Chapter 27

2K 77 4
                                    

Monique POV

-TOK TOK TOK-

'Sino yan?!!!' Inis kong sigaw habang nakapikit ang aking mata.

'Tignan mo nga naman oh. Gising pa ang prinsesa.' Naidilat ko ang aking mata at nanlaki ang mata ko ng aking makita si Hambog.

'What the hell are you doing here???!!!!' Malakas kong sigaw sa kanya. Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko at hatakin patayo.

'HOY!!! HOY!!!! Anong gagawin mo?!!!!' Inis kong sigaw ng magkalapit ang mukha namin halos maduling na ako.

'I wonder kung anong lasa ng labi mo kapag bagong gising ka.' Nakangisi niyang sabi habang nakatitig sa mata ko pababa sa labi ko. Napangisi rin ako sa kanya at pinungot ng malakas ang kanyang tenga.

'I wonder kung ano ang magiging reaksyon mo kapag sinumbong kita kay Lola na pumasok ka ng basta-basta sa kwarto.' Napasigaw siya ng hatakin ko ang patilya niya. Halos mapahiwalay na siya sa akin at tinitigan ako ng masama.

'Oh? Bakit lumayo ka sa akin?' Nagtataka ko pang tanong.

'Humanda ka sa akin mamaya!!' Sigaw niya at padabog na sinira yung pintuan.

Napahiga ako sa kama habang tumatawa ng malakas at hawak-hawak ang aking tyan.

Geoff Ohrik POV

'Bwisit.' Nakangiti akong bumaba ng hagdan at niyakap si Lola.

'Mamaya naka-ready na yung bahay-kubo sa may gubat, siguraduhin mong maiinlove si Monique sa totoo mong katauhan ha.' Nakangiting bulong ni Lola panay naman ang tango-tango ko sa kanya bilang sagot.

*****
'Lola? Sigurado po kayo?' Takang tanong ni Monique kay Lola.

'Maganda ang tanawin doon Hijah. Sigurado akong mag-eenjoy ka, gusto ko sanang sumama eh kaso may deliver ng mga prutas ngayon sa maynila at bayan.' Malungkot na sabi ni Lola.

'Kung gusto mo ako na lang mag-isa ang pupunta doon, tas ikaw Monique mag-isa ka na dito.' Naglakad na ako palabas ng mansyon ng hawakan niya ang braso ko.

'Sasama na.' mahina niyang sabi kaya napangisi ako.

'Maglalakad lang tayo.' Sabi ko sa kanya habang naglalakad kami papasok sa gubat.

'As if naman lumilipad tayo ngayon.' sarkastik niyang bulong kaya tinignan ko siya ng masama.

'Gusto mo iwan kita dito?' Sarkastik kong tanong sa kanya.

'Ikaw naman. Hindi ka na mabiro.' Pinalo pa niya yung braso ko.

Habang naglalakad kami wala ni isa sa amin ang nagsasalita.

'Ayy palaka!!!!' Napayakap sa akin si Monique kaya naman binuhat ko siya ng pang-kasal.

'Ano ka ba naman!!! Parang palaka lang eh.' Inis kong sabi pero sinubsob niya yung mukha niya sa dibdib ko.

'Ayoko na dito....' Naiiyak niyang sabi.

Nang makarating kami sa pinakatuktok kung saan kitang-kita mo ang buong bayan ay ibinaba ko si Monique.

'W-wow.' Namamangha niyang sabi.

'Sabi ko sayo eh, Mapapa-wow ka sa ganda ng tanawin.' Nakita ko ang maganda niyang ngiti. Sana Monique mainlove ka na sa katauhan ko bilang si Geoff Ohrik Sy.

Karen POV

Hanggang ngayon ay hindi ako mapakali sa binitiwang salita ni Monique.

Hindi kaya? Alam niya ang buong pagkatao ko? Pero paano?

'Aisshhhh....' Napasabunot ako sa buhok ko. Ilang beses ko ng tinatawagan si Ohrik pero hindi niya sinasagot. Akala ko ba nakipagbalikan na siya sa akin?

Minabuti kong lumabas ng apartment at hindi ko aasahan na may bubuhos sa akin na maalisangsang na amoy.

'HOY KAREN!!! ANG KAPAL-KAPAL NG MUKHA MO!!! HANGGANG NGAYON HINDI KA PA RIN NAGBABAYAD NG UTANG MO!!!!' Sigaw ni aling bebang.

'Babayaran ko po kayo basta maghintay lang kayo!!!' inis kong sigaw sa kanya.

'MAGHINTAY??? ANG TAGAL KO NG NAGHIHINTAY SA BAYAD MO!!!' Binato niya sa akin ang timba at naiyak ako ng makita ko ang mga kapitbahay namin na pingbubulungan ako. Mas masakit pa sa pagpapahiyang ginagawa sa akin ni Monique.

Dahil sa sobrang kahihiyang inabot ko ay agad akong bumalik sa apartment.

Monique POV

'Sa lunes na ang uwi mo diba?' Nilingon ko si Hambog.

'Hmmmm....Sa lunes na rin kasi uwi ni Geoff.' Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha kaya tinapik ko ang balikat niya.

'Subukan mo lang magsalita tungkol kay Geoff ng hindi maganda!' inis kong sabi.

'Psh...Hindi wala kasi akong maalala na kinuwento mo sa akin na sa lunes na ang uwi ni Geoff.' Umiling-iling ako sa kanya.

'Puro kasi kahambugan yang nasa isip mo.' Tinignan naman niya ako ng may pagtataka.

'At dahil sa puro kahambugan lang nasa isip ko mukhang naligaw tayo.' Tinawanan ko naman siya ng pagkalakas-lakas.

'Sige lang hambog. Magpatawa ka pa.' sarkastik kong sabi at tinaasan siya ng kilay.

'Tsk....Hindi ako nagpapatawa. Naliligaw nga tayo!!!' sigaw niya kaya naman napalitan ng takot ang mukha ko at niyakap ang macho niyang braso.

'Lintek ka!!!!! Kapag tayo hindi nakalabas ng buhay sa gubat ako mismo papatay sayo!' inis kong bulong kay Hambog.

'Tsk.....Maghanap muna tayo ng pwedeng matulugan.' Naglakad-lakad kami at napatingin ako sa langit. Mukhang hapon na hindi kami pwedeng maabutan ng gabi dito. Huhuhu takot pa naman ako sa loob ng gubat kapag gabi.

'May nahanap ka na ba?' Hinawakan ko ang tuhod ko dahil napapagod na ako sa paglalakad.

'Ayun oh!!! Baka may tao doon.' Tinuro ni Hambog yung maliit na bahay kubo. Aalis na sana siya ng hawakan ko ang kamay niya palapit sa akin.

'Gago ka ba? Baka nakatira dyan yung katulad ng sa wrong turn?' Natatakot kong sabi. Pinitik niya ng malakas ang noo ko kaya pinalo ko ang braso niya.

'Ang sakit nun ah!!!' inis kong sigaw.

'Dami mong arte! Halika na kasi!!' Napatili ako ng buhatin niya ako ng pang-kasal at naglakad kami papunta sa bahay ng mga mamamatay na halimaw sa wrong turn.

She's Falling Inlove to a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon