Stage 22
Marami-rami rin ang na-kuryoso sa shop namin kaya naman kahit unang araw pa lang, medyo marami rin ang dumagsa. Pagod na pagod ako nang magsara kami habang si Bitoy naman ay kahit gabi na, marami pa ring energy.
"Dami na 'tin nabenta, ma'am!" Tuwang ani nito habang nag-aayos kami ng shop.
Pagod lang ako'ng sumulyap dito at nagpatuloy na rin sa ginagawa. Pagod na pagod na ako na tipo pagsasalita, kinapapaguran ko na. Kaya imbis na sabayan siya o kahit pa na sawayin siya, hinayaan ko na lang na magmukhang tangang nagsasalita mag-isa.
"Ingat po kayo, ma'am!"
Sumulyap ako kay Bitoy at saka bahagya na tumango bago ko tuluyang pinaharurot ang motor. Sa totoo lang, dapat 24 hours bukas ang shop ko pero dahil dadalawa pa lang kami, wala na ako'ng choice kung 'di ang magsara nang gabi.
Diretso ang lakad ko papasok ng apartment ko nang makarating. Ramdam na ramdam ko sa aking mga balikat ang pagod kaya naman ay hindi ko na nagawang maligo ng katawan dahil sa antok. I only brushed my teeth and washed my face before I lay down to my bed. Pagkahigang-pagkahiga ko, kusa nang nagsara ang mga talukap ng aking mga mata.
"Post ko na po 'yong hotline, ma'am?"
Tamad ko'ng sinulyapan si Bitoy bago marahang tumango at saka binalik ang mga mata sa mga bulaklak na inaayos. Pawis na pawis na ako dahil sa init, wala pa namang aircon ang shop ko!
Padabog ako'ng tumayo at saka nagtanggal ng jacket bago muling binalik ang atensyon sa mga bulaklak. Si Bitoy naman ay busy sa page ng shop kaya hindi ko na pinansin at pinagtuonan na lang ng pansin ang ginagawa.
"Kaya mo mag-deliver, ma'am?"
I sighed heavily. "Oo, may motor ako."
Inosente itong tumango sa akin. I rolled my eyes as I brought them back to the flowers. Sumasayaw sa hangin ang bawat halimuyak ng mga bulaklak na siya naman nagpapakalma sa akin kahit na sobrang init ng paligid at malapit ng sabayan ng aking ulo. Kahit papaano, maganda ang ambiance ng paligid dahil na rin sa mga bulaklak at nakakahalina ang pagtigil sa loob ng shop dahil sa natural na amoy ng mga bulaklak na humahalo sa kakaunting simoy ng hangin.
It's summer, I guess. The wind keeps on blowing from the west as if God of the west wind is nearing the shore.
"Ayan, bugbugin mo!"
Umangat ang tingin ko nang marinig ang boses ni Bitoy na ngayon ay may iba ng pinagkakaabalahan at mukhang hindi na ang Facebook page namin. Nalukot agad ang noo ko habang nakatingin sa kaniya habang nanonood ng video sa kaniyang cellphone.
"Bastos! Rapist!"
"Ayan, tangina dapat diyan pinapatay!"
I frowned more as I chose to bring my eyes back to the flowers. Ang batang ito talaga kahit kailan!
Rinig ko ang pagpapalit ng audio sa kaniyang cellphone habang nags-scroll hudyat din na napapalitan ang video'ng pinapanood.
Rinig ko ang hagikhik ni Bitoy habang nag-aarrange ako ng mga bulaklak. Busy pa rin siya sa panonood ng kung ano kaya naman hinayaan ko na at lalo na ay bata pa. Tumayo ako mula sa pagkakaupo pagkatapos ko'ng itali ang isang lumpon ng sunflowers na in-arrange ko. I looked around to see if there's a right place for this to display on. Nang makita ang isang patlang sa may pintuan, doon ako dumiretso at saka doon nilagay ang bulaklak na hawak na siya naman ikinangiti ko nang bahagya.
Ayos din pala maging palamunin lang, may nagagawa ring maganda sa buhay kahit papaano.
I smirked.
BINABASA MO ANG
Summertime Sadness (The Lost Souls on Tour: The Third Tour)
Romance(The Lost Souls on Tour: The Third Tour) Perfection, does this word truly exist in this world? O baka isang salitang pinipilit na 'tin na magkatotoo kahit na pagbali-baliktarin pa ang mundo, hinding-hindi magagamit ang salitang perpekto sa kahit ano...