Chapter 7

2.2K 77 0
                                    

‘Aray…’ bumangon ako sa pagkakahiga ko sa kama at hinawakan ang sintido ko. Ang sakit ng ulo ko.

‘Mabuti naman at nagising ka na.’ napalingon ako sa nagsalita. Matandang babae. Ang edad niya ay nasa 60 plus na nakasuot siya ng eleganteng damit. Napatingin ako sa kabuuan ng kwarto napaka-laki ng kwarto. Asan ako?

‘Asan po ako?’ tanong ko.

‘Andito ka sa resthouse ko. Kung tinatanong mo kung anong lugar ito. Nandito tayo ngayon sa Pangasinan.’ Nakangiting sabi niya at tumabi sa kama.

‘Paano po ako nakarating dito?’ takang tanong ko. Ang alam ko lang nagmamaneho ako pero hindi ko alam na sa pangasinan ako nakarating?

‘Nakita lang kita sa kalsada papunta dito sa resthouse ko.Nagulat ako na nagpapa-ulan ka. Nang tatanungin kita kung bakit ka nagpapaka-basa sa ulan bigla ka na lang hinimatay kaya dinala ka dito. Ayos ka lang ba?’ tanong niya.

‘Ayos lang po ako. Salamat po sa pagtulong niyo sa akin.’ Sabi ko sabay bow.

‘Walang anuman yun iha. Oh ito lugaw kumain ka. Kagabi kasi ang taas ng lagnat mo. Buti nga medyo bumaba na eh.’ Sabi niya at sinubuan ako ng lugaw.

Nangingilid na naman yung luha sa mata ko. Namimiss ko na si Mommy.

‘Iha? Ayos ka lang ba?’ tanong niya. Kaya naman yumuko ako at pinahid ang luha na tumulo sa pisngi ko.

‘Naalala ko lang po yung Mommy ko. Tuwing may sakit po kasi ako siya ang nag-aalaga sa akin.’ Sabi ko at pilit na ngumiti.

‘Asan na ba ang Mommy mo?’ malungkot niyang tanong.

‘Asa New york. Busy po sa business niya.’ Sagot ko.

‘Ganun ba? Iha..Pwede ko bang matanong kung bakit ka nasa gitna ng ulan kagabi?’ tanong niya.

Naalala ko tuloy yung nangyari kahapon.

‘Nagkasagutan po kasi kami ng Daddy ko. Hindi niya po kasi ako nagawang paniwalaan at hindi niya po ako pinag-paliwanag. Akala niya po kasi nanakit ako ng tao ng walang dahilan.’ Sabi ko at taka siyang tinignan ako.

She's Falling Inlove to a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon