Geoff Ohrik POV
Tinawagan ko kanina si Monique na sa room na lang kami magkita. Habang naglalakad ako sa hallway panay ang dungaw ko sa bawat room na nadadaanan ko.
Napasingkit ko ang aking mata ng makita ang grupo na madalas mang-bully sa akin.
'Pare!! Kamusta?' Sinuntok ko ng malakas ang likuran ng gago.
'Tarantado ka ha! Bakit mo ako sinuntok!?' Tinulak niya ako kaya hinatak ko kaagad ang kwelyo niya atska siya sinuntok sa mukha ng mabilis.
'Yan ang ganti ko sa pang-gagago mo sa akin!!' Tinadyakan ko ang mukha niya kaya napahiga siya sa sahig. Nilingon ko ang mga kasamahan niya na biglang nagtakbuhan paalis.
'Nice.' Napalingon ako sa aking likuran.
'Isa ka pa nang-gagago sa akin eh.' Hinatak ko ang kwelyo ni Dustin atska siya tinitigan ng masama.
'Gusto ko lang naman ipamukha sayo na pag-mamay ari ko si Monique.' Nakangisi niyang sabi.
'Kahit kelan hindi naging bagay si Monique para sabihin mong pagmamay-ari mo siya!!' Sinuntok ko ng malakas ang kanyang mukha kaya napahiga siya sa sahig.
'Matuto kang lumugar. Boyfriend na ako ni Monique at girlfriend ko siya. Kahit kailan wala ka ng karapatan sa kanya mula ng makipag-break ka sa text!' Naglakad ako papunta sa room. Pagkaupo ko ang daming mga babaeng nakatingin sa akin.
Nanginginig pa rin ang kamao ko sa sobrang galit. Ang gago na Dustin na iyon napaka-kapal ng mukha niya para sabihin sa akin na pagmamay-ari niya si Monique.
-CHUP-
Napatingin ako kay Monique na nakangiting tumabi sa akin. Napangiti ako dahil kiniss niya ako sa aking pisngi.
'Bat nakasimangot ka?' taka niyang tanong.
'HUHUHUHU Ang sama-sama mo talaga Monique.' Umiiyak na sabi ng kablockmate namin na mataba.
'Anong ginawa mo sa kanya?' Taka kong tanong.
'Wala...Sinabi ko lang sa kanya na ang laking harang niya sa hagdanan.' Seryosong sabi ni Monique.
Nilingon ko yung kablockmate namin na mataba, panay ang iyak niya at tumutulo na ang kanyang sipon.
'Nakakaawa naman siya Niks.' Tinignan din ni Monique yung kablockmate namin na mataba.
'Aissh...' Tumayo si Monique na may dala-dalang tissue paper at pabato niya yun binigay. Napailing-iling na lang ako.
'Pwede ba! Stop crying! Gosh college girl ka na umiiyak ka pa rin?!' Bulyaw ni Monique.
'L-lagi mo k-kasi ako b-binubully eh.' sigaw ka sa kanya ng kablockmate namin.
'Kahit na! Psh whatever.' Padabog na naupo sa tabi ko si Monique kaya kinurot ko ang pisngi niya.
'Hindi bagay sayo ang nakasimangot.' Kiniss ko ang kamay niya at pati ang pisngi niya.
'Ohrik ha...Kahapon ka pa.' Banta niya sa akin kaya natawa ako ng mahina.
'Kiniss lang naman kita huh.' Nakanguso kong sabi. Pinitik naman niya ang noo ko.
'Kiss nga! Halos mawalan na ako ng hininga!' Pinalo niya ang braso ko kaya naman hinawakan ko ang dalawa niyang kamay.
'Gusto mo ulitin ko dito?' Mapang-akit kong sabi. Biglang nanlaki ang mata niya kaya natawa ako ng malakas.
'HAHAHAHAHA!! J-just kidding.' Nakita ko ang panliliit ng kanyang mata at tumaas ang kanyang kilay kaya automatikong napatigil ako sa pagtawa.
'Joke lang.' Nginitian ko siya pero tumingin na siya ng masama sa akin. Patay.
Monique POV
Tinitigan ko ng masama ang bwisit na Hambog na ito. Ang lakas ng loob akong pag-tripan.
'Yuko!' utos ko atska tinuro ang mesa ko.
'Niks naman.... Binibiro lang kita eh.' Umiling-iling ako sa kanya bilang sagot.
'Yuko sabi eh!!!' Pagkasigaw ko siya namang yuko niya. Napangiti ako atska ko hinalikan ang kanyang ulo.
'I love you.' Bulong ko sa tenga niya atska yun kinagat. Nakita ko ang pamumula ng kanyang tenga.
'Okay na,' Hinaplos ko ang buhok niya pero nananatili pa rin siyang nakayuko.
'Hoy Hambog!' Piningot ko ang tenga niyang namumula pa rin.
'Hoy Pangit!!!' sigaw ko atska siya nag-angat ng mukha. Napakunot ang noo ko ng pati ang kanyang mukha ay namumula.
'Anong nangyari sayo?' Taka kong tanong at hinawakan ang magkabilang pisngi niya.
'Nakakainis ka!' Biglang sigaw niya.
'Bakit? Wala naman akong ginawang masama sayo huh!' Inis kong sabi.
'Nakakainis ka talaga!' sigaw naman niya. Kaya nainis ako.
'Bakit?! Ano bang ginawa kong masama huh!!' galit kong sigaw sa kanya. Wala akong paki kung pagtinginan kami ng mga estudyante dito sa loob ng room.
'Pinapakilig mo ako eh!!' Sigaw niya at lalong namula ang kanyang mukha. Natawa ako ng pagkalakas-lakas.
'Hahahaha...Ang bilis mo naman kiligin...Di bale araw-araw kitang payuyukuin tutal doon ka kinilig. Hahahaha.' Napahawak pa ako sa aking tyan. Nagtataka ako ng tignan niya ako ng nagtataka din.
'Tsk...' Humiga siya sa mesa niya at hindi na ako pinansin. Tsk tsk niya mukha niya.
Cheska POV
'Gosh!!!!!!' Natataranta akong umakyat sa hagdanan dahil late na late na ako.
'Huhuhu...' Naiiyak kong sabi habang umaakyat sa hagdanan. Sabi ko kasi kay Niks tawagan ako para magising ako ng maaga eh.
'Natataranta ka ata?' Napatigil ako sa pag-akyat ng hagdanan ng makita ko si Karen Impokrita Hinayupak.
'And so?' Mataray kong sabi.
'Tignan nga natin kung kaya lang iligtas ng so-called-bestfriend-mong-si-Monique.' Nagulat ako ng bigla niya akong itulak ng malakas at hindi ako napakapit sa hawakan.
'KYAAAAAAAA!!!' sigaw ko.
Jay POV
Pumasok na kaya si Cheska?
Naupo ako sa silya atska siya tinawagan pero hindi niya sinasagot.'Weird.' bulong ko dahil isa o dalawang ring lang sinasagot na ni Cheska yung tawag ko.
Tinawagan ko agad si Niks kapag hindi niya rin sa sinagot baka may professor na sila kaya hindi masagot-sagot ni Cheska ang tawag ko.
(Hello.) Napakunot ang noo ko ng sagutin ni Niks ang tawag ko.
'Andyan na ba si Cheska?' Naramdaman ko ang malakas na kabog ng puso ko.
(Wala pa ang baliw na yun...Teka papasok ba yun?) Napatayo ako sa silya.
'Oo, magkatext kami kanina eh alam ko papasok siya pero bakit wala pa siya dyan?' Nanlaki ang mata ko ng may narinig akong sigaw sa kabilang linya.
'Niks? Niks!? Anong nagyayari?' Nag-aalala kong tanong.
Biglang namatay ang linya kaya naman tumakbo ako palabas ng room.Tinakbo ko ang building ng B.A at laking gulat ko ng maraming estudyante ang nagtutumpukan doon.
'SHIT!!! TUMAWAG KAYO NG AMBULANSYA!!! CHESKA PLEASE WAKE UP!!!' Tinulak ko paalis ang nga estudyante at biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko ng aking makita si Cheska na nakahandusay sa sahig at nagdudugo ang kanyang ulo.
'Babe?' Nilapitan ko si Cheska at hinawakan ang kanyang pisngi.
'CHESKA!!!! PLEASE GISING!!' umiiyak na sigaw ni Niks. Bigla na lang umikot ang mundo ko.
'SHIT JAY!!! BAKIT PATI IKAW DIN? NAG-DRUGS BA KAYO??!! TUMAWAG NA KAYO NG AMBULANSYA ANO BAAAA!!!' Naramdaman ko ang pagtapik ni Niks sa pisngi ko.
BINABASA MO ANG
She's Falling Inlove to a Nerd
Teen FictionMonique Chene Vega. Ang babaeng nainlove sa taong kasalungat ng ideal guy niya.