Second Chance

4.3K 228 17
                                        

warning: hindi ito warning para sa isang naglalagablab na bed scene. nag-attempt ang mayora niyo, akala mo kung sinong maalam sa Law. try lang natin, kunwari magaling😁 😁 😁 anyway kung may pagkakamali o maling term, free to correct me😘 😘 😘  this is not really my specialty. 

.

Chapter Fifty-Seven

MAHIGIT isang linggong nanatiling comatose si Suzy matapos ang insidente ng gabing iyon. Nagkamalay na ito ngunit hindi pa ito makausap nang maayos dahil na rin sa nangyari rito. Ngunit base sa inisyal na reaksyon nito nang makagisnan si Rocky ay wala itong ideya kung sino ang lalaking kausap nito. Not even when she saw Vengeance. She didn't show any sign of recognition.

According to her physician it was completely normal. Waking up from coma is not like what they usually show on TV. Na agad ng makakikilos at makapagsasalita nang maayos ang pasyente pagkamulat na pagkamulat ng mga mata. It will take a while. Lalo pa nga at hindi naman isang ordinaryong aksidente ang dahilan ng pagkakaospital nito. Ganoon pa man ayon sa doktor ay oobserbahan pa rin nila ang mental state ng pasyente. Dahil base na rin sa confusion na ipinakikita nito wala itong recollection. Or better yet, wala itong memorya kung sino ito.

Si Vengeance lang ang nakadalaw sa ospital dahil kasalukuyang may hearing si Meredith sa kasong hawak nito. Kaya naman pagkagaling sa ospital ay roon na tumuloy si Vengeance. Tamang-tama namang papasok din ng korte ang PI na si SPO1 Araneta at isinabay na siya nito.

"Alam ba ni Attorney na a-attend kayo ng hearing niya?"

Umiling lang si Vengeance.

"Kung first time niyo lang mapapanood si Attorney sa loob ng korte, nakow. Tiyak lalo kayong bibilib sa asawa niyo, Sir. Kaya siya binansagang Black Widow dahil terible siyang katunggali sa loob ng korte."

Isang payak na ngiti lang ang sagot ni Vengeance. Wala naman siyang pagdududa roon. Nagsisimula na ang paglilitis nang pumasok sila. Tahimik lang na naupo si Vengeance katabi si SPO1 Araneta. The case was attempted murder. Kasalukuyang walang malay at nakaratay sa ospital ang biktima. Ang nasasakdal ay si Kendra Simon, anak ng isang mayamang negosyante. Isang bente-singko anyos na dalaga at manager sa spa na isa sa mga pag-aaring negosyo ng pamilya nito. Habang ang biktima naman ay si Cynthia Roche.

Meredith was currently cross examining a material witness. Ayon kay SPO1 Araneta, ang testimonya nito ang inaasahang magdidiin nang husto sa kliyente ng kanyang asawa. Babae ang witness, a woman around mid-twenties. Ayon dito ay nasaksihan nito ang pagtulak ng defendant sa biktima na naging dahilan ng pagkabagok ng ulo niyon.

Mula sa kinauupuan ay kita ni Vengeance ang kabadong expression sa mukha ng babaing nakaupo sa witness stand. He knew that his wife has a very intimidating aura. Ito ang tipong kahit maganda ay pinangingilagan dahil walang kurap ito kung tumingin sa mata ng kausap. Na para bang binabasa niyon ang lahat ng sikretong puwedeng itago ng kausap. Plus her instance screams authority.

"Ms. Zarate, in your previous statement in this honorable court, you said you don't know the defendant personally. Is that correct?" tanong ni Meredith sa babae.

"Yes."

"Where do you live, Ms. Zarate?"

"Citadel Condominium along España Boulevard."

"How long have you been living there?"

"Uh."

"Objection, Your Honor," anang prosecutor. "This is irrelevant."

Nilingon ni Meredith ang lalaking prosecutor. A very charming smile was plastered on her lips. 

"Hold your horses, Mr. Prosecutor. I'm getting there."

The Untouchables Series Book 2 Vengeance LiuMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon