Spicy

3.6K 189 14
                                        

Chapter Fifty-Eight

"HE'S a professional hired killer, right? How come he got caught on camera?"

They all look at Menace when he suddenly blurted out that question. They were at The Loft. Binubusisi nila ang lahat ng anggulo sa pagkamatay ni Baby Rose Ilacad. At sa malaking monitor sa harapan nila ay naroroon ang ilang still shots mula sa CCTV. Naghahanap sila ng impormasyon na puwedeng magdawit sa sino man sa tatlong pamilyang involve sa kaso ni Baby Rose.

"Maybe he got sloppy?" ani Venom.

"No, I don't think so," wika ni Tor habang nakahalukipkip ang isang braso, nakapatong doon ang siko at nakatukod sa ilalim ng baba ang hintuturo at hinlalaki na tila malalim na nag-iisip. "They are not sloppy."

Kumunot ang noo ni Vengeance. 

"It was planned," he surmised.

He felt it in his gut. At kung hahalughugin niya ang utak niya tungkol doon ay sa isang tao lang iyon magtatapos. Kay Dr. Keiran Fitzpatrick.

"Why?" tanong ni Thorn.

Hindi sila kumpleto sa pagpupulong na iyon. Wala sina Scythe, Callous, Zenith, at Ferocious. Walo lamang silang naroroon--Qaid, Venom, Trace, Tor, Menace, Omi, Tor, at siya.

"Or better yet, who?" segundang tanong ni Menace.

"Any lead about those men who ambushed Meredith and Jet?" lumipat ang tingin ni Tor kay Omi.

"They were aliens," seryosong sagot ni Omi.

Na agad na umani ng iba't ibang komento mula sa kanilang mga siraulong kaibigan.

"Na-invade na tayo ng mga aliens?" komento ni Thorn.

"I knew it. NASA had been lying to us all along," si Trace

"Saang planeta naman sila galing? Sa Mars o sa Neptune?" si Venom.

"Malamang kasamahan niyo 'yon, mga tungaw," asik ni Omi sa tatlo.

"They have no priors," saad ni Qaid. "At least not in the Philippines. Dalawa sa kanila ay nasa wanted list ng Interpol. The rest of 'em were barely--how should I put it--traceable. Omi almost burned them all to ashes. The remains of the two I mentioned were undocumented foreigners wanted for human trafficking. At para sa kaalaman ng mga tungaw, they were illegal aliens."

Sinamaan ng tingin ng tatlong tungaw si Qaid.

"If it's deliberate or planned like you said," sagot ni Tor sa sinabi ni Vengeance. "I think someone knows there are people interested about this case."

"People like those monsters?" tukoy ni Qaid sa tatlong lalaki na naging puno't dulo ng kaso ni Baby Rose. "Yeah, sure. They are very interested to bury this case for good."

"No. People like Meredith who was still looking into it despite what happened to her client. I think they know that she's persistent not to let this one rest."

Marahang napatuwid ang likuran ni Vengeance nang mabanggit ni Tor ang pangalan ng kanyang asawa.

"Or... people like us," dugtong ni Tor sa huli.

Pumatlang ang katahimikan sa kanilang magkakaibigan matapos iyong sabihin ni Tor.

"You already took a peek inside Pandora's Box," pagpapatuloy nito sabay sulyap kina Vengeance at Qaid. "Pareho na kayong may ideya kung anong klaseng mga halimaw ang naghihintay sa atin."

"And the hunt shall begin," tila wala sa loob na sabi ni Qaid.

"The question is, who will be hunted and who will be the hunter?" ani Vengeance.

The Untouchables Series Book 2 Vengeance LiuMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon