The Original Sin

4.8K 251 22
                                        

Chapter Fifty-Five

KAPWA tahimik lang ang mag-asawang Vengeance at Meredith nang makauwi. Papaumaga na iyon at pareho silang wala pang hapunan. Idinaan ni Vengeance ang sasakyan sa isang coffee shop. 

"Let's have breakfast first," ani Vengeance nang lingunin ang asawa.

Tumango lang si Meredith na halos wala sa loob. Pinagbuksan sila ng pinto ng dalawang bodyguard. Naka-convoy lamang ang mga ito sa kanila at si Vengeance ang nagmaneho ng sinasakyan nilang kotse.

"Sumunod na rin kayo sa loob para makapag-breakfast," aya ni Meredith sa mga tauhan.

"Huwag na po, Attorney. Nakapagkape na po kami kanina."

"I still insist," may awtoridad na wika ni Meredith. "Responsibilidad niyong pangalagaan ang kaligtasan naming mag-asawa. At hindi niyo magagawa 'yon kung kape lang ang laman ng inyong tiyan."

Parang nahihiya pa ang mga ito ngunit nang magsalita si Vengeance na pumasok na sila sa loob ng coffee shop ay sumunod na rin sa kanila sa loob matapos silang ipagbukas ng pinto. Si Meredith na ang nagprisintang um-order ng kanilang pagkain because knowing how kuripot her husband is, baka kape lang ulit ang ipainom nito sa mga bodyguard nila. 

They ate in silence. Ang dalawang bodyguard ay nasa mesa malapit sa entrance ng coffee shop habang silang mag-asawa ay sa pandalawang mesa di-kalayuan sa mga ito. Wala pang masyadong kustomer. At kung may mangilan-ngilan man ay pawang mga BPO employees.

Ramdam ni Meredith ang pagkalam ng sikmura. Pero wala siyang masyadong gana. Nilamnan niya lang ang tiyan dahil humihingi na iyon ng susunuging enerhiya. Tingin niya ay ganoon din si Vengeance. Kumakain lang ito para magkalaman ang tiyan. Para itong sundalo na nginunguya lang ang pagkain. Ni hindi man lang yata nilalasahan.

"I really hope she recovers after this," taos sa pusong sabi ni Meredith habang marahang sumisimsim ng kape. "She deserves a new life, a new chance to find happiness."

Tahimik lang si Vengeance. Hindi man ito magsalita ay ramdam niyang mabigat para rito ang nangyari kay Suzy. Dahil hindi man ito ang direktang may kasalanan sa mga nangyari sa babae, nag-ugat pa rin ang lahat ng iyon sa ginawa ng ama nitong si Harry Liu.

Pagkatapos nilang mag-agahan ay tahimik ulit silang bumiyahe pauwi. Pinaiwan na ni Vengeance sa tabi ni Rocky si Bentley. Alam kasi nitong higit kailanman ay sa mga sandaling iyon kailangan ni Rocky ng pagdamay ng isang kapatid. At marahil iyon din ang gusto ni Bentley kaya tila may piping pasasalamat sa mga mata nito nang bahagyang yumukod kay Vengeance.

"You look beat,"  ani Meredith sa asawa. "And since it's weekend, let's stay in bed for the whole day."

"Okay," maikling tugon lang nito.

Nang makauwi sila ay pinauwi na rin ni Vengeance ang kanilang mga bodyguard. Anito ay safe sila sa loob ng Empyrean. Wala naman kasing basta-bastang makapapasok doon nang hindi magdaraan sa mahigpit na security check. Kaya lamang mahigpit na pinaiwan ni Vengeance si Bentley at ang ilang bodyguard kay Meredith nang gabing nagdaan ay dahil naroroon si Suzy. Pagkatapos ng ginawa nito kay Manang Florencia ay naging guarded na si Vengeance sa mga galaw ng babae. 

Habang kausap ni Vengeance ang mga tao nito ay nauna ng pumasok ng bahay si Meredith para makapag-half bath bago magpahinga. Tila nagpatung-patong na ang pagod niya sa mga nakalipas na araw. Mula sa pag-aasikaso sa kapatid sa ospital at ang nangyari ng nagdaang gabi. Paglabas niya ng banyo ay nasa silid na nilang mag-asawa si Vengeance. Dala nito ang mga brown envelope na ipinakita sa kanya. Ipinatong nito iyon sa night table saka tila nahahapong pinisil ang batok.

"Ipaghahanda kita ng bihisan," prisinta niya rito.

"Thank you." 

Pumasok na ito ng banyo.

The Untouchables Series Book 2 Vengeance LiuMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon