Geoff POV
Pagkalabas ko ng mansion nakita ko si Monique na kasama yung mga trabahador at may hawak siyang gitara. Wag niyang sabihin na bukod sa pagtugtog sa piano kaya niyang tumugtog ng gitara?
‘Iho maupo ka dito sa tabi ko.’ Yaya ni Lola kaya naman tumabi ako sa kanya at inakbayan siya.
‘Anong gagawin niya?’ tanong ko habang nakatingin kay Monique na nag-iistrum.
‘Kakanta ulit. Gusto niya kasing maki-jamming.’ Sagot ni Lola.
‘Ang pag-ibig hindi parang cellphone pag naluma, papalitan
Ang pag-ibig hindi parang damit pag may bagong uso,papalitan
Kung sabihin kong mahal kita yan ay totoo sinta,
Huwag na huwag kang magdududa hindi kita binibola…’
Ang ganda ng boses niya. Yung mga trabahador sinusundan yung pagtugtog niya tapos siya nakangiti habang kumakanta at tumutugtog ng gitara.
‘Panghabang-buhay ang pag-ibig ko sayo oh sinta..
Kahit na ika’y pumangit hindi kita ipagpapalit
Panghabang-buhay ang pag-ibig ko sayo oh sinta
Kahit na ika’y makalbo hindi ako magbabago.
Aha uhm…Aha uhm…Aha uhm…Aha uhm…
‘Ang pag-ibig hindi parang pagkain pag pinag-sawaan, Pamimigay na lang
Ang pag-ibig hindi parang pusa pag maingay, ililigaw na lang
Kung sabihin kong mahal kita yan ay totoo sinta
Huwag na huwag kang magdududa, Hindi kita binobola…’
Yung mga ibang babae na trabahador mga pumapalakpak yung tipong sinusundan yung beat na pagkanta ni Monique.
‘Panghabang-buhay ang pag-ibig ko sayo oh sinta
Kahit na ika’y tumaba hindi ako mangangaliwa
Panghabang buhay ang pag-big ko sayo oh sinta
Kahit na magka-wringkles ka, Ikikiss pa rin kita.’
Napangiti ako habang nag-eenjoy siya pakinggan kumanta. Nakakapagtaka lang bakit kaya nakipag-break sa kanya si Dustin? Maganda naman siya , Maputi, Sexy, may talent kaso ang pangit ng ugali. Siguro dahil sa ugali niya.
‘Aha uhm…Aha uhm….Aha uhm…’ at don nagtapos ang kanta niya.
‘WOOO!! ANG GALING MO MONIQUE!!’ sigawan ng mga trabahador. Tawang-tawa naman si Monique yung ibang trabahador nakipag-apiran sa kanya at naki-apir naman siya.
‘Gusto mo rin bang makisali sa kanila?’ nakangiting tanong ni Lola.
‘Huwag na po. Lola pumasok na po kayo para makapag-pahinga na kayo. Gabi na po oh.’ Sabi ko sabay turo sa langit.
‘Oo nga eh. Oh siya ikaw na bahala kay Monique ha! Tandaan mo yung sinabi ko sayo huwag mo siyang sisigawan!’ sabi ni Lola bago pumasok sa mansion.
Napatingin ulit ako kay Monique kaya naman lumapit ako sa gawi niya at napatahimik naman silang lahat. Takang tinignan ako ni Monique.
‘Pumasok ka na sa mansion.’ Sabi ko at nakangiti siyang humarap sa mga trabahador.
‘Papasok na po ako! Salamat po sa time at sa pag-sali po sa akin. Sige po.’ Sabay ngiti niya. Tssss yang ngiti niya na minsanan ko lang masilayan.
Nagsimula na siyang naglakad kaya naman sinundan ko siya.
‘Teka!’ awat ko bago siya makapasok sa mansion.
‘What?’ taas kilay niyang tanong. Bumalik na naman yung masamang mukha niya.
‘Yung ginawa mo kay Karen----
‘Look! Hindi ko kailangan magpaliwanag sayo. Kung yung pinaniniwalaan mo si Karen wala akong paki dun. Basta ang sasabihin ko lang sayo ay hindi ko nagagawang manakit ng tao ng walang dahilan.’ Sabi niya.
‘Kaya pala yung ginawa mo sa akin.’ Gulat siyang napatingin sa akin. At pati ako nagulat sa sinabi ko.
‘Bakit? Ano bang ginawa ko sayo? Wala naman ah!’ sigaw niya.
‘Nevermind!!’ sigaw ko din at naunang pumasok ng mansion. Tssssss. Kamalas-malasan bakit si Lola pa ang nakatulong sa kanya? Sigurado akong hindi siya tatantanan ni Lola.
BINABASA MO ANG
She's Falling Inlove to a Nerd
Teen FictionMonique Chene Vega. Ang babaeng nainlove sa taong kasalungat ng ideal guy niya.