Stage 5

916 30 13
                                    

Stage 5

Nakatulala lang ako habang pinapanood sila na kinakalma si Suriel at Zane habang si Ryzen naman ay tuwang-tuwa pa sa nangyayari na animo'y nanonood ng paboritong palabas. Si Zane ay hindi makalma habang si Suriel naman ay tahimik lang ngunit akala mo naman ay bulkang nanahimik lang at kaunting pitik pa ay sasabog na naman dahil sa sama ng tingin kay Zane. 

"Suriel, ano ba ang problema mo?" kuya Zeus asked once again in frustrated way. Kanina niya pa tinatanong si Suriel kung bakit mainit ang ulo ngunit hindi naman siya sinasagot nito. 

"This is what I like whenever I watch basketball—fist fight,"  ngising sabi ni Ryzan habang ang tingin ay na kina kuya pa rin.

Siniko ako ni Ryzen kaya nakuha nito ang aking atensyon. Nginusuan niya sina Suriel bago ito ngumisi sa akin. "Pakalmahin mo crush mo," hagikhik nito na siya namang ikinasimangot ko agad. 

Kahit kailan na lang talaga, Athanasios Ryzen!

Si kuya Zeus ang nakipag-usap kay Zane. Dahil nauna ang pagsugod ni Zane kay Suriel ay pinilit ng tropa nila na siya ang mauna na mag-sorry kahit pa na labag sa loob niya. But when Suriel refused to apologize, Zane also refused to do so. 

Medyo problemado tuloy si kuya habang humihingi ng pasensya sa tropa. Humingi rin ng dispensa ang kaibigan niya ngunit ang dalawang nag-away ay nanatiling matigas. 

Suriel is silent the whole journey back to our hacienda. Si kuya ay hindi na pinilit pa ito na pasagutin dahil hindi rin naman nakakakuha ng sagot mula rito at tanging pagsusungit lang ni Suriel ang kaniyang nakukuha. 

Ako naman ay hindi maiwasan na mapatingin kay Suriel dahil na rin sa kuryosidad. Kitang-kita sa mukha niya ang hindi maipaliwanag na galit na kahit sino ay walang nakakaintindi ng rason. 

Diretso ang lakad ni Suriel papasok ng aming mansyon pagkadating namin. Mom welcomed us in our foyer. Napapahingang-malalim naman si kuya Zeus habang sinusundan niya ng tingin si Suriel na diretso ang lakad paitaas pagkatapos batiin si Mommy. 

"What's with him? He was in a good shape before we leave earlier this morning. Lagi ko rin naman siya nakakalaro ng basketball noon and he is always patient but now..." takang tanong ni kuya sa sarili. 

Natawa naman si Ryzen sa kaniya. "Mali kasi ang desisyon mo na isama si ate Far. Ayan tuloy," hagikhik nito na siya namang ikinasimangot ko. 

Bakit ako ang may kasalanan? Wala naman akong ginagawang masama?

Kumunot ang noo ni kuya habang nakatingin kay Ryzen. "What do you mean?"

Kibit-balikat lang ang naging sagot sa kaniya ni Ryzen bago ito dumiretso ng lakad paitaas. 

Ako naman ay hinalikan si Mommy sa pisngi at saka bahagyang inasar si Ashius habang ramdam ang tingin ni kuya Zeus na sinusundan ang aking galaw. 

"Hindi ko nagustuhan 'yang ginawa mo kanina, Far. You even invited Zane to visit our hacienda. Gusto mo ba siya? I told you he is a playboy. He is not good for you," dire-diretsong sermon sa akin ni kuya habang nilalaro ko pa rin si Ashius. 

Mom is still with us and he didn't even think of her presence!

"S-Si Ryzen ang nag-utos sa akin na ibigay 'yong inumin!" agad ko'ng depensa. 

"Ano 'yon?" tanong ni Mommy habang pinapakinggan ang usapan namin ni kuya.

Umiling ako agad kay Mommy ngunit alam ko namang hindi niya iyon papakinggan lalo na at dire-diretso pa rin ang sermon sa akin ni kuya tungkol kay Zane. 

"You like him?" inis na tanong ni kuya sa akin. 

Umiling ako. "Hindi nga, kuya!"

Kung alam mo lang kung sino ang gusto ko!

Summertime Sadness (The Lost Souls on Tour: The Third Tour)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon