Stage 11

680 28 2
                                    

Stage 11

Hipokrita ako kung sasabihin ko na hindi ko hiniling na sana ay magustuhan din ako ni Suriel. 

Hiniling ko iyon. Paulit-ulit. 

Pero kahit kailan, hindi ko naman naisip na matutupad nga iyon. Kahit wala naman kaming naging maayos na interksyon kaya ngayon napapaisip ako kung...totoo ba ang nararamdaman namin sa isa't isa o dala lang talaga ng batang puso na gustong makaranas ng kakaibang apeksyon. 

If I would be asked why I liked Suriel...I can't answer it. Hindi dahil ayaw ko sagutin kung 'di dahil hindi ko alam ang sagot sa katanungan na iyon. Kusang tumibok ang puso ko sa kaniya at walang rason ang makakapagbigay ng hustisya kung bakit ko nga ba siya gusto. 

Ang kahel na langit, ang araw na palubog, ang maliit na bulkang kahit kailang hindi masasabing ang bagsik ay babase sa kaniyang liit, ang malalim na tubig na nakapaligid dito, ang hanging init ang singaw na binubuga, ang berdeng damo, at ang Diyos ng hanging ngayon na nasa aking tabi, habang sabay naming ninanamnam ang magandang tanawin na nakapaligid sa amin... 

"Bakit mo ako nagustuhan..." wala sa sarili ko'ng tanong. 

Gusto ko'ng malaman kung bakit. Hindi naman sa hindi ako nagtitiwala sa kaniyang mga salita pero hanggang ngayon...hindi pa rin ako makapaniwala. 

Nandito kami ngayong dalawa para mag-picnic habang tinitingnan ang tanawin ng Taal volcano at Taal lake. May mantel na nakalatag sa lupa kung saan kami ngayon nakaupo habang ang mga pagkain ay nasa harap namin at hindi pa nagagalaw. 

Pagkatapos ng pag-aming nangyari, ilang araw kaming hindi napirmi sa bahay para lang mag-ikot. Noong una medyo naiiilang pa ako sa kaniya kahit pa ilang beses na rin kaming...nag-kiss. 

Sa paglipas ng araw, ang kaba na dati ko'y nararamdaman tuwing nariyan siya ay naging tahanan. I never knew that the chaos he usually sends to me will become my home and comfort. Na pakiramdam ko kapag hindi ako nakauwi nang isang beses sa isang araw sa tahanang iyon, mababaliw ako. 

Kumunot ang noo niya habang umiinom ng mineral water na dala namin. He shifted on his seat to face me properly before he opened his mouth with confusion still etching on his face. 

"I don't know," maikli niyang sagot. 

Ngumuso ako. "Puwede ba iyon?"

Tumaas ang kilay niya sa akin. "Why? Do you have a reason why you like me, Far?"

Natahimik ako sa balik niyang tanong. Gusto ko'ng isipin na kaya ko siya nagustuhan simula pa noong bata ako ay dahil guwapo siya. His cold aura added to his appeal making him more attractive in my eyes. 

Pero na-realize ko, may mga guwapo rin naman ako na mga nakakasalamuha. Totoong mas guwapo pa rin si Suriel pero hindi ko alam kung bakit iba ang pakiramdam ko sa kaniya. The discomfort, the loud beatings of my heart...siya lang ang tanging nakakagawa noon. 

He watched me like he is waiting for my answer. Hindi ko naman mahanap ang salita na isasagot dahil...hindi ko rin naman alam ang dapat na sabihin. 

He sighed heavily as he moved his head to look at the view of Taal Lake. 

"See? You can't even answer your own question."

"Bakit kaya..." kusa ang paglabas no'n mula sa aking bibig. 

He shook his head lightly. Ang itim niyang buhok ay sumasayaw kasabay ng pagbuga ng hangin. Lalong nagulo ang buhok niya dahil doon ngunit hindi naman naging sagabal iyon sa kaguwapuhan niya. In fact, it even made him more and more attractive. 

"Liking someone, doesn't need to have a reason, Far. Minsan kusa mo na lang 'yan mararamdaman. What's more magical about it is you when unexpectedly liked a certain person. Na sa pagtagal ng panahon, makikita mo na lang ang sarili mo na unti-unting nahuhulog," he sighed heavily. "Na makikita mo na lang ang sarili mo na nababaliw na sa kaniya at tila gusto na lang na angkinin siya sa takot na baka maagaw pa ng iba..."

Summertime Sadness (The Lost Souls on Tour: The Third Tour)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon