Chapter Fifty
NAPAPAPITLAG si Meredith sa bawat suntok at sipang natatanggap ni Jethro mula sa kalaban nito. Na ang taas at built ay parang si Jason Momoa. Or perhars much taller. Samantalang ang kapatid niya ay nasa 5'11" lamang yata ang height bagaman siksik at nasa tamang proportion ang pangangatawan. Para siyang nanonood ng isang David and Goliath fight. At sa hiyawan ng mga tao ay para bang nakatitiyak na ang mga ito kung sino ang mananalo. But her brother is not a wuss. Nakikita niya sa mga galaw nito kung gaano ito kahusay makipaglaban. Hindi ito 'yong tipo ng fighter na may proper training sa loob ng gym. His fighting skills are more like honed from the street. The kind anyone would use for survival.
Gumulong si Jethro at itinukod ang dalawang kamay sa ring at sinipa ang kalaban. Napaatras iyon at sumadsad sa cyclone wire na pumapalibot sa maliit na fighting arena. Pagkuwa'y tumayo ang kapatid niya. Although his stance is a little unstable. Kita rin ang sakit na iniinda nito sa katawan. Wala siyang nakitang referee na katulad ng mga nasa UFC fights. It was like a fight to the death. Nakuyom niya ang dalawang kamay habang panay ang tahip ng kanyang dibdib sa takot para sa buhay ni Jethro.
Nakita niyang may kung anong sinasabi ang kalaban ni Jethro. He was probably taunting her brother. Pero ganoon naman talaga ang iba. What they lack in skill they make up for having a big mouth. At mukhang naasar dito si Jethro dahil magkakasunod na sipa at suntok ang ibinigay nito sa lalaki. Nahuli ng kalaban ang binti ni Jethro at marahas na hinatak bago pabalibag na itinulak. Parang dinakot ang puso ni Meredith nang makitang sumadsad ang kapatid. Pinagtatadyakan ito ng kalaban hanggang mapabuga ng dugo. Nang akmang aapakan nito sa tiyan si Jethro ay natutop niya ang bibig. Mabuti na lamang at maliksi itong nakagulong palayo. Pagkuwa'y inikot ni Jethro ang katawan at pinatid ang kalaban sa binti. Bumagsak iyon at lumikha ng malakas na ingay ang pagbagsak sa gitna ng ring. Agad na sinundan ni Jethro ang atake sa kalaban.
Pakiramdam ni Meredith ay nagbubuhol-buhol ang kanyang bituka sa paninimbang sa buhay ng kapatid. She knew that it happened to Jethro before. May nakatipo raw na mayamang negosyante rito noon na gawin itong manok sa nagaganap na illegal derby roon ng mga inmates. She put a stop to it before dahil na nga rin sa takot niya na mapahamak ang kapatid. Pero hayun at muli na namang nauulit iyon. Hindi siya sigurado kung ano ang nagtulak kay Jethro para sundin ang ipinagagawa rito ni Vengeance. At iyon ang aalamin niya sa sandaling magkausap sila--o kung magkakausap nga sila dahil masyadong matindi ang bakbakan na nasasaksihan niya.
She almost yelped when Jethro's opponent swayed after receiving a jab from her brother. Na mabilis na sinundan ni Jethro ng malakas na sipa na naging dahilan ng pagsadsad sa cyclone wire fence ng kalaban nito. Nakita niyang duguan na ang mukha ng kapatid dahil sa ilang cut sa mukha nito. Gayunma'y kita niya ang determinasyon doon na gusto nitong maipanalo ang laban.
Nang muling sumugod ang kalaban ay kapansin-pansin na parang wala na ang dating bilis at lakas niyon. Kabaliktaran ni Jethro na tila mas naging masigasig at magilas para matalo ang kalaban. At nang pawalan nga nito ang matinding pagsikad ay hindi na niya napigilan pa ang pagsigaw nang para iyong trosong magiba at hindi na makabangon. Sumabog ang malakas na hiyawan ng mga tao. Ang iba ay dahil sa pagkadismaya sa kinahantungan ng laban pero marahil ay pinakamalakas iyong mga nanalo sa pustahan.
Napahugot si Meredith ng malalim na paghinga. Ganoon na lamang ang relief niya nang makitang buhay bagaman medyo iika-ikang lumabas ng ring si Jethro. Masayang sumalubong dito ang handler nito at inabutan ito ng tuwalya. Nang makita niya itong palabas na ng underground fighting arena ay saka lamang siya nagbawi ng tingin.
Ilang inhale-exhale pa ang hinugot at pinawalan niya para pakalmahin ang sarili. Naghahalu-halo ang emosyon niya sa mga sandaling iyon. Nagagalit siya kay Vengeance ngunit gusto niya ring mainis sa kapatid dahil tila hindi man lang ito nag-iisip at pumayag sa nais ipagawa rito ng una.
BINABASA MO ANG
The Untouchables Series Book 2 Vengeance Liu
ActionSPG 18 "There were times I wish I could unloved you so I could save what's left of my sanity. It's a never-ending torture to love someone who can't love you back no matter how hard you try." Vengeance Liu
