Chapter Fifty-Four
NANG marinig ang pamilyar na ugong ng dumating na sasakyan ay dali-daling lumabas ng kuwarto si Meredith. She already freshen up while waiting for her husband. Binuksan pa niya ang bintana sa kanilang silid para sigurado siyang malalaman ang pagdating nito. Nauna na rin niyang pinakain ang mga bodyguards pagkatapos niyang magluto. Ipinaasikaso na lamang niya ang mga ito kay Almira atsaka siya umakyat sa silid nilang mag-asawa. Sa kung anong dahilan ay may nararamdaman siyang magandang balita sa pag-uwi nito. At excited siyang malaman iyon. Pero siyempre bukod doon ay nasabik siyang makita ang asawa. Pakiramdam niya ay taon na ang lumipas mula nang huli silang magkasama. Gayong sa ibang mag-asawa ay maituturing pang honeymoon period ang mga linggong nakalipas sa pagitan nila.
Masyado ka kasing matigas, tila ukilkil ng isang maliit na boses.
Ganoon nga ba? Hindi ba't normal na reaksyon lang naman ang naramdaman niya sa ginawa ni Vengeance? Paano magiging lubos ang pagtitiwala niya kung sa bawat pagkakataon pakiramdam niya ay pinaglalaruan nito iyon?
Napabuntonghininga siya. He already explained his side. At dahil tapos na rin naman at ligtas na ang kanyang kapatid ay naisip niyang ayusin na lamang ang kanilang pagsasama. It's about damn time. Nasa may puno na siya ng hagdan nang marinig niyang bumukas ang front door. Iniluwa niyon ang kanyang asawa. At parang alam na alam nito kung nasaan siya. His eyes darted in her direction. Isang ngiti ang unti-unting gumuhit sa mga labi nito bago tinawid ang kanilang distansya. She urged her feet to move, ang salubungin ito midway. Ngunit nanatili iyong nakapako sa may puno ng hagdan habang ang mga mata niya ay hindi mapagkit sa pagkakatitig sa mukha ng kanyang asawa. She was dumbstruck when she saw what was clearly written in his eyes. Happiness in its purest form. And when he enveloped her inside his warm embrace she heard him sigh.
"I'm home, giliw," he whispered.
She smiled. "Yes, welcome home, irog."
"I'm glad you're not mad at me anymore."
"Pagod na akong magalit sa'yo," lihim na nangingiting sagot niya.
Bahagya siya nitong inilayo at pinakatitigang maigi ang mukha. "I hope with this I can finally make it up to you."
Noon niya napansin ang brown envelopes na hawak nito. Aabutin na sana niya iyon nang may bigla siyang maalala.
"I thought you have a guest. Nasaan siya?"
Lumingon si Vengeance sa pinasukang pinto kaya awtomatikong napasunod dito ang tingin ni Meredith. Nakita niya ang lalaking nakatayo roon. Kadaupan niyon ng tingin si Almira na tila napako sa kinatatayuan.
"Suzy," tawag ng lalaki sa huli.
Kitang-kita ni Meredith kung paanong parang ibinabad sa suka ang mukha ni Almira.
"N-nagkakamali po kayo, Sir. Hindi Suzy ang pangalan ko."
Nagpalipat-lipat ang tingin ni Meredith sa dalawa. Ang lalaking tinutukoy ni Vengeance na bisita ay walang iba kundi si Rocky. Pero napagkamalan nga lang ba nito si Almira?
"Sigurado akong ikaw si Suzy."
"Mali po kayo. Almira ang pangalan ko at h-hindi kita kilala."
Itinatanggi nitong hindi kilala si Rocky ngunit bakit may nababasa siyang rekognisyon sa mga mata ni Almira?
Nang tangkain itong lapitan ni Rocky ay mabilis na lumayo si Almira at tila nagpapasaklolong lumapit kay Vengeance.
"Ngayon ko lang po nakita ang taong ito, Sir Vengeance. At hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya," nangangatal na sabi ni Almira.
BINABASA MO ANG
The Untouchables Series Book 2 Vengeance Liu
ActionSPG 18 "There were times I wish I could unloved you so I could save what's left of my sanity. It's a never-ending torture to love someone who can't love you back no matter how hard you try." Vengeance Liu
