Stage 26

639 26 20
                                    

Stage 26

"I-I'm sorry again for bothering you, Freya..." Suriel mumbled lowly. Tiningnan ko siya mula sa aking likod habang inaayos ang motor. Nakasara ang shop ngayon kahit na hapon pa lang. I texted Bitoy earlier to tell him to close the shop because I don't feel like working anymore. 

Hapon na rin nang makabalik kami ni Suriel sa Maynila. He bought foods for us when we passed by a McDo near the Casino Filipino in Tagaytay. Pero parehas naming hindi iyon ginalaw kaya naman binigay na lang niya sa akin upang iuwi iyon. 

Hindi ako makapagsalita kahit na kinakausap niya ako. I don't know, I feel so weak to do so. Naaawa ako sa kaniya at nasasaktan. But at the same time, I admire his loyalty and strength to hold on to a relationship even though his other one is already deceased. 

Tumango ako sa kaniya at saka marahang ngumiti. "I-I'm sorry, too..."

He shook his head as he tried to smile. "I hope we can be friends. Pero siguro hindi na muna ngayon. I am just...going to think of Far when I am with you and I don't want you to feel uncomfortable with that. Hindi na rin ako pupunta sa shop mo lagi, just like what I have promised..."

Hindi ako nakasagot. 

"I'll recommend your shop to my family and friends. Your flowers are beautiful, by the way."

I watched his car drove away from the parking of the shop. Bagsak ang aking mga balikat habang pinapanood ang kaniyang pag-alis kaya naman ay sumakay na rin ako sa aking motor at saka iyon pinaharurot papuntang apartment. 

I'm both physically and emotionally tired when I entered my apartment. Sumabay pa na medyo masakit ang aking ulo dahil na rin sa mga nangyari. Mabigat din ang aking dibdib habang nag-aayos ng sarili. 

Hindi ako nakatulog agad kahit na hapon pa lang ay nakahiga na ako. Kinain ko kanina ang pagkain binili ni Suriel dahil nakaramdam ako ng gutom. Pero hanggang gabi, nakatulala lang ako sa kisame ng aking kuwarto habang blangko ang isip. 

Hanggang sa pumasok ako ng shop, wala ako sa mood at mabigat pa rin ang dibdib habang nag-aayos ng bulaklak. I am always trying to stop myself whenever my mind is slowly coming back to what just happened these past few days. Kahit si Bitoy ay hindi ako makausap dahil sa sobrang tahimik ko buong araw. 

Bawat pagbukas ng pintuan ng shop, lagi nang naroon ang aking mata, umaasang pumasok siya. Hindi ko alam kung bakit pero...umaasa ako na pupunta pa rin siya kahit na nagkalinawan na ang lahat sa amin. Siguro dahil kahit papaano, lumambot ang puso ko sa kaniya. Like when he told me his story, I feel like I already know his whole personality. 

I always show hostility towards other people who I just met somewhere. But him, he easily opened my doors for him. Napalambot niya agad ang aking puso kahit na hirap ako'ng magtiwala sa ibang tao. He did it in just a short span of time. 

"Ma'am, deliver lang po ako. May pagkain po riyan!" Paalam ni Bitoy sa akin. Tumango lang ako sa kaniya at hindi na sumagot. 

Pabagsak ko'ng binaba ang mga bulaklak na inaayos nang hindi makuntento sa itsura nito. I can't find my passion for now because I know, I am still in chaos. I feel hurt. I feel hurt for Suriel. I feel hurt for Far. And I feel hurt for her family, too. 

Pero kahit ganoon. Kahit na lalo lang lumaki ang kuryoso sa akin, hindi ko na sinubukan pa na alamin ang mga nangyari sa kanila kahit pa nasabi na sakin ni Bitoy ang lahat. Iniisip ko pa lang iyon, sumasakit na agad ang dibdib ko. 

"Kailan ka ulit magpapadala?"

Pagod ako'ng huminga nang malalim nang iyon agad ang binungad sa akin ni Tatay pagkasagot ko ng tawag. Dalawang linggo pa lang ang nakakaraan noong magpadala ako pero ito agad, nanghihingi na naman. 

Summertime Sadness (The Lost Souls on Tour: The Third Tour)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon