The End of the Third Tour

903 27 19
                                    

The End of the Third Tour

"Ang tahimik naman dito..." Nguso ni Far habang iniikot ang tingin sa paligid. Umangat pa ang tingin niya sa kisame kung saan may mga nakasabit na kulungan ng mga ibon. She smiled sweetly.

"Let's sit first," I said lowly as I moved my head sideways to conceal my anxiousness.

She smiled at me. Lumapit kami sa gilid kung saan may lamesa na nakapuwesto habang ang paligid ay may puting tela. Nasa medyo labasan ito pero konektado pa rin sa cafe. It's just looks different because of the white cloth around.

She was enthusiastic when she sat in front of me. Huminga naman ako nang malalim bago ako naupo sa harap niya. Agad din namang may lumapit na waiter sa amin kaya sa menu ko na lang itinuon ang pansin kahit pa'y kumakabog na ang dibdib sa kaba.

"I want the carbonara!" Far said excitingly. Dahil sa masaya niyang tinig, hindi ko na natiis ang sarili na mapatitig sa kaniya. I am happy seeing her this excited and happy. I always thought that I will never see the Far that I used to love again after I saw her after years of losing her. Tuwing naaalala ko ang Far na iyon, pakiramdam ko ibang tao na siya sa Far na nasa harap ko ngayon. That Far was cold, angry...and hurt. I wanted to heal her, hold her yet...I am so scared to do so because she might just push me away again.

"Hot lemonade din. Medyo malamig kasi," she smiled again. Umangat ang tingin niya sa akin at nang matagpuan ang mata ko, mas lalong lumawak ang kaniyang matamis na ngiti. "Ang ganda rito! Bago lang 'to, 'no? Ang tanda ko kasi 'yong restaurant lang sa taas ang mayroon noon..."

I nodded languidly as I tried to smile at her. Pinanood ko ang bawat galaw niya nang tahimik. She looks so curious while her eyes are roaming around the area. Tumayo pa siya nang bahagya at saka tiningnan ang may labasan sa kabila.

Her eyes widened in a fraction when she heard a few chirping birds outside. Napasulyap din tuloy ako sa may labasan at agad napansin ang tila malaking kulungan ng ibon sa may gilid. Doon ko tuluyang naintindihan kung bakit na lang nito nakuha ang atensyon ni Far.

"Suriel, gusto ko roon!" She mumbled excitingly. I nodded my head at her.

"We'll order first, sunshine."

Tila wala itong narinig sa sinabi ko dahil dire-diretso na itong naglakad paalis kaya naman ay wala na ako'ng nagawa kundi ang huminga nang malalim bago nagtawag ng waiter para sa amin order.

"Kailan po na 'tin gaganapin, sir?" The waiter asked lowly.

I shifted on my sit as I looked at him nervously. Napasulyap ako kung nasaan si Far at hindi ko na ito kita, siguro ay nasa mga ibon na.

"Later, I-I guess..." I closed my eyes tightly. "Basta pakihanda na ang lahat. Alam na ang plano."

I stood up immediately the moment the waiter left. Mabagal ang lakad ko para sundan si Far sa labas na ngayon ay mukhang hindi ako agad napansin dahil sa pakikipaglaro sa mga parrot na nasa loob ng malaking kulungan.

I glanced at the white bench with a huge heart at the back of it. May mga pekeng sunflowers sa hugis puso na ito na siya namang nagpaalala sa akin sa nakaraan. There are also some tables beside the sunflower bench. May mga payong pa na siyang nagsisilbing bubong ng lamesa.

"Suriel! Ang cute!" Far shouted a bit when she finally noticed me. Ngumisi siya sa akin at saka hinimas ang ulo ng isang parrot na lumapit sa kaniya. "Kanina pa niya ako sinusundan!" Tawa nito at saka naglakad sa gilid para layuan ang parrot ngunit lumapit naman ang ibon dito, tila gusto magpapansin.

"Do you want to go inside?" I asked lowly.

Nanlaki ang mata niya. "Puwede?!"

I nodded slowly. "Yes..." Bulong ko.

Summertime Sadness (The Lost Souls on Tour: The Third Tour)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon