Stage 6
I was left dumbfounded. Both were confused and shocked due by his unexplainable words and gestures.
Wala sa sarili ko'ng hinawakan ang bulaklak na nakaipit sa aking tainga habang pinapanood ang likod ni Suriel dahil sa biglaang pag-alis niya pagkatapos ng kaniyang ginawa. He is like a wind, you will unexpectedly feel his presence, yet when he leaves it will left an effect to you.
Napahinga ako nang malalim bago sinapo ang dibdib dahil sa nagwawalang puso sa loob nito. I could also feel my cheeks burning probably because of Suriel's unexplainable gestures.
Bakit niya ginawa 'yon? Why would he put a flower behind my ear? Bakit ang mga galaw niya ay parang nanunuyo? Bakit siya nag...s-sorry? Bakit niya ako tinawag ng ganoon?
I am sure I heard him call me sunshine. I'm not sure what he means by that but the effect of it isn't really good to me. Ang pinipigilan ko'ng damdaman sa kaniya, unti-unti nang kumakawala. Na para ba'ng alam niyang pilit ko iyon kinukulong kaya kusa na niya itong pinapalaya dahil alam niyang siya lang ang may kakayanan na gawin 'yon... At wala man lang ako'ng nagawang laban upang protektahan iyon.
Nang bumalik ako sa may taniman ng ubasan, nakita ko si Suriel nakaupo sa ilalim ng isang puno at nakatulala habang malayo ang tingin tila hindi rin inasahan ang ginawa niya kanina sa akin. His lips are parted while I could see his ears and neck turning into crimson red.
Naramdaman niya siguro ang aking presensya kaya umisod ang ulo niya papunta sa aking direksyon ngunit umiwas ako agad dahil baka tuluyan nang makaalpas ang damdadaming pilit ko'ng kinukulong.
"Oh, nakita mo ba ang mga biik, Far?" tanong sa akin ni Aling Julie nang mapansin nito ang aking pagbabalik.
Ramdam ko pa rin ang panginginit ng aking pisngi kaya umiwas ako ng tingin at saka ibinaba ang kamay na may hawak na bulaklak.
"O-Opo..."
"Mainit ngayon, Far bakit hindi ka muna maligo sa ilog! Yayain mo si Sir Suriel!" Tatay Joseph suggested.
Saglit ang pagsimangot ko sa kaniyang sinabi ngunit nang maalala ang malamyos na boses ni Suriel kanina habang humihinga ng tawad sa akin ay nanaig sa aking isipan na siyang hindi ko nagugustuhan.
The protection I am slowly building for my heart is now slowly being vanished. Nananaig na naman ang damdaming ayaw ko ng maramdaman pa ngunit nananatili pa ring naghahari sa aking sistema.
Ramdam ko ang bigat ng tingin ni Suriel sa aking direksyon pagkatapos marinig ang sinabi ni Tatay Joseph, siguro ay gano'n din ang ideya na pumasok sa kaniyang utak.
"A-Ah, ayaw ko po sa ilog na 'yon. M-May hindi po ako magandang alaala roon, kaya..."
Nakuha naman noon ang kuryosidad ng mga tao roon na siyang pinagsisihan ko agad. Nagsimula ang pagbuhos ng kanilang tanong patungkol sa aking sinabi habang ako naman ay hindi alam kung paano sasagutin.
"Bakit, Far? Muntik ka ba'ng malunod doon?"
I scratched my nape as I glanced at Suriel who wasn't watching me now. He kept his eyes on his feet like he was trying to reflect on what he has done before, the thing that I witnessed. I'm not really sure about it but he...apologized earlier, so...
"H-Hindi po..." kalmado ko'ng sagot.
Kumunot ang noo ng iba sa kanila. "May nakita ka ba'ng mabangis na hayop?"
My eyes blinked thrice as I immediately shook my head. "H-Hindi rin po..."
Naligtas lang ako mula sa kanilang mga katanungan nang marinig ulit namin ang mabibilis na yabag ng isang kabayo. Agad naman kami'ng napatingin sa direksyon no'n at saka namin nakita si Ryzen na ngayo'y papalapit sa aming lugar.
BINABASA MO ANG
Summertime Sadness (The Lost Souls on Tour: The Third Tour)
Romance(The Lost Souls on Tour: The Third Tour) Perfection, does this word truly exist in this world? O baka isang salitang pinipilit na 'tin na magkatotoo kahit na pagbali-baliktarin pa ang mundo, hinding-hindi magagamit ang salitang perpekto sa kahit ano...