Geoff Ohrik POV
Panay ang lakad ko sa sala at sinasabunutan ko din ang buhok ko.
'Apo, kanina ka pa dyan palakad-lakad. Nakakahilo ka.' Inis na sabi ni Lola.
'Lola, inlove na si Monique sa katauhan ni Geoff.' Naupo ako sa sofa na katapat ni Lola.
'Aminin mo na sa kanya na ikaw na si Nerd at si Hambog ay iisa.' Nilingon ko si Lola at umiling-iling ako.
'Lola ayaw na ayaw ni Monique sa katauhan ni Ohrik.' inis kong sabi at nangalumbaba.
-BRZZKT-
Tinignan ko kung sino yung tumatawag.
Monique Calling......
Tumayo ako dala-dala ang cellphone ko at umakyat sa kwarto.
'Hello Niks.' Nakangiti kong sagot at naupo sa kama ko.
(Hey....Natutulog ka na?)
'Hindi pa naman, nagbabasa ako ng libro ng tumawag ka. Nag-dinner ka na?'
(Yup....Ikaw?) Humiga ako sa kama at tinakpan ang aking mata gamit ang braso ko.
'Hmmmm...Kanina pa.' mahina kong sagot.
(Good. oh sige matutulog na ako, goodnight.) sabay end call niya. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa aking pisngi. Alam ko na dadating ang araw na malalaman niya kung sino talaga ako.
Ayokong masaktan siya.....Ayoko.
Jay POV
Inayos ko ang suot kong polo bago pumasok sa mansyon ng babe ko.
'Goodafternoon Sir, Si Mam Cheska po ba?' nakangiting tanong sa akin ng kasambahay.
'Hmmmm. Ako na lang ang tatawag sa kanya.' Kinindatan ko yung kasambahay at umakyat na sa kwarto ni Cheska.
'Babe.....' kinatok ko ng dalawang beses yung pintuan.
'Hmmmmm?' Napangiti ako ng buksan ni Cheska ang pintuan niya ng nakapikit. Nilapitan ko siya at hinalikan ang kanyang labi.
'Inaantok pa ang babe ko ah.' Nanlalaki ang mata niya at kinurot ang pisngi ko.
'Aisssh....Nakakainis ka naman eh!!! Akala ko nananaginip lang ako. Psh.' Sabay irap niya. Pumasok ako sa kwarto niya at niyakap siya ng mahigpit
'Parehas tayong walang pasok ngayon. Gusto ko kitang idate.' Narinig ko ang mahinang tawa niya sabay palo sa likuran ko.
'Pshh....Ang hilig mo talaga sa sopresa ano?'Kumalas siya sa pagkakayakap ko at kinurot na naman ang pisngi ko.
'Hmmmm at hinding-hindi ako magsasawa.' sabay kiss ko sa pisngi niya.
'Babe.... i think kailangan mo ng maligo.' Malungkot kong sabi at inamoy ang buhok niya.
'Tse!!! Mag-pinsan talaga kayo ni Niks. Parehas kayong bully, Hmph.' padabog siyang pumasok sa banyo kaya naman lumabas na ako ulit sa kwarto niya. Aantayin ko na lang siya sa sala.
Monique POV
'Boring.....Boring....' inis kong sabi sa aking sarili. Dinampot ko sa mesa ang susi ng sasakyan ko at napagpasyahan pumunta ng mall.
Nang makapasok ako sa mall ay naglakad ako papasok sa Bench. Napatingin ako sa lugar kung saan nagkaroon ng photoshoot.
Naalala ko na naman si Hambog, ang tagal na nung huli naming pagkikita. Napatingin ako sa isang poster doon. Si Hambog na ang angas-angas ng dating.
Napairap ako at lumabas na ng Bench.
'Miss me?' Napakunot ang noo ko ng maging totoo ang lalaking nasa poster na tinitignan ko kanina lang.
'Psh.' nagpatuloy na ako sa paglalakad at tumingin-tingin na pwepwede kong bilhin.
'Monique.' may humawak sa braso ko at hinarap sa kanya.
'Hoy!! Wala ako sa mood makipagtalo sayo ganitong boring ako kaya pwede ba? Bitawan mo ako.' hinatak ko ang aking braso mula sa kanya.
'Look kung boring ka bakit hindi ka dumalaw kay Lola? Actually kasama ko siya ngayon.' Speaking of Lola hindi pa ako nakakabalik ulit sa hacienda niya. Nakalimutan kong tuparin ang pinangako ko sa kanya na bibisitahin ko siya palagi.
'Fine, asan si Lola?' tanong ko sa kanya.
'Asa Shakey's inaantay niya ako doon.' Sinabayan ko siya sa paglalakad hanggang sa makapasok kami at napangiti ako ng aking makita muli si Lola.
'Lola.....' agad siyang napatayo at niyakap ako ng mahigpit.
'Monique....Long time no see.' nakangiting sabi niya pagkakakalas ng pagkakayakap sa akin.
'Hay upo ka. At sumabay ka na sa amin kumain ng makapagkwentuhan tayo.' Naupo ako sa tapat niya at tinitigan ng masama si Hambog na nagawa pang tumabi sa akin.
'Magkagalit pa rin ba kayo?' takang tanong ni Lola. Agad naman ako ngumiti at nginitian si Hambog.
'Hindi po Lola....Okay na okay po kami. Hahahaha diba?' siniko ko sa balikat si Hambog na ngumiti sabay tango kay Lola.
'Nga pala iha, bakit hindi ka na bumibisita sa hacienda? Namiss ka na ng mga tao roon.' napangiti ako sa sinabi ni Lola.
'Talaga po? Gusto ko po bumisita sa hacienda kaso po naging busy ako sa pag-aaral.' Nakita kong lumungkot ang kanyang mukha.
'Pero don't worry po Lola. Magbabakasyon po ako sa inyo itong darating na summer.' Agad naman siya pumalakpak at tumawa.
'That's great!!! Atleast may makakasama na kami ni Ohrik sa bakasyon. Thank you iha.' Napangiti ako ng pilit. Anak ng....Nilingon ko si Hambog na nakangiting nakakaloko sa akin.
What the fvk?
BINABASA MO ANG
She's Falling Inlove to a Nerd
Teen FictionMonique Chene Vega. Ang babaeng nainlove sa taong kasalungat ng ideal guy niya.