Completely

4.8K 219 57
                                        

"Completely, I wanna give my love, completely.
I'd rather be alone than be in love just half the way
I wanna find someone that I can trust completely
I wanna give my heart completely
To someone who'll completely give their heart to only me
And when I find that one, that's when I fall in love, completely..."

Michael Bolton

Chapter Sixty-Two

MAINGAT na hinakbangan ni Meredith ang natutulog na bulto ni Vengeance. Sinamantala niya na nakapirmi na ito sa puwesto bago iyon ginawa. Kanina pa kasi ito pabiling-biling ng higa habang pinupunasan niya ng maligamgam na tubig. Tulad ng gusto nito ay sa bahay nga ng kanyang biyenan sila umuwi. Panay pa rin ang giit nito na isa siyang impostora. Mag-a-alas dos na ng madaling-araw silang nakarating sa bahay ni Ms. Fernanda. Nagulat man ito sa pagdating nila ay malugod pa rin silang pinatuloy sa napakalaki nitong bahay. It was a three-storey mansion. Na bagama't parang panahon pa ng Kastila nang maitayo ang magarang tahanan ay hindi naman mukhang haunted house. 

Sa master bedroom sila pinatuloy ni Ms. Fernanda. Iyon daw ang silid na inilaan nito sa anak magmula nang tumapak doon si Vengeance. Matagal ng sumakabilang-buhay ang mga magulang nito at tanging limang kasambahay at butler lamang ang kasama. Ngunit noong hindi pa sila nagkakapangasawahan ni Vengeance ay umuuwi raw ito roon kapag weekend.

"I know that you are both busy. Pero sana kapag weekend ay makadalaw pa rin kayo rito. This house is so big na kahit magkanya-kanya pa ng kuwarto ang mga kasambahay ko ay aalog-alog pa rin kami."

"Sasabihin ko ho kay V, M-Mommy."

"That's another thing. I hope we can also bond kahit once a month, maybe? To break the ice. I really want a daughter. Pero lalaki ang ibinigay sa akin," anito pa. "But I have no regrets naman because now I have you for a daughter."

When Meredith first met Ms. Fernanda, ang impression niya rito ay medyo pormal ito at nakatuntong sa numero ang kilos. Iyong kahit ang pagngiti ay very prim at refined. Ngunit nagkamali siya. She's very soft spoken ngunit hindi naman mukhang pushover. She had a way with words that makes other people obey her without raising her tone.

"Yes. I'd love to, Mommy."

"Wonderful. Maybe we can start with dinner. Later."

"Yes, that would be nice."

"Perfect. You go ahead, magpapahatid na lang ako ng maligamgam na tubig sa room ninyo."

"Thank you po."

Nakatalikod na siya para sundan sana ang asawa na magkasamang inaalalayan ng bodyguard at ni Bentley nang muli siyang tawagin ng biyenan.

"Um, are you by any chance, pregnant?"

Wala sa loob na napahipo si Meredith sa tiyan. Halata na ba?

"I've been there so I noticed."

Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. "Yes, Mommy. Iyon nga ho ang dahilan kaya nagta-tantrum ang asawa ko. Medyo weird po yata ang paglilihi ko dahil madalas kong mapagdiskitahan si V."

"Gusto mo bang malipat sa kanya ang paglilihi mo?"

Napakagat-labi si Meredith. Sa lahat ng hirap na pinagdaanan ni Vengeance sa nakalipas na mga araw ay parang gusto naman niyang makabawi.

"I'm listening."

"Hakbangan mo siya habang natutulog."

"Po?"

"It sounds unbelievable but I have proven it to be true. Ganyan din kasi ako noon kay V. We had a housekeeper back then, si Manang Ditas. Siya ang nagsabi sa akin na ganoon daw ang gawin ko kay Harry habang natutulog. So, I did. At napatunayan kong totoo nga. Wala namang mawawala. Just be careful na hindi siya maglilikot at baka naman mapasama ang bagsak mo may mangyari pa sa inyong mag-ina."

The Untouchables Series Book 2 Vengeance LiuMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon