Stage 19

602 21 3
                                    

Stage 19

Nanatili ako'ng nakatulala habang nakatingin sa langit kung saan may itim na usok na siyang sumasayaw at humahalo sa hangin. The amount of worry that I felt while staring at it isn't even measurable. 

Ang mga taong malapit doon, ang mga nakatira sa bahay na malapit doon, ang mga hayop, ang tanimang pinaghirapan nila...

Nagising ang buong mansyon dahil sa nangyari. The bodyguards were also startled seeing me outside. Agad ako'ng inalalayan papasok ng mansyon habang ako naman ay tulala at paulit-ulit na iniisip ang mga nilalang na siyang mas maaapektuhan ng pangyayaring iyon. 

"A-Ano po'ng p-plantasyon?" hindi ko na napigilang itanong. 

Malungkot na tumingin sa akin ang isang bodyguard. "Plantasyon niyo ng alak, ma'am..."

Humihikbi na ako nang makapasok sa loob. When I entered, I saw my mother trying to fix her robe while my father is already in his outside attire. Nagulat si Mommy nang makita ako kaya naman mabilis ang lakad niya papunta sa akin upang mayakap ako. 

"Oh my God, Far! Bakit ka nasa labas!"

I cried on her shoulder as I keep on thinking about the people near the plantation. Hindi sila puwedeng...I bit my lower lip. They are family, too I can't lose them. 

"Tumawag na pa kayo ng awtoridad? How's the fire?" Daddy said in his formal voice as he kissed my forehead before he walked out together with the bodyguards. Si Mommy naman ay pilit ako'ng pinapakalma habang hinihimas ang aking likod. 

"M-Mommy, s-sina A-Aling Julie..."

I felt my mother nod through our hug. "Yes, Far... Don't worry, I know your father will do anything just to make sure that they are safe and sound. Kahit masira na ang plantasyon, huwag lang sila..."

Lumakas ang pag-iyak ko kaya naman mas humigpit ang pagyakap niya sa akin. Tumaas naman ang mga mata ko'ng lumuluha habang pinapanood ang pagmamadaling paglalakad nina kuya at Ryzen pababa ng hagdan. 

I gritted my teeth as I let my mother go before I walked near the stair to welcome them. 

"K-Kuya..." I said coldly. 

He looked at me with so much worry when he heard my voice. 

"Far, are you okay?" 

I gritted my teeth more. "I saw your girlfriend, kuya," I mumbled coldly. 

Napatigil ito sa paglalakad habang si Ryzen naman ay bumagal. 

"W-What?" 

I glared. "I saw your girlfriend before the arson happened," I mumbled coldly. 

Narinig ko ang mahinang at pagak na pagtawa ni Ryzen nang makarating ito sa may tabi ko. "In other words, nginunguya na ni ate Far ang katotohanang nakahain sa ating harapan, kuya. Ikaw? Kailan mo ngunguyain at sisikmurain? Kaya mo ba? O hahayaan mo lang nakahain sa harap mo hanggang sa mapanis? Kapag napanis na, mababalik kaya iyan ng pagsisisi mo?" Ryzen smirked cunningly. 

Kuya Zeus gritted his teeth as he looked away. 

I looked at him coldly. "You better do something about her, kuya," I said callously. "Hinding-hindi ko siya mapapatawad sa oras na may nangyari sa kanila."

Tinalikuran ko siya at agad na lumakad papalapit kay Mommy. Mommy was just watching us silently. 

"We should do something about them, Mommy," I mumbled coldly as I lift my eyes to look at her. "We're done being kind, Mom."

"Uhuh, exactly, sister..." Ryzen said as he slowly walked near us. "Ano? Panonoorin na lang ba na 'tin sila na unti-unti tayong pabagsakin? Are we still going to choose to be kind despite this...wicked response from them?"

Summertime Sadness (The Lost Souls on Tour: The Third Tour)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon