Stage 1

1.2K 37 9
                                    

Stage 1

My Mom has always had that fondness when it comes to Greek mythologies. I often remember when I was younger, my Mom telling me stories to sleep and it was all about the stories of the Gods and Goddesses of Greece.

And I never complained even once.

I love knowing their stories. Specially even though they are already labeled as the most powerful ones in this world, they are still bearing their imperfections, unlike the God that we mostly know as the most perfect and powerful one yet remained unseen even amid the chaos.

Gods and Goddesses. Their hypocrisy brought chaos into this world. Their imperfections and sinful acts cause the world to lose its balance. Yet remained praised by their worshippers.

As I go deep into their stories, I then realized why our names were so unusual. Lagi ko'ng inaabangan tuwing pumapasok ako sa eskuwelahan kung magkakaroon ba ako ng kaklase na magiging kapangalan ko. It was something that I always look forward to. Dahil madalas ako'ng magkaroon ng dalawang kaklase na dumadala ng iisang pangalan pero kahit isa na kapareha ng akin, wala...

Aieszeus Marcelleus, or Zeus as we usually call him. Who bears the name of the God among Gods, the God of thunder. Athanasios Ryzen, Athanasios means 'immortal' in Greek. Ashius Herakles, Heracles the divine hero of Greek mythology. Son of Zeus and Alcmene. And lastly, Fahari Praxidike. Pronounced as Praksidiki. Praxidike, the Goddess of vengeance, punishment, and justice.

And him who I used to admire but now despises, the one who bears the name of the God of the west wind...

"Far, sinabi ko naman sa 'yo na 'wag ka na tumulong at madudumihan ka lang!" suway sa akin ni ate Ara nang makita akong nagbubunot din ng mga damo sa mga pananim nila.

Ngumiti ako at saka umiling. "Dumi lang naman 'yan, ate. Madaling hugasan."

"Hay naku, bata ka! Kami dapat ang gumagawa nito kaya maupo ka na roon sa may kubo at manood na lang! May buko roon, kinuha ng kuya Joshua mo!

Umiling akong muli. "Nakakatamad naman ng gano'n lang, ate!"

"Mangingitim ka!"

I pouted. "Maitim na talaga ako, ate!" tawa ko.

"Morena, Far. Batang 'to!"

I chuckled as I continued pulling out some unwanted grass.

"Oh, hindi ka naman mapasunod. Mabuti pa at uminom ka ng buko habang nagbubunot ka riyan."

I smiled widely as I accepted the buko she is holding. Nilagay ko 'yon sa tabi ko at agad na nginitian nang matamis si ate Ara. "Salamat, ate!"

It's summer again. The way the wind blew brought the smell of the summer breeze yet some fog was still being formed in our place.

Ito ang gusto ko rito sa Tagaytay, kahit mainit hindi ko pa rin gaano nararamdaman. The rural place brings the real nature of the Philippines and that is what lacking in Manila. Kaya kahit gaano pa katataas ang mga gusali roon, hinding-hindi ko ipagpapalit ang Tagaytay.

Though, there are some tall buildings here in Tagaytay pero sa may Olivarez pa 'yon, sa may bayan at medyo malayo 'yon sa hacienda namin. And I am not really fond of it that is why I am satisfied with staying here in our hacienda.

"Mag-uwi ka ng mga strawberries, Far!" sigaw sa akin ni ate Ara nang makita nito na naghuhugas na ng kamay. Kumakagat na kasi ang dilim kaya kailangan ko nang umuwi dahil magagalit si Mommy sa akin pag nagpa-gabi ako.

Tumango ako sa kaniya. "Sige po, ate. Magugustuhan ni Mommy 'yan..."

Inabot niya sa akin ang plastic na puno ng strawberry.

Summertime Sadness (The Lost Souls on Tour: The Third Tour)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon