Cheska POV
Maaga akong pumasok mag-isa ngayon. OPO mag-isa lang ako hindi ko kasama ang mabait na bestfriend kong si Niks. Dahil malalate daw siya pumasok ngayon. Nag-bonding daw sila ni Kuya Rain kahapon at napagod siya ng bongga. Tssss.
Papasok na sana ako ng building ng mapansin ko yung mga students na nagkukumpulan sa bulletin board.
Anong meron dun?
Kaya naman naglakad ako papalapit at nakisingit ako ng bongga.
‘Excuse me.’ Sabi ko hanggang sa makarating ako sa harapan.
O____________O
‘Omygee!!!’ sigaw ko at napatakip ako sa bibig ko.
‘Ang ganda talaga ni Monique ano?’
‘Oo nga eh! Tignan mo naman yung kasama niyang guy! Ang gwapo!’
‘Korek! Bagay na bagay sila oh!’
‘Model pala si Monique?’
‘Bakit di naten alam yun? Grabe ang ganda niya.’
‘Hindi kaya boyfriend niya yang kasama niya?’
‘Ang swerte naman ni Monique pag nagkataon na boyfriend niya yan.’
Kaya naman mas nilapit ko yung mata ko at tinitigan maigi yung mga picture kung talagang si Niks yun.
BINABASA MO ANG
She's Falling Inlove to a Nerd
Teen FictionMonique Chene Vega. Ang babaeng nainlove sa taong kasalungat ng ideal guy niya.