Stage 21

639 22 8
                                    

Stage 21

"Ma'am, naayos ko na po ang mga bulaklak sa loob. May ipapagawa pa po ba kayo sa akin?"

I stood straight when I heard Bitoy's voice. Tumingin ako rito at saka bahagyang ngumiti. 

"Wala na, magpahinga ka na muna. Salamat," I said coldly. 

He smiled sweetly at me as he entered the shop once again. Ako naman ay tinitigan lang ulit ang labas nito bago ang mga building sa paligid pati na rin ang malaking ospital sa harap. 

Well, I guess I choose the right...place?

Huminga ako nang malalim bago marahang pumikit. Ramdam ko ang pamamasa ng aking noo at batok dahil sa pawis gawa ng init ng hanging binubuga ng Maynila. Ramdam ko pa nga ang halos paninikit ng iilang hibla ng aking maikling buhok sa namamasang parte ng aking balat. 

This is it, Freya. Don't fucking fail this and be a disappointment again. Mahirap na at baka hindi na talaga ako tanggapin sa bahay. Baka matawag na naman ako'ng palamunin. 

"Ma'am!"

I almost jumped in shock when I heard Bitoy's voice once again. Pilit ang pagkalma ko nang binuksan ko ang aking mata at agad na idinerekta sa kaniya ngunit alam ko na hindi ko iyon naitago dahil nakita ko kung paano siya napaatras sa talim ng aking titig. 

I heaved a sigh as I tried to calm myself down. 

"Ano?" 

He scratched his head as he smiled at me sweetly. "Pasensya na, ma'am. Tanong ko lang pala kung kailan ko ba ip-post 'yon sa Facebook para sa paghahanap mo ng floral designer?"

Sumimangot ako. "I-post mo na, ngayon din," I mumbled in so much irritaion. Iyon lang pala ang sasabihin, kailangan pa'ng sumigaw?

He lifted his thumb for an approve sign and smiled at me again. Bumalik na muli ito sa loob ng shop na siya namang ipinagpapasalamat ko. 

This kid...

Kinuha ko ang cellphone sa likod ng aking jeans nang maramdaman ko ang pag-vibrate nito. My lips almost met the ground because of my frown when I read my father's message. Wala pa ako'ng isang buwan sa Maynila at lahat, kakaayos ko pa lang ng shop ko at pagod ito agad ang ibubungad sa akin.

Tatay:

kailan ka magpapadala rito?

Hindi ko alam kung naiintindihan ba nila na wala pa'ng kita ang shop ko o ano lalo na at hindi pa naman ito nagbubukas. Pero kailan ba nila ako naintindihan sa buong buhay ko?

Me: 

hindi pa po bukas ang shop ko, tay

Tatay:

wala kang ipapadala?

I almost threw my phone in annoyance when I read his stupid reply. 

I mean, alangan? Hindi naman instant ang pera, hindi pa nga bukas e 'di ibig sabihin wala pa'ng kita!

Me:

wala pa po

Tatay:

wala talaga ako maasahan sayo, ano? mayabang ka pa at nagpunta sa maynila, dito pa nga lang sa Cebu hindi na kumikita yang flower shop mo na yan, paano pa riyan?

Bumigat ang aking bawat paghinga habang binabasa iyon. Hindi ko alam kung ano ang naintindihan niya sa sinabi ko'ng 'hindi pa bukas ang shop ko'. Ang dami ko pa'ng ginastos para rito, natural na wala ako'ng pera ngayon dahil dito lahat napunta ang ipon ko. Bukod doon, nangupahan pa ako ng apartment at bumili ng motor. 

Summertime Sadness (The Lost Souls on Tour: The Third Tour)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon