Chapter 2

3.7K 101 3
                                    

Pagkapasok ko sa kwarto ko agad akong humiga at pinikit ang mga mata ko. Masyado akong napagod ngayong araw.

‘NIIIIIKSSSSSSSSSSSSSSSSSS!!!’ dinilat ko yung mata ko at bumangon sa kama. Kinuha ko yung unan at inaantay si Cheska na makapasok sa kwarto ko.

-ENNNNNNNNNKKKKKK-

‘Nik----

-BLAAAAGGGGGGGGG-

‘AWWWWTTSSS!! WHAT THE HELL!!!’ sigaw ni Cheska at tinignan ako ng masama.

‘Ang ingay mo.’ Tumayo ako at pumunta sa banyo para mag-shower.

Cheska POV

‘Argh! Asar ka talaga Niks!’ sigaw ko ng makapasok siya sa banyo. Kaya naman kumuha ako ng damit niya sa napakalaking closet at nagpalit na ng damit. Hindi na ako mag-shoshower nakakatamad.

Kaya naman nakangiti kong kinuha yung phone ko.

From: Babe <3

Iloveyou Babe. Matulog ka na ha? Matutulog na rin ako. Date tayo bukas. Mwa iloveyousomuch <3 kamusta mo ako kay Niks ah? Sweetdreams.

Nagpagulong-gulong ako sa kama at napakagat ako sa labi ko. WAAA! 1 year na kami ni Jay pero grabe pa rin niya ako pakiligin. Shocks! Ang lakas ng tama niya sa akin. Kaya mahal na mahal ko tong lalaki na to eh. Hay napaka-swerte ko dahil may nagmamahal sa akin ng totoo. Napatingin ako kay Niks na nakataas ang kilay habang papalabas ng banyo.

‘Bakit nakangiti ka?’ taas kilay niyang tanong.

‘Si Jay kasi nag-text. Mahal na mahal daw niya ako! Ang sweet ng pinsan mo no! Hahahahaha. Teka kinakamusta ka pala niya.’ Sabi ko at napanguso siya.

‘Kamustahin niya mukha niya! Bwisit siya at talagang sinabi niya kay Kuya Rain na wala na kami ni Dustin. Ang daldal ng boyfriend mo letse.’ Sabay talikod niya sa akin at tumingin siya sa salamin.

‘Maganda ka na.’ sabi ko.

‘Alam ko. Bawal na mag-suklay?’ sarkastik niyang tanong.

‘Wala naman akong sinabi eh.’ Napanguso na lang ako at tumingin sa screen ng phone ko. Hmmm makapunta nga sa website ng University.

‘GEOFF THE CAMPUS NERD’ The campus nerd? Teka hindi kaya ito yung nerd na tinuro ko kay Niks?

Kaya naman kinilick ko yung picture. May picture siya na may ulam sa ulo, tinapunan siya ng juice, meron pa yung binatukan siya at binato ng libro sa mukha. Ouch. Hindi ba siya nasasaktan sa mga pinag-gagawa ng mga students sa kanya?

‘Hoy! Kaya naman napatingin ako kay Niks Tumayo ka dyan! Patayin mo yung ilaw at matutulog na ako.’ Sabay higa niya sa kama.

‘Pwede naman kasing patayin mo na eh! Kailangan iutos pa?’ inis kong tanong at tumayo para patayin yung ilaw.

‘Ikaw na nga tong nakikitulog, Pag-patay lang ng ilaw nirereklamo mo pa.’ sarkastik na sabi ni Niks kaya naman nakanguso akong tumabi sa kanya.

-KINABUKASAN-

‘Niks! Sige na naman oh! Kausapin mo na kasi si Jay.’ Pagpupumilit ko kay Niks. Gusto ko kasi na magkabati na silang mag-pinsan.

‘Ayaw ko pa nga. Wag kang makulit pwede?’ inis niyang tanong.

Napa-make face na lang ako. Asar naman kasi tong si Niks eh napaka-TAAS ng PRIDE. -______-

She's Falling Inlove to a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon