Fooled Again

5.5K 336 14
                                        

Chapter Forty-Nine

WALA pang alas singko ng hapon ay naghahanda na si Meredith sa pagsundo sa kanya ni Vengeance. Nagpaganda siya nang husto at nagpabango. Masama ang loob ng asawa niya nang ito'y umalis. She wants to at least placate him by looking presentable. Hindi niya inaaming mali siya sa argumento niya rito kanina. Kahit sino siguro ang lumagay sa katayuan niya noon ay ganoon din ang magiging desisyon. Hindi niya gustong ungkatin pa ang nakaraan dahil tapos na iyon. Pero iyon ang naging simula kung bakit sila nasa ganoong sitwasyon. He knew who she was from the get go. But instead of approaching her in a chivalrous way he tricked her. Or more like, he fooled her. Which solidifies her resolve not to marry him. The irony, she didn't marry him and yet they always ends up in bed whenever they meet.

She sighed. Tumunog ang intercom sa ibabaw ng kanyang mesa.

"Yes, Lou?"

Kahit masama ang loob ng kaibigan sa kanya ay pumasok pa rin ito sa trabaho. Bagaman sinabihan niya ito na pupuwedeng magpahinga sa araw na iyon. Pero malamig lang itong tumugon na kaya raw nito ang sarili. 

"I'm going home now."

"Of course, Lou. Take care."

Hindi ito sumagot at basta na lamang nawala sa dulong linya. Katulad ng sabi ni Gideon--napagkasunduan na nilang dalawa na iyon ang parating gawing pantukoy rito para maiwasan ang pagkakamali--masama itong magtampo. Madalas ay para lang itong teenager na happy go lucky. Parating nakangiti at bihirang-bihira niyang makita na nakakunot ang noo. Mabiro at makalokohan din kahit pa sabihing pinalaki ng istriktong mga magulang.

Nahagod niya ang buhok at napahinga na lang nang malalim. Mabigat dalhin sa dibdib na may dalawang taong masama ang loob sa kanya. At isa na roon ang kanyang asawa.

She has to make it up to him somehow. But how? Maybe she should start by telling him how she felt for him. What she truly feels for him.

Her cellphone rang. Mabilis niyang kinuha iyon mula sa kanyang bag. 

V calling...

She answered it right away.

"Hey, on the way ka na ba?" she asked casually but her heart suddenly skipped a beat.

Noon at ngayon ganoon naman parati ang epekto nito sa kanya.

"Yes. I'll be there in fifteen minutes--give or take."

"Okay, uh, I'll see you in a bit."

"Yeah," tila may katamlayang sagot nito.

"Are you okay?"

"I'm fine. Just tired, I guess."

"Let's cancel dinner na lang kung ganyang pagod ka pala. Sa bahay na lang tayo maghapunan."

"No. It's okay. I already have a reservation."

Napahinga siya nang malalim. "Fine, ikaw ang bahala. Pero kapag masama ang pakiramdam mo ay huwag mo ng pilitin at umuwi na lang tayo nang maaga."

"That's very likely," tila mapaklang tugon ng kausap.

Napakunot-noo siya sa sagot nito. Sumang-ayon lang ba ito sa sinabi niya o may iba pa itong ibig sabihin?

"See you in a bit," he said.

"Drive care--" end call. Ni hindi man lang siya pinatapos sa pagsasalita.

Binalewala na lang niya iyon at muling isinilid sa bag ang kanyang cellphone. Sinipat niya ang oras sa suot na wristwatch. Ipinasya niyang sa labas na lamang ng firm maghintay. Pumunta na rin siya sa pharmacy na nasa ibaba lamang ng gusaling kinaroroonan ng firm para bumili ng over the counter pain reliever in case na masakit ang ulo ng asawa.

The Untouchables Series Book 2 Vengeance LiuMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon