Chapter Sixty-One
"GOOD mor--" ang balak na paghalik ni Vengeance kay Meredith ay hindi natuloy nang basta na lamang nitong itulak ang kanyang mukha na parang naririmarim mapadikit sa kanya.
"Lumayo ka nga. Ayoko ng amoy mo."
Natigilan siya at aminadong bahagyang nasaktan. Bumuga siya sa kamay para alamin kung bad breath ba siya. Hindi naman. Dahil ang totoo ay kalalabas niya lang ng banyo at katatapos lang din maghilamos at magsepilyo. Inamoy niya ang magkabilang kili-kili. Hindi rin naman mabaho.
Salubong ang mga kilay na bumaba ito ng kama at dumiretso sa banyo. Nang sa palagay niya ay matatagalan pa ito roon ay bumaba na siya para magluto ng agahan. Ganoon naman madalas ang routine nila dahil lately ay busy na naman ang kanyang asawa. Co-counsel ito ni Gideon Hayes sa isang bagong kaso. Madalas na magkasama ang dalawa at minsan pa nga ay ito ang naghahatid-sundo kay Meredith.
Nakakaramdam man ng selos ay pilit niya iyong pinaglalabanan. Pinanghahawakan niya ang minsang sinabi ni Gideon na pagtinging-kapatid lamang ang meron ito sa asawa niya. Pero ano nga ba ang damdamin dito ni Meredith? Hindi nga ba't minsan ay inamin nito sa kanya na may gusto ito kay Ramil? Ano ang katiyakan niya na wala na iyon sa kabila ng pagbabago sa hitsura ng lalaki?
Gustong sapakin ni Vengeance ang sarili sa mga naiisip. Hindi niya dapat iniisip iyon. Ngunit wala rin naman siyang katiyakan dahil ni minsan ay hindi niya narinig sa asawa na mahal din siya nito.
Napabuga siya ng hangin. Mayamaya pa ay narinig niya ang paghimpil ng isang sasakyan sa tapat ng kanilang bahay. Lalabasin niya sana iyon para alamin kung sino ang dumating nang marinig niya ang pababang yabag ng asawa mula sa hagdan. Paglingon ay nakita niyang bihis na ito at tila handa ng umalis.
"That must be my ride," sabi nito.
Bago pa makapagtanong si Vengeance ay narinig niya ang pagtunog ng buzzer.
"I'm leaving now."
"Hindi ka ba mag-aalmusal muna? I prepared breakfast."
"Wala akong gana. And besides, may hinahabol kaming tao. Kailangan naming magmadali."
Nang buksan ni Meredith ang pinto ay hindi na nagulat si Vengeance nang makita si Gideon. Magsasalita pa sana ito para batiin siya ngunit agad na itong hinila ni Meredith. Naiwan siyang parang tanga na nakatulala sa harapan ng pinto.
Parang gusto niyang manapak ng mga sandaling iyon. Ngunit kung kanino niya ibubuhos ang galit ay hindi niya alam. Hindi naman niya iyon magagawang ibunton sa asawa. Ni ang salingin ang dulo ng buhok niyon ay hindi niya kaya. Ganoon siya kabaliw rito. At isa pa, ni minsan man ay hindi niya nagawang manakit ng babae.
"Fuck!" ibinuhos na lang niya sa malutong na pagmumura ang nadaramang frustration.
Sa mga sumunod na araw ay ganoon pa rin. Ni ayaw madikit ni Meredith sa kanya. At sa tuwing makikita ang mukha niya ay kulang na lang na maduwal ito. Iritang-irita ito sa tuwing makikita siya!
"What the heck is the matter with you? Have I done something wrong?" hindi napigilang kompronta niya sa asawa.
"Nothing! Huwag mo akong lapitan dahil naiirita ako sa amoy mo. Maybe you should change your cologne," iritableng sagot ni Meredith.
Napamaang siya. Then something dawned on him. And suddenly he finds it hard to breathe.
"Cologne ko lang ba ang gusto mong palitan?"
"What are you talking about?"
"'Yong totoo."
Parang nalito ito sa tanong niya. "Ewan! Huwag mo nga muna akong kausapin!"
BINABASA MO ANG
The Untouchables Series Book 2 Vengeance Liu
ActionSPG 18 "There were times I wish I could unloved you so I could save what's left of my sanity. It's a never-ending torture to love someone who can't love you back no matter how hard you try." Vengeance Liu
