Stage 4
"Basta magpapaalam kayo lagi kapag aalis kayo. Far and Ryzen, I could only allow the two of you to stroll around the hacienda. Hangga't maaari 'wag muna kayo'ng lalabas," ani Mommy sa amin sa hapag. Nakaupo naman si Ashius na kaniyang hita na kanina pa naglilikot ng kung ano-ano sa lamesa.
Kuya Zeus puckered his lips a bit when he heard our mother's statement. "Aw... Yayayain ko pa naman sana sila na manood ng laro ko para hindi sila masyado'ng nab-bored dito..."
"Ano'ng laro?" interesado'ng tanong agad ni Ryzen.
Gusto ko'ng mainggit sa kanila dahil nakakapag-usap sila nang maayos at nakakakain nang matiwasay. Habang ako ay sobrang kontrolado ang bawat galaw dahil kasalo rin namin kumain si Suriel!
I glanced his way. Ang mata niya ay nasa kaniya'ng plato lang tila alam na hindi dapat siya nakikisali sa usapan namin kaya inaabala ang sarili sa iba'ng bagay. And I am thankful that he isn't looking at me now! Baka tuluyan na ako'ng hindi nakakain kapag patuloy niya ako'ng tatapunan ng malalamig niya'ng tingin!
At saka, 'yon din ang isa pa na aking ikinatataka simula no'ng umuwi siya rito. Sa tuwing nasa iisang lugar kami, lagi ko'ng nararamdaman ang mga tingin niya. Iisipin ko na lang sana na nag-a-assume ako pero kapag tumitingin ako sa kaniya ay nakatutok na sa akin ang mga mata niya!
"Basketball..." sagot ni Kuya sa tanong ni Ryzen. Napanguso naman si Ryzen at tila gusto'ng sumama sa sana ay yaya ni kuya Zeus.
Huminga naman nang malalim si Mommy. Sa pagbuka ng kaniyang labi, alam ko na agad na pag-alma lamang ang lalabas na mga salita mula roon ngunit bago pa siya makapagsalita ay naunahan na siya ni Daddy.
"Saan ba 'yan?"
"Tagaytay Beverly Estates," kuya Zeus answered casually.
Daddy nodded his head. "I heard that subdivision is well secured. Chiara, hayaan mo nang sumama ang mga bata nang makalabas-labas naman..."
Kumunot ang noo ni Mommy sa sinabi ni Daddy. "Pero, Sebastian alam mo naman ang nangyari kay Zeus..."
Daddy sighed heavily as he glanced at us. "We will make sure that they will be surrounded by the most skilled guards here. At saka nasa public place si Zeus no'ng nangyari 'yon. Hayaan mo na makalabas-labas sila. Lalo na si Far, simula yata no'ng nagbakasyon ay hindi na lumabas ng hacienda 'yan..."
Si Daddy ang sumuyo kay Mommy na payagan kami sa yaya ni Kuya. Kuya could be the stricter one but I know he understand us more. Ryzen is looking forward to it while I am not sure what to feel. Wala rin kasi ako masyadong alam sa basketball kaya hindi ako masyadong nakikisali sa usapan. Ayos lang naman sa akin na sumama since 'tulad nga ng sinabi ni Daddy, hindi pa ako gumagala simula pa nang magbakasyon.
"Sumama ka, ate, ah?" bulong ni Ryzen sa akin habang patuloy pa rin ang usapan sa aming lamesa.
Kumunot ang noo ko sa yaya ni Ryzen sa akin. "Kailan ka pa nahilig manood ng gano'n?"
He raised an eyebrow at me. "Dati pa. Nanonood din ako kapag olympics sa school. Hindi ka pa ba nakakanood?"
Napakurap ako sa tanong niya at saka umiling. "Hindi naman ako pinanganak kahapon, Ryzen. Siyempre nakanood na. Pero hindi ko naman nakahiligan!"
Ngumisi siya sa akin. "Makakahiligan mo 'yan kapag nakakita ka ng guwapo. Madalas gano'n ang dahilan ng mga babae kaya nanonood ng basketball. At saka malay mo 'yong mga kalaro ni kuya mas guwapo kay kuya Suriel, e 'di puwede mo nang ipagpalit..." halakhak na sabi nito na siya'ng ikinasabog ng dibdib ko dahil sa kaba.
Napatingin ako sa paligid upang tingnan kung may nakarinig ba sa sinabi niya. Napahinga naman ako nang malalim na tila ba wala namang nakakarinig sa aming pinag-uusapan at patuloy pa rin si Daddy sa panunuyo kay Mommy.
BINABASA MO ANG
Summertime Sadness (The Lost Souls on Tour: The Third Tour)
Romance(The Lost Souls on Tour: The Third Tour) Perfection, does this word truly exist in this world? O baka isang salitang pinipilit na 'tin na magkatotoo kahit na pagbali-baliktarin pa ang mundo, hinding-hindi magagamit ang salitang perpekto sa kahit ano...