Stage 35

735 25 8
                                    

Stage 35

"Are you all okay with the date that I suggested to the judge for the pre-trial?" Levi asked us after the arraignment.

Nasa labas na kami ngayon ng COJ, kakatapos lang ng arraignment na nangyari. Walang sumagot sa tanong ni Levi dahil kapuwa kami mga tahimik at tila may mga iniisip.

"Kailan ulit?" Ryzen asked after the long silence. 

Napalunok si Levi. "Next week..."

Ryzen tried to smirk as he shrugged his shoulders. "It's fine."

Hindi na kami umimik ni kuya Zeus. Nanatili na lang sa aking isip ang nangyari kanina sa korte. 

It's not that I expect them to just confess everything after all. I know that they will put a fight and I am well ready for that. Kahit hindi man maging tagumpay ang paglilitis at pumabor man ang hustisya sa kanila, may iba pa rin naman kaming plano para makuha namin ang hustisya'ng tingin namin ay karapat-dapat na sa amin. Pero iniisip ko pa lang iyon, tila napapagod na agad ako. 

Seeing them after years of the tragedy, I can't help but look back and feel the pain and tiredness after years of hiding and looking for a weapon for us to fight. Gustong gusto ko lumaban sa kanila pero nakakapagod din pala. Nakakapagod dahil pagkatapos ng lahat, bakit nandito pa rin kami at tila kailangan kami pa ang humabol sa hustisya'ng nararapat sa amin dahil kahit tingnan paulit-ulit ang nangyari, kami ang nasira at nakawawa?

It's sad how it's hard to fight for the justice that you deserve. It's hard to fight against people who know how to side with everyone in their own story without hearing ours. 

Umuwi kaming lahat nang tahimik at tila mga pagod dahil sa nangyaring arraignment. Hindi ko alam kung bakit tila nawala ang lakas at tapang na pinapakita ko pagkatapos ng conference. 

I want to...rest and be free after years of being caged by the past. 

Unknown Number:

How's everything?

Napaahon ako nang bahagya mula sa pagkakahiga ko sa kuwarto ng bahay ni Ryzen nang makatanggap ako ng mensahe na kahit wala pang pangalan ay alam ko na agad na mula kay Suriel. Gabi na at sa hinuha ko ay nasa alas diyes na. Ngunit hindi man lang ako nagkaroon ng lakas na tumayo at kumain kahit kanina pa ako kinakatok ng kapatid para samahan siya. 

Me:

I'm not sure if it's fine or what

Me:

But I already expected it so

I closed my eyes tightly after sending my reply. Napahinga ako nang malalim habang iniisip muli ang lahat ng nangyari. Ngayong nasa harap na namin, hindi ko alam kung bakit ngayon pa ako nagiging ganito pagkatapos ko'ng hintayin ang pagkakataon na 'to. 

Unknown Number:

I'm sorry. 

Ngumuso ako nang mabasa ang kaniyang sagot. 

Me:

It's fine. 

Me:

How are you?

I sighed heavily while waiting for his reply. 

Unknown Number:

Not fine. I miss you so damn much. 

I smiled slightly upon reading his message. Kung alam mo lang, Suriel. Miss na miss na rin kita. I can't wait for this to end and be with you. But for now, I want you safe while I fight. Para kahit papano'y matapos na ang nakakapagod na laban, alam ko na may maiuuwian ako. 

Summertime Sadness (The Lost Souls on Tour: The Third Tour)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon