Stage 15
It feels like a hollow feeling after Suriel left. Malungkot tuloy ako ilang araw pagkatapos niya umalis. Malungkot ako na umalis na si Suriel pero mas lamang ang takot sa akin sa papalapit na pagsisimula ng klase.
It has been almost two days since he left. After he left, it feels like reality is about to come, too.
And my reality is...I am being bullied in school.
"Anak, alam ko na malungkot ka dahil umalis na si Suriel. Kahit naman ako ay malungkot pero hindi matutuwa si Suriel kung lagi ka na lang maglulugmok diyan..."
I was indeed sad because of it. But it was never the main reason why I started acting this way. Hindi ako sobrang lungkot dahil minu-minuto rin naman kaming magkausap ni Suriel.
I'm so anxious. Sa bawat paglipas ng araw, gano'n din ang pagdagdag ng pangamba sa akin dahil kay Bea. Hindi lang dahil kay Bea kung 'di pati na rin sa mga kaibigan niya na may mga galit sa akin kaya lagi na lang ako'ng pinagsasalitaan ng kung ano-ano.
They bully me a lot. Gumagawa ng kung ano-ano'ng kuwento para mapahiya lang ako. Mas lamang ang pangungutya nila sa morena ko'ng balat kaya naman...naging insecure ako tungkol doon.
"Do you want to go somewhere, Far? Gusto mo ba na mag SM tayo? Or Twin Lakes? Serin?"
I tried to smile at my mother. "Hindi na po. Delikado umalis, Mommy."
She shook her head. "Hindi! Magsasama tayo ng maraming bodyguards."
I sighed heavily.
"Come on, Far. Titingin din ako ng mga damit para sa kapatid mo. Sa Dasma tayo since doon naman malaki ang SM. Mas malapit din kumpara sa Tanza. Sa Silang tayo dadaan, anak..."
Nagpumilit si Mommy na umalis kami ng araw na 'yon kaya naman ay hinayaan ko na siya at sumama ako kaysa naman hayaan ko siya na mag-isa na umalis lalo na at buntis siya. Hindi naman maaasahan si Ryzen sa pagsama kay Mommy at lalo na si kuya ngayon na abala sa girlfriend niya na ipapakilala pa lang niya sa amin sa isang araw.
I am not even sure if my mother really plans to look for clothes for my unborn sibling or to comfort me just because she thinks that I am sad about Suriel being away. Hinayaan ko na lang siya. I don't want her to stress out about me. Ayaw ko nang...dumagdag pa.
Me: aalis kami ni Mommy. tingin niya nagkukulong ako sa kuwarto dahil malungkot ako na umalis ka. hindi niya alam na lagi kitang katawagan :((
Suriel Zephyrus Avila: you are indeed sad, baby. i can notice that while we are on call.
Me: yup, but i am more anxious.
Suriel Zephyrus Avila: and she can notice that, baby. your mother always notices everything about you.
Siguro nga tama si Suriel. My mother can always notice it every little things about me. Ni kahit nga ang pagkagusto ko kay Suriel noon pa ay alam niya pala! Akala ko ay ang alam niya na gusto ko ay si Zane...
Marami ang bodyguards na nakasunod sa amin nang umalis kami sa hacienda. Nakatulog ako habang nakahiga sa balikat ni mommy habang bumabiyahe. Mas malapit sa Silang ang daan papunta sa Dasma kumpara sa Indang at Trece and daan.
"Bumili ka na rin ng gamit para sa eskuwelahan mo, anak..."
Hindi ako nakasagot kay Mommy habang naglalakad kami papasok ng SM. Humiwalay na ang bodyguards namin at humalo na sa tao kaysa naman hayaan namin sila na sundan kami nang sundan dahil makukuha lang namin ang atensyon ng mga narito.
Nagpunta kami sa mga department mga damit para sa pang-baby. Medyo nawala ang iniisip ko na pangamba dahil sa pagtingin ko ng mga damit na pangbabae para sa...baby sister ko!
![](https://img.wattpad.com/cover/271470044-288-k175038.jpg)
BINABASA MO ANG
Summertime Sadness (The Lost Souls on Tour: The Third Tour)
عاطفية(The Lost Souls on Tour: The Third Tour) Perfection, does this word truly exist in this world? O baka isang salitang pinipilit na 'tin na magkatotoo kahit na pagbali-baliktarin pa ang mundo, hinding-hindi magagamit ang salitang perpekto sa kahit ano...