Chapter Fifty-Six
MATAPOS kumain ay si Meredith na ang nagprisintang maghugas ng mga pinggan. Naparami ang kain niya. Kahit may built-in dishwasher naman doon ay pinili niyang gawin iyon sa tradisyunal na paraan para makapagpababa siya ng kinain. Busog na busog siya. Tinulungan siya ni Vengeance kahit itinataboy na niya itong maupo na lamang at magpahinga.
"Kung ganoon ay hindi totoong nagpakamatay si Baby Rose. They had her killed to silence her from speaking the truth," konklusyon ni Meredith habang nagbabanlaw ng plato. Ang asawa naman niya ang nagpupunas niyon bago ilagay sa dish drawer.
"Yes. Remember the picture I showed you before?"
"The man with the tattoo on his nape?"
"He's a contract killer. He's a member of a group called Wolfhound."
Nasuspinde sa hangin ang kamay niya na may hinuhugasang baso. "Did you find him? Kilala mo ba kung sino ang taong 'yon?"
"Ang alam ko lang ay ang tungkol sa kanilang organisasyon. They live in the shadows, M, in anonymity. Their transactions are usually untraceable."
"What if I want to hire one of them?"
"Hire a contract killer?"
"Not because I want to have someone killed. Kahit may ideya na ako kung sino ang posibleng nagpapatay kay Baby Rose, gusto ko pa ring direktang marinig mula sa bibig ng taong 'yon kung sino ang nagbayad sa kanya para iligpit ang kliyente ko."
"You can't."
"Why not? I'm sure you can find a way to contact them."
"To every trade, there's a code of conduct, giliw. You know that. Katulad ng attorney-client privilege, you can't just ask them to divulge a very confidential information about their client."
"Gusto kong managot ang taong nag-utos sa nangyari kay Baby Rose."
"I'm sure he will, M. In due time. But you have to keep your hands off from this case."
Pabiglang nilingon ni Meredith ang asawa. Hindi siya makapaniwalang maririnig niya iyon mula rito.
"You know how much invested I am to this case. At kung may maitutulong ako para sa mabilis na ikareresolba ng kaso ay tutulong ako sa abot ng aking makakaya."
"Precisely."
Napamaang si Meredith bago unti-unting kumunot ang noo.
"Sa palagay mo ba ay natatakot ako sa kanila?" inis na tanong niya.
Isang maliit na ngiti ang kumurba sa isang sulok ng mga labi ni Vengeance bago tumaas ang isang kamay at inihagod ang knuckles sa kanyang pisngi.
"Walang duda sa isip ko kung gaano ka katapang, giliw. Pero ayaw kong magkaroon ng dahilan ang kabilang kampo na pag-isipan kang may kinalaman sa mga susunod na mangyayari."
Nang hindi siya kaagad magsalita ay muli itong nagpatuloy.
"Q will begin to cause a stir on social media. Sisimulan naming sirain ang pangalan ng bawat pamilyang involve sa nangyari kay Mary Rose. That way, habang isa-isang naglalabasan ang lihim ng mga pamilyang iyon ay mabuksan din ang isipan ng mga taong kaytagal na naging bulag, pipi, at bingi sa lahat ng kanilang kasalanan. Hearsay evidence is not admissible in court, right? Pero tulad ng matandang kasabihan, walang usok kung walang apoy. At titiyakin naming makikita ng publiko ang apoy. Isang apoy na mahihirapan silang apulahin nang basta-basta at pagkatapos ay ibabaon na lamang sa limot."
Napahinga siya nang malalim. Mabigat sa loob niya na basta na lamang ipaubaya ang kaso ng magkapatid na Ilacad nang wala man lang siyang maiambag na tulong. Pero kung ang paghahangad niya na makatulong ay magiging dahilan para ma-jeopardize ang kaso susundin niya ang gustong mangyari ni Vengeance. This time ay handa na siyang ipagkatiwala rito ang lahat.
BINABASA MO ANG
The Untouchables Series Book 2 Vengeance Liu
AksiyonSPG 18 "There were times I wish I could unloved you so I could save what's left of my sanity. It's a never-ending torture to love someone who can't love you back no matter how hard you try." Vengeance Liu
