Stage 9
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Malinaw sa akin ang kaniyang tanong pero malabo naman ang kaniyang intensyon.
If he is here for Bea, why is he flirting with me? I know that he is a damn playboy! But I am his mother's best friend's daughter! I am his friend's sister! Sana hindi na niya ako sinasama sa mga kalokohan niya kung may respeto ba talaga siya sa kanila!
I tried to get away from him but once again his grip tightened. "I said don't move. I need someone to hug. Masama ang pakiramdam ko," he mumbled weakly. "And you haven't answered my question yet."
Hindi ako nakinig at sinubukan pa rin na kumawala sa kaniya.
"Tama na, Suriel. Nag-aaalala ako sa 'yo pero 'wag mo naman ako'ng paglaruan, please..."
Natahimik siya sa aking sinabi. Kinuha ko ang pagkakataon na 'yon na kumawala sa kaniya at saka umalis upang magtawag ng kasambahay sa loob na tutulong kay Suriel. Ang kilig na nararamdaman ko kanina ay napalitan na naman ng poot dahil sa mga iniisip.
He is so sweet to me. I should be grateful because I have been wishing to reach him for so long. Pero hindi, e. Hindi ko kaya. If he is just pretentious, it will break my heart more. I want something genuine. Kahit gusto ko pa siya, ayaw ko na...panandaliang saya lang ang maibibigay niya sa akin. Ayaw ko noon. I won't settle with something like that especially if I was treated right by the men around me.
"N-Nilalagnat po si Suriel. Pakitulungan po na makapasok..." balita ko sa kasambahay nang makabalik ako sa loob ng mansyon.
Bahagya silang nag-panic sa aking sinabi. Lalo na si Mommy na agad nagpahanap ng gamot para kay Suriel.
"Suriel!" Mom called him hysterically when he entered our house.
Napaiwasa naman ako ng tingin bago pa magtagpo ang mata namin habang hinihintay ang pagsagot niya sa tanong ni Mommy.
"I'm not fine, tita..." he mumbled huskily.
Napalunok ako dahil doon kaya napatingin na ako sa kaniya. I saw his eyes fixated on me. They are weak and asking but I refused to acknowledge them which is why I ended up diverting my gaze.
"Bumalik ka na muna sa kuwarto mo at magpahinga. I wanted to take care of you but my pregnancy is too sensitive. Baka rin mahawa ako, inaalagaan ko pa naman si Ashius..."
"It's fine, tita. Don't get bothered about me too much."
Umiling si Mommy. "Hindi puwede, 'nak..." she said firmly. "Are you comfortable with Far? Alam ko na hindi mo gusto ang basta pumapasok sa kuwarto mo kaya hindi ko na iuutos sa iba. Kay Far sana at mukha namang close na kayo..."
My breath hitched as I immediately foresaw what this conversation will lead to.
Bakita ba lagi na lang...ako.
"Yes, I am, tita," diretsong sagot ni Suriel.
"Ayos lang ba kung papasok siya sa kuwarto mo? Siya kasi ang pagdadalhin ko ng pagkain at gamot sa 'yo. Malakas din ang resistensya niya at hindi 'yan basta mahahawa..."
"Definitely..." magaspang na sagot ni Suriel. "She can enter my room anytime... She can definitely do that...anytime."
Bumilis ang paghinga ko sa narinig. Gusto ko nang magalit sa kaniya dahil pakiramdam ko ay para na naman niyang pinaglalaruan ang aking damdamin. I always know that he hates when someone is entering his room without any of his permission! Ni ayaw nga niya na sinusundan siya kaya naiinis siya sa akin kapag sinusundan ko siya nang palihim noon! Ayaw niya nang may basta lumalapit sa kaniya o may nangingialam ng gamit niya!
BINABASA MO ANG
Summertime Sadness (The Lost Souls on Tour: The Third Tour)
Romance(The Lost Souls on Tour: The Third Tour) Perfection, does this word truly exist in this world? O baka isang salitang pinipilit na 'tin na magkatotoo kahit na pagbali-baliktarin pa ang mundo, hinding-hindi magagamit ang salitang perpekto sa kahit ano...