Chapter 8

2.2K 76 0
                                    

Monique POV

 

 

Lumabas ako ng kwarto at bumaba ng hagdan. Napatingin ako sa buong mansion grabe ang laki-laki at napakalawak. Ang ganda ng mga disenyo ng mansion talagang masasabi mong napaka-yaman ni Lola.

‘Iha.’ Napalingon ako sa likod ko nakita ko si Lola na nakangiti sa akin.

‘Lola.Pasensya na po kayo kung ngayon lang ako naka-baba.’ Sabi ko at lumapit siya sa akin.

‘Okay lang. Tara ipapasyal kita sa farm ko. Sigurado akong mag-eenjoy ka.’ Hinawakan ni Lola yung kamay ko at sabay kaming lumabas ng mansion bumungad agad sa mata ko ang napakalawak na lupain. Ang daming mga magsasaka may mga puno rin ng mga prutas na pinipitas ng mga trabahador. Napatingin ako sa gilid nakita ko yung mga trabahador na gumagawa ng kape at yung mga babae naman ginagatasan yung baka.

‘Wow.’ Manghang sabi ko.

‘Gusto mo bang i-try lahat ng gawain na ginagawa nila?’ nakangiting tanong ni Lola.

‘Pwede po ba?’ excited kong sabi.

‘Aba’y oo naman. Halika at tuturuan kita.’ Sabi ni Lola kaya naman naglakad kami papunta sa malawak na lupain. Ang daming magsasaka.

‘Iha. Ganito ang gagawin mo. Kukuha ka nitong palay at itutusok mo dito sa lupa. Lalagyan mo sila ng kaunting distansya.’ Pagtuturo ni lola. Kaya naman ginawa ko yung tinuro ni Lola at talaga namang natuwa ako ng husto.

Aaminin ko na first time kong ilubog ang paa ko sa putik. Tapos magtatanim pa ako ng palay sa putik din. Nakakatawa pa lang gawin yung mga bagay na kailanman hindi mo pa nagagawa sa tanang ng buhay mo. Enjoy.

‘Ayan. Mabilis ka pa lang matuto.’ Nakangiting sabi ni lola sabay namin tinapos ni lola yung paglalagay ng palay.

‘Pag bumunga yan. Yan ang magiging bigas.’ Sabi ni Lola habang nakaangkala sa braso ko.

‘Wow.’ Sabi ko.Pagkatapos namin maghugas ng kamay pumunta naman kami ni Lola sa mga puno ng prutas.

‘Oh ito iha panungkit. Sungkitin mo yung hinog na mangga. Ayun.’ Kaya naman kinuha ko yung panungkit at sinungkit yung mangga na tinuturo ni lola.

She's Falling Inlove to a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon