Stage 2

964 42 17
                                    

Stage 2

I never expected to have this little rendezvous with him in this kind of situation. Sa dami-dami ng puwede'ng maging paraan ng aming pagkikita sa ganito pa talagang paraan. 

It's not that I am wishing to see him again after what he did years ago. Traydor na para sa amin ang pagkakaroon niya ng koneksyon sa babae'ng 'yon ngunit ang pagdala niya rito sa aming hacienda ay...sobra na. Kaya kahit ilang taon ko siya'ng hindi nakita, at kahit hindi nagbago ang pakiramdam ko sa kaniya, mananatili ang galit sa akin na siya'ng magsisilbi'ng proteksyon ng aking puso.

"Ano'ng ginagawa mo rito?!" sigaw ko sa kaniya nang maitali na niya ang lalaki gamit ang lubid na nakuha niya sa kung saan. Nagpupumiglas pa ang lalaki ngunit masyado'ng malakas si Suriel kaya hindi na nito nagawa pa'ng makalaban pa. 

Suriel looked at me coldly. Those same cold gray eyes that he bears. Those eyes that I used to admire. And those eyes that used to hurt my young heart...

Tumaas ang kilay niya at suplado'ng umiwas ng tingin bago kinuha ang cellphone sa bulsa upang mag-dial ng kung ano rito nang hindi man lang sinasagot ang aking tanong. 

Nalaglag naman ang panga ko sa inis at saka ito tiningnan nang masama kahit na ang puso ay nagkakagulo na dahil sa kaniya'ng presensya. I know that it was my adrenaline reacted that is why I shouted but still he could've answer me before he called someone!

Napailing ako. "Hindi ka pa rin nagbabago," natatawa ko'ng ani. Bitterness is dripping in my voice.Kaunting konsiderasyon lang sa pamamagitan ng pagsagot ng tanong ko pagkatapos ko siya'ng iligats. Pero hindi man lang niya magawa. Kahit na dapat ay sanay na ako sa gano'n niya'ng trato sa akin ay hindi ko pa rin maiwasan na masaktan. 

Nanatili ako'ng tahimik habang siya ay nakikipag-usap sa pulis habang sinasabi ang lokasyon namin. Nagugulo ang mga paru-paro sa aking dibdib ngunit hindi ako natutuwa dahil kahit gano'n kasaya ang paru-paro roon ay siya ring pagtusok ng tinik dito. 

Binaba niya ang cellphone at saka tiningnan ang mga gulo ng kaniya'ng sasakyan habang ako ay napagdesisyonan na lang na sumakay sa kabayo dahil kung patuloy lang ako'ng mananatili rito ay baka manaig ang galit sa aking sistema at ayaw ko naman ng gano'n. 

"I was here to visit your hacienda at to stay for the meantime like what I used to do before..." he said coldly, answering my question earlier. 

Sumagot nga siya pero ilang minuto pa bago niya ginawa 'yon. Para ba'ng pinapamukha sa akin na hindi'ng-hindi niya ako magiging prayoridad sa kahit ano'ng sitwasyon. 

Nanatili ako'ng tahimik at nakaiwas ang tingin habang ramdam ko naman ang pagtitig niya sa akin o baka nagiging assumera lang ako dahil baka 'yon ang ginugusto ng aking utak na isipin. Pero kahit wala'ng kasiguraduhan ay hindi ko sinubukan na tingnan siya'ng muli para lang sa kumpirmasyon dahil dapat ay wala na ako'ng pakialam pa ro'n. 

"Ate? Ano'ng nangyayari rito?"

My eyes widened a bit when I heard Ryzen's voice and the every step of his horse coming into our way. Agad din naman ako'ng napatingin sa pinanggalingan ng kaniya'ng boses dahil kailangan ko pa ito'ng pagalitan sa kaniya'ng ginawa!

"Athanosios Ryzen Espinoza!" I shouted hysterically. Gusto ko'ng magpasalamat na hindi siya ang naabutan ng magnanakaw kanina dahil hindi ko yata kayang kumalma kung siya nga 'yon! Hindi ko magagawa na iputok ang aking baril dahil hindi ko kaya na sumugal kung buhay naman niya ang magiging kapalit!

It's not that I am implying that I am thankful that it was Suriel who almost got stabbed or what pero mas maayos na rin 'yon kaysa ang kapatid ko!

"Huh? Kuya Suriel? Nandito ka?" mangha nitong ani at hindi pinansin ang pagalit ko'ng tawag dito. 

Summertime Sadness (The Lost Souls on Tour: The Third Tour)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon