The Key To Pandora's Box

5.2K 275 18
                                        

Chapter Fifty-Two

SA ospital na nagkamalay si Meredith. Ang una niyang nakita pagmulat ng mga mata ay ang asawang matamang nagbabantay sa kanya.

"Nasaan ang kapatid ko?" bagama't medyo groggy pa ay iyon kaagad ang mga pangungusap na lumabas sa bibig ni Meredith.

"He's okay. He's in the next room with you," tugon ni Vengeance na halatang wala pang tulog at pahinga. His clean shaven face now has five o'clock shadow. It's not as thick as those European or American men, but there it was. Appearing almost bluish at the tip of his chin and near the corner of his lips. 

He looks so yummy. At sa biglang bugso ng pangungulila na hindi niya malaman kung saan nagmula dahil araw-araw naman silang magkasama, parang gusto niya itong hatakin sa batok at paghinangin ang kanilang mga labi. Ngunit mabilis niyang binawi ang tingin dito at nagtangkang bumangon.

"Don't move yet. Magpahinga ka muna."

"I'm fine. Hindi ako mapapanatag hangga't hindi ko nakikita ang lagay niya. He pulled me from my seat and covered me before the car fell off. At kung hindi ako nagkakamali hindi pa masyadong naghihilom ang sugat niya."

Napahinga ito nang malalim bago tumayo mula sa kinauupuan sa tabi ng kanyang hospital bed. "Fine, I'll take you to him. Bubuhatin na lang kita."

Bago pa siya nakakontra ay yumuko na nga ito. He gently brushed the side of her forehead with the pad of his thumb. Noon niya lamang naramdaman na medyo mahapdi ang parteng iyon ng kanyang mukha.

"May galos ka. But it's only superficial."

"It's the least of my worries right now."

Tipid itong ngumiti bago yumuko at sumayad ang mga labi malapit sa galos niya. Pagkuwa'y tahimik siya nitong pinangko. Imboluntaryo namang kumawit ang braso niya sa batok nito.

"Umuwi ka na ba?" she asked bagaman napansin niyang ang bihis nito ay iyong damit pa rin kanina bago siya umalis ng bahay. O kanina lamang ba nangyari ang lahat?

Hindi siya sigurado kung anong oras na o kung gaano katagal na siyang naroroon at binabantayan nito.

"Not yet."

"Gaano katagal na akong tulog?"

"About five hours."

"Kumain ka na ba?"

Umiling ito.

"Bakit hindi ka pa kumakain? Hindi naman ako mawawala. Sana kumain ka muna saglit at iniwan mo muna ako."

"How do you expect me to do that? I was worried about you."

Parang hinaplos ang puso niya. Gusto niya sana itong sumbatan at sisihin kung bakit siya nasa sitwasyong iyon. Ngunit pinili niyang tumahimik na lang at pagod na siyang magalit dito. Isa pa, kahit naman anong galit niya ay hindi niya maitatangging kulang ang buhay niya kung wala ito. Hanggang sa makarating sila sa pribadong silid na kinaroroonan ng kapatid ay wala ng pag-uusap na namagitan pa sa kanila.

Nakita niyang nakapikit si Jethro. Kung sadyang natutulog lang o hindi pa nagkakamalay mula nang mangyari ang pagtaob ng sasakyan niya ay hindi niya alam. May IV na nakakabit dito at tulad niya ay may ilang superficial wounds din ito.

Maingat siyang ibinaba ni Vengeance sa upuang nasa tabi ng kinahihigaan ni Jethro.

"How is he? Ano ang sabi ng doktor?"

"There are no internal injuries. His body is on a healing period at humihingi ng pahinga ang katawan niya kaya hindi pa rin siya nagkakamalay."

"Sigurado ka?" worried na tanong niya.

The Untouchables Series Book 2 Vengeance LiuMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon