo.’ Sabay abot ni Manang sa susi ko.

She's Falling Inlove to a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon