Stage 8

837 26 3
                                    

Stage 8

We got wet when we arrived at our house. Pero hindi iyon ang aking ikinaaalala. The horses, of course. 

Nang makababa, nakita ko rin ang pagbaba ni Suriel habang hinihingal na nakatingin sa akin. I could see some frustrations and worry in his eyes while watching me. 

"Far, are you mad at me aga—"

"Ibalik na na 'tin ang kabayo," putol ko agad sa kaniyang sasabihin. 

Narinig ko ang malulutong niyang mura. 

"What the fuck, Far. You are damn making me more frustrated now. Why won't you answer me?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Wala naman ako'ng problema. Masama lang ang pakiramdam k—"

"Galit ka," giit niya habang umiigti ang panga. The mysterious moon in his eyes are still looking at me frustratingly. 

Umiling ako. 

"Don't fool me," madilim niyang ani. "We were fine earlier. Umalis lang ako nagkakaganito ka na..."

"Why does it bother you?" I asked irritatingly. 

Ginantihan niya ang naiinis ko'ng tono. "Why shouldn't I?"

I gritted my teeth. Tumalikod na ako at saka hinila si Supremo papunta sa maliit nilang lagayan sa may likod nang hindi sinasagot si Suriel. Narinig ko rin naman agad ang pagsunod nito dahil hindi pa rin ito tapos sa pagsasalita. 

"Why are you refusing to talk to me?"

Hindi ako muling sumagot kaya naman sunod-sunod na naman ang pagmumura niya. Hindi pa nakatulong ang ingay ng ulan at ang bawat nakakatusok na pagbagsak ng mga ito sa aking balat. 

"Baby..." 

I shivered when I heard Suriel's sweet voice behind me. Unti-unti ko na namang nararamdaman ang panglalambot ngunit hinigpitan ko ang pagkakahawak sa tali ni Supremo upang mas tatagan ang sarili na hindi magpadala sa kaniyang hangin. 

"Talk to me, please..." 

The frustration in his voice is evident. Pakiramdam ko ay kaunti pa niyang suyo ay bibigay na naman ako. Pero hindi puwede. Hindi puwede lalo na kung pakiramdam ko pinaglalaruan na lang niya ako. 

Hindi ko na nakayanan pa kaya sumakay na ako kay Supremo at saka ito pinatakbo nang mabilis sa barn. Bumaba ako agad dito nang makarting at saka dire-diretso na pumasok sa aming bahay galing sa backdoor. 

"Naku, Fahari basang-basa ka!"

I shook my head. "Sorry po kung nabasa ko ang sahig. M-Maliligo na lang po ako, ako na po ang magpupunas..."

Umiling agad ang aming kasambahay. Tumakbo ang isa papunta sa akin upang abutan ang ng tuwalya. 

"Far, 'wag mo na nga'ng isipin 'yon! Maligo ka na at kami na ang mgapupunas! Ikaw namang bata ka! Baka ikaw ay magkasakit!"

I pouted my lips lightly as I nodded my head. "Salamat po... P-Pahanda rin po ng isa pa'ng tuwalya, nabasa rin po ng tubig si Suriel..."

Pagkasabi ko noon ay muli ako'ng nagpasalamat sa kanila at saka dumiretso sa loob ng aking silid upang maligo at magpalit ng damit. The whole time I am doing my routine, I was only thinking about what happened earlier. 

Gusto ko'ng magpaagos sa lambing ng kaniyang boses ngunit pakiramdam ko kapag ginawa ko 'yon, sa huli ay malulunod lang ako. Kung siguro hindi ko alam na nandito siya para kay Bea baka nagpadala na ako sa kaniyang boses. Baka isipi ko na nang tuluyan na gusto niya rin ako...

Summertime Sadness (The Lost Souls on Tour: The Third Tour)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon