Chapter 39

1.9K 70 3
                                    

Monique POV

Pagkarating ko sa University ay hinanap agad ng mga mata ko si Karen. Humanda talaga siya sa akin.

Habang naglalakad ako ay lalong umiinit ang ulo ko. Gusto kong makapatay ng tao ngayon!!!

Pagkarating ko sa building ng Accounting kung saan yun ang kursong kinukuha ng hayop na si Karen.

'Asan si Karen Cortez?' Tanong ko sa babae na kablockmate ni Karen.

'Pababa na po siya Ms. Monique.' Agad akong tumakbo paakyat ng hagdanan at saktong naglalakad pa lang sa hallway si Karen kasama ang mga wannabejeje.

'Karen.' seryosong kong tawag sa kanya. Napahinto siya sa pagtawa at tinaasan ako ng kilay.

'Ang lakas ng loob mong tumawa ano?' nakangisi kong sabi atska siya nilapitan. Hinawakan ko ang panga niya at binaon ko ang aking kuko sa kanyang balat. Yung tipong masasaktan talaga siya.

'ANO BA MONIQUE!!' sigaw niya kaya naman sinampal ko siya ng malakas kaya napaupo siya sa sahig.

'Kapal ng mukha mong sumigaw sa loob ng teritoryo ko!!' Nilapitan ko siya at sinabunutan ang kanyang buhok.

'Akala mo siguro hindi na magigising si Cheska ano?!' gigil kong sabi at hinatak ang kanyang buhok kaya halos makaladkad ko na siya.

'WALA AKONG ALAM SA SINASABI MO!!! BITAWAN MO AKO!!' sigaw niya habang nagpupumiglas sa akin.

Pinulupot ko ang kamay ko sa buhok niya at hinatak siya ng buong lakas pababa ng hagdanan.

'Oh my gash!'

'Lagi na lang sila nag-aaway!'

'Ano ka ba si Karen ang dahilan kung bakit na-coma si Ms. Cheska.'

'MONIQUE NASASAKTAN AKO!!' Sigaw ni Karen dahil halos sumusubsob siya sa hagdanan. Pagkababa namin yung mga estudyante ay nakasunod.

'MAKINIG KAYONG LAHAT!!!' Sigaw ko at hinatak ang buhok ni Karen patayo. Kitang-kita ko ang galit sa kanyang mukha kaya sinubsob ko sa lupa ang mukha niya.

Pag-angat ko ng mukha niya ay puro putik iyon.

'Hayop ka!!!' gigil niyang sigaw. Kaya sinampal ko siya.

'ANG BABAENG ITO ANG TUMULAK KAY CHESKA!!! AT ALAM KO NA HINDI NIYO ALAM NA ANG MGA MAGULANG NG BABAENG ITO AY MGA ADIK AT PRESO SA KULUNGAN!!!' Sigaw ko. Nagbulungan agad ang mga tao dahil sa gulat na sinabi ko ukol sa magulang ni Karen.

Nilingon ko si Karen na parang maiiyak habang nakatingin sa mga estudyante na nakatingin sa kanya ng may pandidiri at panghuhusga.

'Sinabi ko sayo na huwag mo akong sasagarin. Pero anong ginawa mo?' Hinawakan ko sa panga si Karen na umiiyak habang ang sama-sama ng tingin sa akin.

'Kulang pa yan sa ginawa mong pagtangka pagpatay sa kaibigan ko.' Gigil kong sabi at tinulak siya ng malakas kaya napahiga siya sa lupa.

Kinuhanan siya ng litrato ng mga estudyante habang pinagtatawanan. Hanggang sa pagbabatuhin na siya ng mga maliliit na bato, tissue paper, papel at mga basura.

'WOOOH!!'

'AKALA MO KUNG SINO KANG MALINIS EH ANG DUMI MO NAMAN PALA!!!'

'ANG LAKAS PANG LUMANDI NG MGA GWAPO AT MAYAYAMAN NA LALAKI!!'

'DI NA NAHIYA!!!'

Nakayuko lang si Karen kanyang tuhod habang umiiyak. Kulang pa yan Karen.....Kulang pa yan sa ginawa mo kay Cheska...Halos mapatay mo na ang kaibigan ko.

Dahil sayo muntik ng mabaliw ang pinsan kong si Jay. Dahil sayo....

Pagtalikod ko ay saktong asa likod ko pala si Ohrik na nakatingin kay Karen.

'Gusto mo siyang tulungan?' tanong ko atska siya tumingin sa akin.

'Go on, tulungan mo siya dahil hindi naman kita pipigilan kung naaawa ka sa kanya.' mahinahon kong sabi atska ako nagpatuloy sa paglalakad.

Pagkarating ko sa parking lot ay sumakay agad ako sa sasakyan. Nanlambot ang tuhod ko at nanginginig ang kamay ko sa galit.

Naramdaman ko ang pagtulo ng mainit na luha sa aking pisngi.

Hindi ako umiiyak dahil naaawa ako kay Karen.....

Hindi ako umiiyak dahil nakokonsesya ako kay Karen....

Umiiyak ako dahil sa nakikita kong buhat-buhat ni Ohrik si Karen pasakay sa sasakyan niya......

Umiiyak ako dahil kitang-kita ko ang pag-aalala ni Ohrik kay Karen....

Cheska POV

Minabuti ni Jay na dito muna ako kila Niks tumira dahil hanggang ngayon ay nag-aalala pa rin siya sa akin. Nakalabas na ako ng hospital at hindi ko alam kung ano na ang nangyari kay Niks.

'Babe....Si Niks? Bakit hanggang ngayon hindi pa rin siya umuuwi?' taka kong tanong. Napatigil si Jay sa pag-aayos ng mga damit ko sa aparador ni Niks.

'Hindi ko din alam Babe eh, simula kahapon wala pa akong balita sa kanya dahil hindi niya sinasagot ang mga text at tawag ko sa kanya.' Nilapitan ako ni Jay at hinawakan niya ako sa magkabilang balikat.

'Nagpapalamig lang ng ulo yun lalo na at nakapost sa website ang ginawa ni Niks kay Karen.' Napabuntong-hininga ako dahil hindi ko aakalain na ganun ang gagawin ni Niks.

'Magpahinga ka na at ako na bahala kay Niks.' Hinalikan niya ang noo ko atska siya lumabas ng kwarto. Napaupo ako sa kama ni Niks na may malalim na pag-iisip.

Monique POV

Tinignan ko ang tumatawag sa cellphone ko.

Jay Calling.....

Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa sofa at lumabas sa veranda. Napapikit ako ng maramdaman ko ang malamig na hangin na dumadapo sa mukha ko.

Ganun na ba ako kasamang tao?

Yan ang laging nasa isip ko simula ng pahiyain ko si Karen sa maraming tao. Oo masama akong tao alam ko yun. Pero sagad na ba talaga sa buto ang kasamaang meron ako?

Napatingala ako sa langit. At ngumiti ng tipid, simula kahapon ay hindi ako tinawagan o tinext ni Ohrik. Puro kay Jay at Cheska lang na natatanggap kong tawag at text.

Napabuntong-hininga ako atska bumalik sa loob ng kwarto para kuhanin ang cellphone ko.

Hinanap ko sa contact list ang number ni Lola.

(Monique! Hijah buti naman at nakaalala kang tawagan ako.)

'Naging busy lang po ako Lola.'

(Hay...Alam ko naman iyon, nga pala nakausap ko na ang Mommy at Daddy mo tungkol sa kasal niyo ni Ohrik) Natahimik ako sa sinabi ni Lola. Ano daw? Nakausap na niya ang mga magulang ko.

(Hijah? Monique?) Seryoso ba siya?

'Ahm....Andito pa po ako Lola, ahmm yung kasal ho kelan niyo po nakausap sila Mom?' Lumakas ang kabog ng dibdib ko habang naghihintay ng sagot ni Lola.

(Nung isang araw lang hijah. Ang babait nga ng mga magulang mo at ang Kuya mo. No wonder na nagkaroon sila ng anak na tulad mo. Pumayag sila sa kasal at tinour pa nila ako sa New York.) Napaupo ako sa sahig habang nakanganga kaunti ang bibig ko.

(Sa lunes daw uuwi sila dito hijah para maiplano na ang kasal niyo ng apo ko. Aiii naeexcite tuloy ako. Hihihi.)

'Hehehe sige po Lola masyado na pong gabi. Goodnight po.' Pinatay ko na ang tawag at napayuko ako sa tuhod ko.

Kasal?

Tangina Kasal?

Tssss....Hindi kami pwede ikasal.

She's Falling Inlove to a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon