Stage 3
Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang tapang sa sarili para sabihin iyon sa kaniya nang hindi man lang nauutal. Kahit na ang mga malalamig niyang mga mata na naghahatid ng init ay nakatutok sa akin ay nagawa ko pa ring umakto na para'ng normal kahit nagwawala na ang puso ko dahil sa kaniya'ng presensya.
I wanted to thank the Gods and Goddesses when I saw kuya Zeus walking back to the living room before Suriel could even open his mouth to respond. That is my cue to turn my back and walk up to my room rather than bear the presence of the God of the west wind here. Kahit pa magmukha ako'ng bastos sa biglaang pagtalikod kahit na nag-uusap pa kami, wala na ako'ng pakialam pa.
"Saan ka pupunta, Far? Kakain na tayo." I heard kuya Zeus asked.
Saglit ako'ng sumulyap sa kaniya at siniguro ko na sa kaniya lang tututok ang aking mata kahit pa ramdam ko ang nanunusok na tingin ni Suriel. "Wala ako'ng gana, kuya. Baka hindi na ako kumain. Pagod na rin ako..."
Kuya Zeus looked at me confusedly. Napasulyap siya kay Suriel ngunit hindi ko na sinundan ang tingin niya dahil ayaw ko'ng makatinginan ang lalaki. I saw how kuya Zeus furrowed his brows like he could feel the tension between me and Suriel. Kaya naman ay umiwas ako ng tingin bago pa masundan ng tanong ang kaniyang sasabihin.
"Taas na ako..." paalam ko para naman kahit papaano ay hindi ako magmukhang bastos kay Kuya. Ayos lang na magmukha ako'ng bastos kay Suriel 'wag lang kay Kuya! Hindi naman siya relevant!
Medyo naging maluwag na sa bahay kahit na may pagtakas na nangyari mula kay Ryzen na kahit ang totoo ay ako naman talaga ang tumakas at sumama lang siya sa akin. Well, I let him took the blame since he is at fault to what happened, too. Pero kung hindi naman niya 'yon nagawa ay hindi ko makikita si Suriel na nasa labas na pala at naliligaw na ng landas tapos ay muntikan pa na masaksak.
Pero kahit na gano'n, hindi pa rin kami masyado'ng nakakalabas, lalo na si Ryzen dahil sa ginawa niya. But since he is busy with his carvings, he doesn't really care about it. Siguro doon lang siya maghihimutok kapag natapos na niya ang ginagawa niya at maburyo sa loob ng kaniya'ng kuwarto. I don't know where he got that hobby or where he even learned that. Pero hindi ko rin naman siya masisisi at ako rin naman ay may ibang hilig na hindi rin nila maintindihan.
Well, my father also loves playing with guns as well as bows and arrows. That is what we used to do before when we bond with each other. Siya rin ang nagturo sa akin no'n na sa una ay hindi nagustuhan ni Mommy pero kalaunan ay walang nagawa kaya hinayaan na lang ako. Matagal na rin ang shooting range sa likod ng aming mansyon. Dad is the one who pushed that to be built since it was his hobby, too. And I am thankful that he did or else I won't discover that hobby of mine or even learn about it.
"Saan ka, ate?" tanong sa akin ni Ryzen nang makasalubong ako nito habang ito ay pataas at ako naman ay pababa sa may salas.
"Sa likod siguro..."
He shook his head. "Mali. Nandito ka sa hagdan wala sa likod," he said casually as he fixed his glasses using his pointer finger.
Napasimangot naman ako agad sa kaniya'ng pamimilosopo. "Tigilan mo ako, Ryzen. Hindi pa kita pinapatawad kaya 'wag mo ako'ng asarin."
He smirked upon hearing my response. He scratched his nape as he brushed his hair using his fingers. "Para naman tayo'ng hindi magkapatid at talaga namang nagtatanim ka ng galit sa akin? Ganiyan na ba dapat, ate?"
Napanganga ako sa naging sagot niya. Tama si kuya Zeus! He could just say sorry to me sincerely! Hindi 'yong para'ng may utang na loob pa ako sa ginawa niya'ng pag-ako ng pagtakas namin no'n o kaya naman para'ng ako pa ang palalabasin niya'ng masama dahil sa hindi pagpapatawad sa kaniya!
BINABASA MO ANG
Summertime Sadness (The Lost Souls on Tour: The Third Tour)
Romance(The Lost Souls on Tour: The Third Tour) Perfection, does this word truly exist in this world? O baka isang salitang pinipilit na 'tin na magkatotoo kahit na pagbali-baliktarin pa ang mundo, hinding-hindi magagamit ang salitang perpekto sa kahit ano...