Dustin POV
Nakatingin lang ako kay Monique at sa lalaking kasama niya habang naglalakad palayo sa kinaroroonan namin.
‘Yuck! Nakita mo yun? Hinalikan ni Pangit si Monique sa noo yuck talaga.’ Narinig kong sabi ni Karen sa mga kapwa contestant namin.
‘Nakakakilig nga eh!’ sagot ng babae.
‘Alam mo ang laking tanga mo! Hindi mo alam ang salitang nakakadiri! Tse.’ Naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Karen. Agad niyang pinulupot yung braso niya sa braso ko.
‘Hon!.’ Nilingon ko siya.
‘Nagugutom na ako!’ nakangusong sabi niya.
‘Wait! Sabay-sabay tayo kakain pagkatapos nitong photoshoot! Sabay lapit sa amin ng president Dustin sunduin mo na si Monique para makuhanan na kayo ng picture at matapos na tayo para makakain na tayong lahat.’ Tumango ako bilang sagot. Inalis ko yung pagkakapulupot ng mga braso ni Karen sa akin at naglakad papunta sa kinaroroonan ni Monique.
‘Aminin mo nga pangit. Type mo ba ako?’ taas kilay na tanong ni Monique.
‘Tinatanong kita! Sumagot ka ng maayos!’ sigaw ni Monique kaya napahakbang papalayo yung lalaki. Hindi ako mapansin ni Monique dahil nasa likod ako ng lalaking kausap niya na mismong kapartner niya ngayon.
‘ANO!’ halata kay Monique ang pagkainis.
‘A------
Magsasalita pa lang yung lalaki ng magsalita ako.
‘Monique.’ Tawag ko kay Monique kaya biglang lumingon sa akin yung lalaki na kapartner niya at lumingon siya kay Monique.
‘What?’ taas kilay na tanong ni Monique.
‘Ahmmm. Tayong dalawa na kasi yung kukuhanan. Let’s go.’ Nakangiting sabi ko pero hindi niya ako nginitian.
‘Sige susunod na lang ako mauna ka na.’ hindi na ako sumagot sa halip tumalikod na lang ako at nagsimula na maglakad pabalik.
![](https://img.wattpad.com/cover/15382905-288-k326666.jpg)
BINABASA MO ANG
She's Falling Inlove to a Nerd
Fiksi RemajaMonique Chene Vega. Ang babaeng nainlove sa taong kasalungat ng ideal guy niya.