Gideon Hayes

5.6K 320 35
                                        

Chapter Forty-Eight

PINAKIRAMDAMAN muna ni Meredith ang nangyayari sa loob ng kanyang opisina. Soundproofed iyon. Pero dahil hindi masyadong nakalapat ang pinto sa pagmamadali kanina ni SPO1 na makalabas ay dinig nila ang mga kaganapan sa loob. At nang bigla iyong tumahimik ay naisip niyang baka napakalma na ni Gideon si Louise. Itinulak na niyang pabukas ang pinto. Napatda siya sa kinatatayuan at hindi kaagad nakatuloy ng pasok nang mabungaran nila ang isang napaka-intimate na eksena. Gideon was kissing Lou and the latter was frozen in place. Kung sa gulat o pagkabigla ay hindi siya sigurado.

She was about to turn her back when Lou pushed Gideon and slapped him hard afterwards. Napasinghap siya sa gulat. Ngunit agad ding natutop ang bibig nang mabaling sa kanila ang tingin ni Lou.

"Did you know what this lunatic said to me?" tanong nito sabay turo kay Gideon.

Hinahagod ng huli ang pisnging namumula kung saan nakabakas pa ang palad ni Lou. Pinalobo nito ang pisngi saka napabuga ng hangin.

Tuluyan na silang pumasok sa loob atsaka niya inilapat ang pinto. Nilingon ni Meredith ang asawa. Hindi siya sigurado kung ano ang iniisip nito but as always, his face was unreadable.

"Let's all grab a seat, shall we?" itinuro ni Meredith ang maliit na visitor's area kung saan niya kadalasang kinakausap ang kanyang mga kliyente. May marble coffee table roon, isang mahabang upuan na kasya ang tatlong tao at dalawang single seat sa magkabilang side.

Nang tangkaing lapitan ni Gideon si Lou ay pumiksi ito at matalim ang tinging ipinukol sa lalaki. Pinili nito ang isang single seat habang si Gideon naman ay naupo sa pahabang upuan. Si Vengeance ay nanatiling nakatayo na parang silent observer lamang sa lahat ng iyon. Lumapit ito sa may gilid ng kanyang mesa at doon isinandal ang puwetan habang nakahalukipkip. Minabuti ni Meredith na okupahin ang upuang katapat ni Louise.

"Of all the absurdist thing you can say, ginamit mo pa talaga ang pangalan ng isang patay?" Lou eyed Gideon with contempt. "Hindi ka man lang nahiya na gamitin ang isang taong matagal ng nananahimik sa kabilang buhay dahil lang sa iyong kalokohan. Itinuring ka pa namang matalik na kaibigan ni Ra--er, ng Kuya ko. Tapos babastusin mo lang siya?"

"Kuya? Really? We are not siblings! Hindi tayo magkadugo!"

"Maliwanag pa sa sikat ng araw na alam ko ang bagay na 'yan dahil ikaw si Gideon Hayes at ako si Louise Adriana Zamora!"

"Fine! Stay a Zamora. Because soon I will change your maiden name into Hayes."

"In your dreams."

"It will be a reality soon, babe. You can count on it."

"Oh, shut up!"

"Prrrt!" itinaas ni Meredith ang dalawang kamay. Nag-aalala siyang baka sunggaban na naman ni Gideon si Louise. Hindi para saktan kundi para halikan sa gigil nito.

His face was red. At nakikita niya sa paggalawan ng facial muscles nito ang pagpipigil sa sarili.

Meredith took a deep, calming breath. Pagkuwa'y nilingon ang kaibigan.

"How much does she know?"

"Just the truth that I am Ramil Zamora. Or was."

Kaytalim ng tinging ipinukol dito ni Louise. Tingin na kulang na lang ay tumupok sa nakaupong si Gideon. Nang Tapunan ng tingin ni Meredith sa kinatatayuan nito si Vengeance ay malinaw na mababakas sa mukha nito ang pagkagulat. Pagkatapos ay tumingin ito sa kanya. Kahit hindi magsalita ay alam niyang marami itong katanungan.

"Liar," muling bato ng akusasyon ni Louise.

"It's true," ani Meredith na hindi kaagad inalis ang tingin sa mukha ng asawa. "Wala akong planong ilihim sa'yo ang totoo. Hinintay ko lang muna na ipagtapat ni Gideon kay Lou ang lahat. But looks like she's not convince unless I interfere."

The Untouchables Series Book 2 Vengeance LiuMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon