Chapter 26 (Without Him)

2.1K 79 5
                                    

Monique POV

'Oh? Nakapag-isip ka na ba na sasama ka sa amin ni Jay sa Paris?' Inis kong nilingon si Cheska.

'Ayoko nga sabi. Lalo na't kayo pa ang makakasama ko? Huh no way!' Inirapan ko siya at nagdekwatro. Andito kami ngayon sa sala, kanina pa niya ako kinukulit na sumama na lang ako sa kanilang dalawa ni Jay sa Paris. Psh as if naman gusto kong mapanonood ng live ang kaharutan nilang dalawa.

'Fine...Kung hindi ka sasama eh ano anong gagawin mo ngayong bakasyon?' Paghahamon niya. Irita kong hinatak ang dulo ng buhok niya.

'OUCH!!!!' Pinalo niya ng malakas yung kamay ko kaya naman kinurot ko hita niya.

'NIKS HA!!! Ang sakit!!!' Pinandilatan niya ako ng mata at nginisian ko lang siya.

'Psh, hindi ko alam kung ano ang pwedeng gawin...Iniisip ko pa.' Nginitian naman niya ako ng nakakaloko.

'Diba nga nagtext sayo si Nerd na pupunta siya ng US? Dahil andun ang parents niya kaya doon siya buong summer. Tas ikaw? Ano nganga dito?' Tinaasan ko siya ng kilay at inambahan ng kurot ng tumayo siya kagad palayo sa akin.

'Bat umiwas ka?' Tumayo ako at nilapitan siya. Bawat lapit ko siya namang atras niya.

'Hehehehe....Ano....Hehe di ka na mabiro Niks ano? Hehehe' Tatakbo pa lang siya ng mahawakan ko ang dulo ng buhok niya.

'Niks....Huhuhu bagong rebond lang nitong buhok ko. Huhuhu.' Natawa ako sa kanya at nagtataka siyang tinignan ako.

'Baliw ka talaga eh no? Dito ka muna matulog ngayong gabi. Tutal bukas pa naman ng gabi ang flight niyo.' Inayos ko ang buhok niya at ngumiti naman siya sa akin.

'Aminin mamimiss mo ako no?' Nginitian ko na lang siya at naupo,ulit sa sofa.

'Niks...Ano ng balak mo?' Naisip ko yung sinabi ko kay Lola nung nakaraang linggo lang. Paano yun? Makakasama ko si Hambog ulit? Psh siguradong hindi kami magkakasundo nun eh.

'Hoy!!' Nilingon ko si Cheska na panay ang iling.

'Bahala na.' sagot ko.

Geoff Ohrik POV

'Lola....Baka hindi na dadating iyon, kahapon pa kayo nag-aantay kay Monique eh.' Inakbayan ko si Lola papasok sa loob ng mansyon. Andito kami ngayon sa hacienda, actually nung isang araw pa kami nandito.

'Nangako siya na dito sa atin magbabakasyon eh.' Iniupo ko si Lola sa sofa at tinabihan siya. Sinasabi ko na nga ba at hindi talaga iyon pupunta eh.

'Senyorita may bisita po kayo.' sabay kaming napalingon ni Lola sa pintuan.

'Hi Lola.' Napangiti ako ng palihim ng makita ko si Monique na may dalang maleta. Agad tumayo si Lola at niyakap ng mahigpit si Monique.

'Kahapon pa kita inantay hija.' Kumalas si Lola sa pagkakayakap at sinenyasan ang kasambahay na dalhin sa guest room ang gamit ni Monique.

'Pasensya na po kayo Lola ha? Kaninang gabi lang po kasi yung flight ng bestfriend ko at ang pinsan ko papuntang Paris kaya naman po ngayon lang ako nakapunta.' Kumawit si Lola sa braso ni Monique at naupo sa tapat ko.

'Tutal andito ka na rin naman, ipapasyal ka ni Ohrik sa buong hacienda, hindi pa naman kasi kita naililibot dito ng lubusan.' Napangiti ako kay Lola na kumindat pa sa akin. Kitang-kita ko sa mukha ni Monique ang pilit na ngiti.

'Ahh sige po.' nakangiting sabi niya.

'Oh siya, aantayin ko na lang kayo dito at magpapahanda ako ng tanghalian para pagbalik niyo ay sabay-sabay tayong kakain.' Tumayo na si Lola para pumunta sa kusina.

She's Falling Inlove to a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon