Chapter 38

1.9K 73 3
                                    

Cheska POV

Naririnig ko ang lahat ng mga sinabi ni Niks at Jay. Gusto kong idilat ang mata ko pero hindi ko magawa.

Namamangha ako sa palasyong tinitirhan ko. Ito ang pangarap namin ni Niks noong mga bata pa kami.

Nagulat ako ng biglang umulan kaya nagtatakbo ako papasok sa palasyo. Asa hardin kasi ako at nakikipaglaro sa mga magagandang bulaklak.

Tumingala ako sa langit at nakita ko si Niks na umiiyak.

'Wala kang kasama.' Nalungkot ako sa sinabi ni Niks at nasasaktan ako dahil nakikita ko na naman siyang umiiyak.

May narinig akong bumukas na pintuan kaya naman lumingon ako sa aking likuran.

'Apo....Bumalik ka na.' Nilapitan ko si Lolo na matagal ng namatay noong asa limang taong gulang pa lang ako.

'Lolo....Namiss po kita.' Niyakap ko siya ng mahigpit.

'Ako din, pero apo kailangan ka ng mga kaibigan mo ngayon na si Niks at ang kasintahan mong si Jay. Hindi nila kayang mawala ka sa buhay nila.' Naiyak ako sa sinabi ni Lolo. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at inakay niya ako papasok sa pintuan.

'HUAAAAHH..' Napabalikwas ako ng bangon at pinahiga ako muli ng doktor.

'Cheska...Nakikita mo ba ako?' Tanong ng doktor at tumango ako. Iginala ko ang aking tingin. Wala si Niks at Jay dito asan sila?

'Asan ang kaibigan ko? Ang nobyo ko asan?!' Natataranta kong tanong.

'Huminahon ka Cheska. Asa labas ng kwarto ang kaibigan mo at ang nobyo mo ay kakalabas lang ng hospital.' Napakunot ang noo ko.

'Anong nangyari kay Jay? Tinulak din ba siya ni Karen ha?!' Kinuwelyuhan ko ang doktor at hinawakan ako ng mga nurse sa magkabilang kamay.

'Iha!! Huminahon ka, nahimatay lang ang nobyo mo ng makita niyang may nangyaring masama sayo. Huminahon ka at kailangan kitang ma-check up.' Hinihingal akong huminahon at hinayaan ko silang gawin ang gusto nila.

Bawat tanong ng doktor ay sinasagot ko at kung anong pinapaggawa niya ay ginagawa ko. Hindi ako makapaniwalang apat na araw akong nacoma.

Maya-maya ay lumabas na ang doktor at pumasok si Niks na umiiyak.

'Cheska!!!!' sigaw niya at patakbo akong niyakap ng mahigpit. Napahagulhol ako ng iyak.

'Niks....' Umiiyak kong tawag sa kanya.

'Bwisit ka!!!! Ilang araw mo akong hindi pinatulog!!' Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

'Patawarin mo ako ha? Patawarin mo ako dahil hindi kita naipagtanggol sa gumawa niyan sayo. Patawarin mo ako sa lahat-lahat ng kasamaan na ginawa ko sayo. Sorry.' Umiiyak niyang sabi. Inayos ko ang buhok ni Niks na nagkalat sa mukha niya.

'Hindi ka na dyosa Niks, Mukha ka ng gusgusing bata.' Natatawa kong sabi habang umiiyak. Kumuha ako ng tissue paper at pinunasan ang luha Niks.

'Letse! Maganda pa rin ako no!' Inis niyang sabi habang sumisinghot. Atska siya parang may naalala at tinitigan ako ng masama.

'Alam ko na hindi aksidente ang nangyari sayo. Sino ang tumulak sayo sa hagdanan?' Gigil niyang sabi. Naalala ko si Jay.

'Anong nangyari kay Jay?' tanong ko atska niya kinurot ang hita ko.

'Aray!!! Ano ba!!' sigaw ko sa kanya.

'Wag kang magsisingungaling sa akin ah! Sino ang tumulak sayo!' sigaw niya sa akin.

'S-si Karen.' Mahina kong sabi.

'Tangina! Sabi na eh!' Galit niyang sabi. Hinawakan ko kaagad ang kamay ni Niks.

'Niks....Demonyo ang babaeng yun at handa siyang pumatay. Please ayoko ng lumaki pa ito hayaan na lang natin siya. Baka mamaya niyan sa iyo naman ang may mangyari eh.' Naiiyak kong sabi.

'No! Hindi ko hahayaan ang kademonyohan niyang ginawa sayo. Magbabayad siya at ipapakulong ko siya!' Hinatak niya ang kanyang kamay mula sa akin lumabas ng kwarto. Napahagulhol ako ng iyak dahil ayokong pati kay Niks may mangyari sa kanya.

Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari kay Niks.

Jay POV

Ng tumawag si Niks na gising na si Cheska ay agad akong sumugod pabalik sa hospital kasama si Ohrik. Pagkapasok ko sa hospital naabutan ko si Cheska na umiiyak.

'Babe!!' sigaw ko at niyakap siya ng mahigpit.

'Babe....Si Niks!!! Susugurin niya si Karen kailangan niyo siyang awatin!!!' Umiiyak niyang sabi. Nagkatinginan kami ni Ohrik.

'Si Karen? Bakit si Karen?' Takang tanong ni Ohrik.

'Si Karen ang tumulak sa akin pababa ng hagdanan.' umiiyak na sabi ni Cheska. Niyakap ko siya ng mahigpit at narinig ko ang paglabas ni Ohrik sa kwarto.

'Babe....Bakit ka tinulak ni Karen?' taka kong tanong.

'Hindi ko alam, paakyat ako ng hagdanan nun ng bigla niya akong sinalubong atska niya sinabi na kaya daw ba akong iligtas ni Niks? Atska niya ako tinulak. Demonyo siya Babe....Demonyo.' Umiiyak niyang sabi. Naikuyom ko ang kamao ko kung hindi lang babae si Karen nabugbog ko na ang hayop na iyon.

She's Falling Inlove to a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon