Stage 29
"There's a party that will be held by Bea Gonzaga at one of their event places near BGC tomorrow," Ryzen mumbled lowly from the other line.
Bumuga ako ng usok at agad na napaahon mula sa pagkakahiga. Patulog na sana ako nang tumawag si Ryzen. Nananakit na rin kasi ang aking ulo kaya napagdesisyonan ko nang matulog pero dahil isang malaking abala itong tukmol na 'to, naantala.
He chuckled huskily. "Nah uh, I know what you are thinking."
I smirked. "What?"
"Delikado, ate."
Umiling ako. "Hindi naman ako magpapakita at magpapahalata."
"Huh? Really? You are reckless, remember that. And that is their den, don't you dare."
"I don't give a fuck if that place is their den, Ryzen. Hindi naman ako magpapakita. Wala ako'ng balak magpakilala pa. My sole plan is...to make her taste her own medicine. That's it..." I smirked wickedly. "And don't you dare stop me, Ryzen," mariin ko'ng ani. "Alam mo'ng hindi ako napipigilan."
"Ate," he mumbled coldly. "Alam mo ang kalagayan mo."
"Yeah? Hindi pa naman ako nakakalimot."
"You might bump your fucking head."
Napairap ako. "Stop overreacting, asshole. Wala ako'ng gagawin na iba."
Ilang beses ako'ng sinabihan ni Ryzen. He even used his manipulation skills but that thing won't work on me.
Pumasok ako kinabukasan sa shop nang normal at umaakto pa rin bilang Far. I am damn aware that there are a lot of mens hanging around watching me and they are all sent by Ryzen. Ingat na ingat sila sa akin at naiintindihan ko naman lalo na sa naranasan ko noon. But the thing is, I am not the same weak Far.
Nag-arrange lang ako ng bulaklak buong maghapon at hinayaan ulit si Bitoy na mamahala sa mga customers na pumapasok. Bawat pagbukas ng pinto, hindi ko mapigilan na umasa na si Suriel ang pumapasok.
I miss him. Doon ko na lang siya nakikita kapag nabili siya ng bulaklak pero ngayon, hindi na talaga siya nagparamdam.
Pero mas ayos na rin iyon kaysa mapahamak pa siya kakalapit sa akin. Kailangan ko'ng magtiis at tapusin na ang lahat bago ako tuluyang magpakilala sa kaniya.
Maagang nagsara ang shop dahil na rin sa lakad ko. Kailangan ko'ng mag-ayos at maghanda. Hindi ako puwedeng sumabak sa gyera nang walang armas kung ayaw ko'ng ako ang matambangan.
Ryzen sent me a uniform same as what the servers will wear at the party. Nag-ayos ako at nagsuot ng ibang wig at saka naglagay ng prostetics sa katawan upang hindi ako makilala ng kahit sino.
Sinuksukan ko ng kutsilyo at baril ang belt sa aking hita na nasa ilalim ng pencil skirt na suot ko. After that, I looked at myself in the mirror and saw another person in front of me.
Napahinga ako nang malalim at saka tinagilid ang ulo. I smirked. Ah, what should I name to this new person in front of me? Hm...
Hindi ko dinala ang aking motor nang magpunta ako sa Taguig. I can't risk my real identity and the identity that I have now. I have to protect them to execute our plans successfully.
Pagkarating pa lang sa private resort, humalo ako agad sa mga servers at umaktong nagtatarabaho rin doon. Hindi gaano kahigpit ang security sa lugar kaya naman ay nakapasok ako agad.
May suot ako'ng earpiece kung saan nagsasalita si Ryzen. Kanina ko pa iyon gusto tanggalin dahil puro lang naman paalala ang sinasabi niya at hindi pa iyon nakakatulong. Pero hindi naman ako makapagsalita para murahin ito dahil baka may makahalata sa akin dito.
BINABASA MO ANG
Summertime Sadness (The Lost Souls on Tour: The Third Tour)
Romance(The Lost Souls on Tour: The Third Tour) Perfection, does this word truly exist in this world? O baka isang salitang pinipilit na 'tin na magkatotoo kahit na pagbali-baliktarin pa ang mundo, hinding-hindi magagamit ang salitang perpekto sa kahit ano...